MJ (POV)
"Masyado ba kong maganda? Baka nakakatunaw yang titig mo." Ngiti kong sabi.
Paano kasi hindi naman talaga ako tulog kunwari tulog tulogan lang.
"Ohhh! Ayaan!!" Sigaw nito.
"Ahhraaayy ko!! Bakit mo ko tinulak!?" Habang hinihimas 'tong balikat ko.
"Yan nararapat sayo!"
"Wala naman akong ginagawa ah. Ikaw nga jan titig na titig sakin eh." Napansin ko naman ang kanyang mukha na halatang namumula.
"Hi-hindi ah." Pagdedeny nito.
"Oh tingnan mo namumula ka oh." Pang asar ko.
"Baliw ka talaga. Bahala ka nga jan."
Balak sana niyang tumayo pero agad ko itong hinila at pinaupo ulit dito sa sofa.
"Oh sorry na hindi na kita aasarin."
Tila hindi naman ito nagsalita.
"Isabel?" Tanong ko.
"Bakit?"
"Hmm.. May problema ka ba talaga?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Ah wala lang. Gusto ko lang malaman."
"Kahit naman sabihin ko sayo wala din namang mangyayari." Sabi nito.
"May saysay man o wala handa akong makinig."
"Sigurado ka ba talaga?" Takang tanong nito.
"Oo isabel."
"Baka naman kamunghian mo 'ko kapag sinabi ko sayo."
"Hinding hindi mangyayari yun. Kahit ano pa yan handa kitang tanggapin."
Nag umpisa namang mamuo ang kanyang luha.
"Mj, sobra akong nasaktan." At dun na bumuhos ang kanyang luha. "Diko alam kung ano ang naging kasalanan ko. Bakit nangyayari sakin 'to. Kung bakit ako niloko at nasaktan ng sobra. Nagmahal lang naman ako at sa hindi inaasahan babae pa ang minahal ko. Mahal ko siya Mj pero alam ko na hanggang dito nalang kami na pilitin kong tanggapin na wala na talagang pag-asa. Ilang beses akong nagmakaawa sakanya na wag akong iwan pero ang tigas tigas ng puso niya, hindi ko na alam ang gagawin ko. Maiintindihan ko kung hindi moko matanggap bilang ganito. Pwede ka namang umiwas nalang sakin. Sadyang nagmahal lang talaga ako." At doon na ito humahagulhol sa pag iyak.
Agad naman akong lumapit sakanya at niyakap ko ito ng mahigpit.
"Ssshh.. Tahan na isabel. Sorry nagtanong pako sayo sorry talaga. Please wag ka ng umiyak." Habang hinihimas himas ko ang likod nito.
Parang nakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Lalo na ngayon nalaman kong may mahal pala siyang iba.
"Mj sorry talaga." Patuloy padin ito sa pag iyak.
Tumingin ako sa maamo nitong mukha at pinunasan ko ang luha nito gamit ang aking kamay. "It's okay isabel. Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, na kahit ano pa yan matatanggap kita. Maaasahan moko sa ganitong bagay. Bukal sa loob kong tanggapin ka. Dahil kung ano ka ganon din ako." Diko na namalayan na nadulas pala ako sa pagsasalita.
"So you mean..?"
"Ah- ahmm.. Yes isabel I'm bisexual." nakakainis naman bigla nalang akong napaamin nang wala sa oras. napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Tila hindi naman ito makapag salita."
"Kahit din ba ganito ako matatanggap mo din ba 'ko?" Kinakabahan naman ako sa tanong ko.