MJ (POV)
Riiinggg! Riiinggg!
"Oh mich bakit?" Habang inaantok.
"Kakagising mo lang?"
"Oo bakit ba?"
"Anong bakit ka jan!? Bat di ka pumasok?"
"Ayoko muna mich tinatamad ako. Bukas nalang."
"May sakit kaba?" Pagalala nito.
"Wala ah. Wala lang talaga akong gana."
"Pero paano 'tong report natin? Ngayon yun."
"Magpapa special project nalang ako."
"Okay it's up to you. I'm going to end this call na, dahil nandito na si prof."
"Okay. Take care." Sabi ko.
Binaba ko na din ang call. At humiga ng maayos sa kama.
Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko si isabel lalo na sa nangyari samin kahapon. Diko alam kung mapapatawad niya paba ako.
Lumabas muna ako sa terrace ng room ko para manigarilyo.
Ano kayang dapat kong gawin? Sobrang miss na miss ko na siya ayoko nang ganito.
Chineck ko muna tong phone ko kung may nagtext.
"Sanbredas mamayang gabi pumunta ka sa bagong bar ng girlfriend ko may inuman." Si kate.
"What time?"
"10 pm."
"Okay." Sabi ko.
Bumaba nako para kumaen ng tanghalian.
"Baby Mj bakit ngayon ka lang bumaba? At bakit di ka pumasok ngayon? May sakit ka ba?" Tanong ni yaya rosing.
"Wala yaya ko. Tinamad lang ako ngayon."
"Ikaw talagang bata ka lagi kang may saltik. Oh eto kape mo inumin mo yan habang mainit pa." Sabi ni yaya habang nakangiti.
"Salamat yaya ko." Pagkatapos kong kumaen, dinala ko tong kape sa sala at nanuod ng tv. Naalala ko tuloy si isabel, na lagi niya kong pinagtimpla ng kape. Kung tutuusin mas gusto ko pa na siya ang magtimpla. Kakaibang lasa. Parang lips niya kakaibang lasa at kakaibang pakiramdam sa lahat ng mga nakahalikan kong babae. Parang familiar pa ang mga halik na yon sakin.
"Baby Mj ko?" Si yaya.
"Ah yaya oh bakit po?" Gulat ko.
Ngumiti naman ito. "Kanina ka pa kasi tulala, lumamig na yang kape mo oh."
"Ah-so-sorry yaya ko. Bigla kasing sumakit tyan ko eh."
"Okay lang baby Mj ko. Nga pala magpapaalam muna ako sayo baby Mj ko dahil may aasikasuhin ako sa probinsya namin, nagkasakit kasi ang bunsong anak ko. Kaya kailangan ko siyang puntahan." Bigla naman siyang nalungkot.
"Okay na okay lang sakin yaya ko ano kaba. Mas kailangan ka ng anak mo ngayon at alam kong kailangan ka din niya." Tumingin naman ako sakanya at ngumiti.
"Talaga baby Mj? Salamat ha? Dahil napakabait mong bata." Habang niyayakap ako.
Ngumiti naman ako sakanya at agad ko din itong niyakap."walang anoman yaya ko, kailan ka pala aalis?"
"Mamaya baby Mj mga 1:00 pm."
"Tamang tama yaya, wala naman akong lakad ihatid nalang po kita."
"Wag na baby Mj ko ayokong makaabala sa alaga ko." Habang ngumingiti.
"Ano kaba yaya, kahit kailan hindi ka nakakaabala sakin. Basta ihahatid kita yaya ha? Please?" Pagmamakaawa ko.