ISABEL (POV)
Nako po! Mukhang malalate na ata ako at mukhang traffic pa lagot. Nagmamadali naman akong lumabas ng gate.
"Hey."
Tila nanlaki naman ang aking mga mata. "A-anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa school kana?" Takang tanong ko.
"Oo nga eh dapat kanina pako nasa school kung nagising ka lang sana ng maaga."Sabi nito.
"Bakit kaba nandito Mj?"
"Nandito ako para sunduin ka. Tara na sakay na, baka hindi pa tayo makapasok sa first subject."
"Ah wag na. Mag jejeep nalang ako."
"Seryoso ka!? Sobrang traffic ngayon kaya wag ka ng magtangkang mag commute!" sigaw nito.
Hindi na 'ko nakapagsalita at sumunod na lamang ako papasok sa kanyang sasakyan. Tama din naman siya baka hindi nako makapasok dahil rush hour naman talaga.
Pinaandar na niya ang sasakyan at agad na kaming umalis.
"Bakit ka pala late nagising?" Tanong nito habang nag da drive.
"Hindi ko nga din alam eh. Nakalimutan ko atang mag alarm."
"Marami ka lang sigurong iniisip."
"A-ano? Hindi ah!." Iksi kong sabi.
Pero paano niya nalaman? Tama siya marami nga akong iniisip kagabe."Sus. Osiya andito na tayo. Bilisan mo dahil late kana."
"Ikaw din naman ah."
"Sanay na sakin lahat ng professor, immune na."
Tila natawa naman ako sa sinabi niya. "Haha baliw ka talaga. Osiya pasok nako."
"Bakit ka natatawa?" Tanong nito habang nakataas ang dalawa nitong kilay.
Nakangiti padin ako. Habang tinitingnan siya. Paano kasi natawa ako dun sa sinabi niyang "immune na" ang cute niya pala kapag seryoso.
"Osiya mauna na talaga ako maiwan na kita ha? Salamat sa pagsundo."
"Walang anuman. Gusto mo bang ihatid pa kita sa room mo?"
"Hindi na. Salamat nalang."
"Okay sige mag iingat ka ha?" Concern nitong sabi.
"Oo ikaw din." Habang nakangiti sakanya.
Naglakad nako paakyat ng building hanggang sa nakarating nako dito sa room. Nakahinga naman ako ng maluwag. Dahil buti nalang wala pa si prof. At agad naman akong umupo.
"Bakit ngayon ka lang pretty?" Si selena.
"Nalate kasi akong gumising selena eh."
"Okay lang yan swerte mo dahil wala pa si Ma'am." Ngiti nitong sabi.
Ngumiti naman ako sakanya. "Oo nga eh."
"Wait pretty. Sino palang naghatid sayo noong nakaraang gabi? Sabi kasi ni mich na nalasing daw tayo."
"Si Mj naghatid sakin selena."
"Oh really? At buti pumayag yung kupal na yun?"
"Bakit selena?" Tanong ko.
"Nothing isabel. Eh kasi si Mj hindi yan basta basta maghahatid kahit na kanino. Hahayaan niya lang na may maglumpasay sa kalasingan. Kahit na kami mga kaibigan niya, kaya kapag alam niyang marami na kaming nainum pinapatigil kami agad dahil ayaw niyang mag alalay. Saming apat siya lang talaga tong paiba iba ng mood. Pero infairness umubra ata sakanya yang kagandahan mo." Sabi nito habang ngumingiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/31501541-288-k262631.jpg)