ISABEL (POV)
Ang tagal ko palang nagising almost 10:00 am na pala. Buti nalang mamayang hapon pa kami pupunta sa school dahil don maghihintay ang sasakyan naming bus, ngayon kasi ang tour namin. Umupo naman ako sa kama at nag unat habang humihikab.
Tumayo nadin ako at pumunta sa cr para maghilamos at magtoothbrush. Pagkatapos kong maghilamos tumingin ako sa salamin. Huh? Ano to? Bakit may sticky note na nakadikit dito sa salamin? Parang wala naman ata akong matandaan na naglagay ako dito. Pagkatapos kong magtoothbrush kumuha ako ng towel para ipunas sa mukha at kamay ko. Lalabas na sana ako nang bigla kong maalala yong sticky note sa salamin, agad ko naman itong kinuha at tiningnan. "Goodmorning Isabel :)" Ano daw!? Goodmorning isabel? Eh sino namang multo ang naglagay dito. Agad naman akong kinilabutan.
Hayy bahala nanga hindi naman ako natatakot sa multo. lumabas naman ako at nilagay ang sticky note sa table. At agad nakong naglakad palabas ng pinto. Nang hawakan ko ang door knob. Ano nanaman to? Sticky notes nanaman!? Hay nako naman kinuha ko ulit ito at tiningnan baka naman may taong nakapasok dito agad naman akong nakaramdam ng kaba.
"Have a nice day ahead, see you later isabel :)" -Mj
Huh!? Si Mj? Si Mj!? ang naglagay nito!? Kinabahan ako don ah, nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ibang tao na. Andami talagang alam yong monggoloid na yon. Bakit niya kaya ito ginagawa? May saltik nanaman siguro. Pero infairness ah na susweetan ako. Napangiti naman ako.
"Assuming ka nanaman!" Ito nanaman sumisingit nanaman tong isipan ko. Siguro tama din naman, baka gusto lang talaga ni mj na maging masaya ako o baka naaawa lang ito sakin. Alam ko namang parang wala lang ito sakanya. Pero hindi ko padin maiwasang hindi mag expect. Ehem!
Bumaba nako para pumunta sa kusina. Nagluto ako ng scrambled egg at hotdog dahil hindi pa naman ako nag bebreakfast, nagtimpla din ako ng gatas, ito na talaga ang nakasanayan ko wala talagang araw na hindi ako umiinum ng gatas o nakakatikim ng chocolates, lagi kasi talaga akong nagki crave.
Pagkatapos kong kumain. pumunta ako sa sala at kinuha ko muna ang laptop, dahil ilang araw ko ng hindi nakakausap si mama. Inopen ko ang skype at ngayon ngayon lang biglang nag send ng message si mama.
"Anak, kamusta ka na?" 7min. ago.
7 minutes pa pala. Sinubukan ko naman itong kontakin ng video call baka sakaling wala itong ginagawa ngayon.
Habang nagriring hinintay ko namang sagutin ito ni mama.
Mama please sagutin mo. Miss na miss na kita..
"Ayan na!" Bigla naman akong napasigaw.
"Ma!! Kamusta ka na jan? Miss na miss na kita mama! Okay ka lang ba jan ma? Eh yong gamot mo? Iniinum mo ba? Ma miss na miss na talaga kita." Agad naman akong nakaramdam ng lungkot.
"Anak talaga oh, wag kang mag-alala okay lang ako dito. Ako dapat ang magsabi niyan sayo, okay ka ba talaga jan?" Habang ngumingiti ito.
"Oo ma, okay naman ako dito ma. mamaya pala ma may tour kami sa ilocos."
"Oh bakit ngayon mo lang sakin sinabi?"
"Ma yon nanga eh, kagabi lang sana kita gustong tawagan eh kaso nasa trabaho ka non. Tska kahapon lang din naman sinabi ng prof namin na may tour pala kami ngayon. Ewan ko ba pabigla bigla nalang sila."
"Ganun ba anak? Binayaran mo na ba ang tour mo? May pera kapa ba jan?"
"Oo ma nabayaran na namin, Wag ka mag alala ma, may pera pa naman ako sa banko kasyang kasya pa yon." Ngumiti naman ako.