MJ
"Hey! You're here." Si kate.
"Oo bakit moko pinapunta dito?" Tanong ko.
"Yung cousin ko kasi."
"And why?"
"Have you still remember your ex?" Sabi nito.
"Sinong ex?"
May kinuha siyang gamit at halatang ibabato sakin.
"Oh! Sige Subukan mo." Sabi ko.
"Ang gago mo kasi! Tama nga talaga kami, sa dinami dami ba naman ng naging ex mo halatang nakakalimutan muna ang iba." Sabi nito.
"Pinapapunta mo lang ba ako dito para sermonan?"
"Syempre hindi!"
"Eh ano nga!? Deretsohin mo nga ako." Sabi ko.
"Alright, diba niligawan mo dati ang pinsan kong si lovely? Yung modelo na hinahabol habol mo dati?"
"Yeah naalala ko. Why?"
"She's here in the philippines a few days ago. At humingi siya ng favor sakin kung pwede ka ba daw niya makita." Sabi nito.
"At bakit naman?"
"I don't know. Pagbibigyan mo ba?"
"When?"
"Tomorrow."
"Agad agad!?"
"Eh gusto mo din naman diba?"
"I dont think so."
"Binigay ko na sakanya ang number mo. Maghintay ka nalang kung tumawag na."
"Okay. Aalis na 'ko." Sabi ko.
Tumango naman ito. "Alright take care chickgirl!"
"Chickgirl mo mukha mo. Binato ko siya ng unan at agad nakong lumabas palabas."
Habang nagmamaneho ako bigla namang lumakas ang ulan. Hayy ngayon pa talaga umulan kung kailan pauwi nako at isa pa gabi na. Maya't maya may nakita akong babae na lumabas sa kanyang sasakyan, pinagmasdan ko naman ito ng mabuti. mukhang nasiraan ng gulong. Agad ko namang inihinto ang kotse ko at lumabas ng may dalang payong. Nakita ko itong basang basa sa ulan. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Holy crap ang hot niyang tingnan shit. Agad naman akong lumapit sakanya.
"Miss? Can I help you?" Sabi ko.
Bigla naman itong humarap sakin. "Oh sure! Nasiraan kasi ako ng gulong eh. But I'm trying to fix it but I don't know how."
Nagulat naman ako sa nakita ko.
"Wa-what? Is that you?? Lovely?" Tanong ko.
"Oh my G! M-Mj right?" Lumapit ito sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Finally! We meet again! I miss you so much."
"Me too."
"Oh I'm so sorry, diko pala alam na basa ako." paumanhin nito.
"Do you have an extra wheel?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Sorry pero wala eh."
"How can we fix this if you don't have an extra wheel."
Tila nag iisip naman ito.
"Alright. C'mon ihahatid nalang kita." Sabi ko.
"Are you sure?" Tanong nito.
"Mukha ba kong nagbibiro?"
Ngumiti naman ito sakin. "Kahit kailan talaga hindi ka pa din nagbabago." Sabi nito.
Tumawa naman ako. "Tara na. Iwan mo muna yang sasakyan mo balikan mo nalang tomorrow." Tumango naman ito at agad ng sumunod sakin.