(Kaye's POV)
Ilang buwan na rin simula nang magkakilala kami ni Kenneth at masasabi ko'ng nasasanay na ako na lagi namin s'yang kasama, hindi ko na kasi s'ya sinusungitan..,..............minsan. Medyo natanggap ko na rin sa sarili ko na parang crush ko na din s'ya, pero syempre walang ibang nakakaalam kung hindi ako lang. Bago itong pakiramdam na 'to sa akin, hindi ko alam kung dapat bang ipagsabi o siguro mas tamang sarilinin ko na lang muna habang hindi pa naman ako sigurado dahil nga bata pa ako para sa ganitong bagay."Kaye, ibigay mo 'to kay Kenneth bilis." sabi ni Kris habang nagmemerienda kami sa aming maliit na canteen. Nasabi ko na bang masarap magluto ang Mama ko?! Kung hindi pa, sinasabi ko na na masarap magluto si Mama kaya meron kaming maliit na canteen para pagkakitaan. May maisingit lang sa kwento, hehehe.
"Ano naman 'to?!" nakakunot-noong tanong ko na lang.
"sobre, may laman na pera, ipapasko mo sa kanya" nakakalokong sagot ng magaling kong pinsan.
"matagal pa ang Pasko ah" nagtatakang sagot ko naman.
"Ano ka ba Kaye, hindi pa ba halatang sulat yan?"
"Oo, alam ko naman na sulat 'to, pero para saan ba 'to?" bakit ba kasi ayaw n'ya na lang sabihin na crush n'ya si Kenneth at gusto n'yang ako pa ang magbigay ng love letter para dito. Hindi ako nagseselos, okay?
"Sulat mo yan para sa kanya, ako lang ang nagsulat."
"Ano nakasulat dito?" hindi pa rin mawala ang pagtataka ko.
"Isinulat ko d'yan na pumapayag ka nang makipagkaibigan sa kanya. Sabi n'ya kasi sa'kin tinanong ka daw n'ya dati kung pwede makipagkaibigan, pero 'di ka daw sumagot kaya naisip ko na sulatan na lang s'ya pero kunwari ikaw ang nagsulat kaya ibigay mo na 'yan sa kanya." dire-diretsong paliwanag ni Kris. At syempre, naniwala naman agad ako.
"Ngayon ko na agad ibibigay? Nasaan ba s'ya?"
"Oo, ibigay mo na kaagad, nandoon s'ya ngayon sa sasakyan nila nakatambay lang." sabay turo ni Kris kung saan naroon ang sasakyan nila Kenneth. Mga sampung tumbling lang naman ang pagitan ng canteen namin sa grocery store nila.
"Sige na, ibibigay ko na pero samahan mo ako." hindi ko alam kung bakit ako pumayag, siguro dahil naaawa ako kay Kenneth dahil baka akala n'ya hindi pa rin kaibigan ang turin ko sa kanya at isa pa sayang naman ang effort ni Kris, nabawasan pa ang collection n'ya para lang may masulatan.
"Tara!"excited naman na napatayo si Kris at nakalimutan na hindi pa n'ya nauubos ang kanyang spaghetti.
Habang naglalakad kami papalapit sa sasakyan nila Kenneth, inilagay ko ang sobre sa loob ng bestida ko sa may dibdib ko. Nahihiya kasi akong may ibang makakita at baka isipin pa nilang nagbibigay ako ng love letter sa lalaki.
"Kenneth..." hindi ko alam kung paano ko ibibigay ang sulat, pakiramdam ko kasi parang ang landi ko naman para magbigay ng sulat sa lalaki.
"Hi Kaye!" ngiting-ngiti na bati ni Kenneth.
"May ibibigay s'ya sa'yo." bigla-bigla na lang nagsalita si Kris, pinag-iisipan ko pa nga kung paano ko ibibigay ang sulat, pero dahil sinabi na n'ya edi ibibigay ko na.
"Ano 'yun?" nagtatakang tanong ni Kenneth.
Tumingin-tingin ako sa paligid at siniguradong walang nakatingin sa amin at mabilis kong kinuha ang sulat galing pa sa dibdib ko at agad na iniabot ito sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit nakatagal pa ako na pagmasdan s'ya habang binubuksan ang sobre, at pagkabasa n'ya sa card na sinulatan ni Kris, lalo s'yang napangiti 100x ng normal na ngiti n'ya sa akin. Siguro masaya s'yang magkaibigan na kami.
Pagkabalik ni Kenneth ng card sa sobre, tumingin agad s'ya sa akin at bigla na lang akong nahiya at bumalik sa paborito kong hobby... tumakbo na naman ako pauwi. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko pagkalingon n'ya sa akin.
--------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Sorry po sa napakatagal na UD.. Salamat po sa mga nag-add ng story na 'to sa kanilang mga reading lists.. sana po nag-eenjoy kayo basahin ito kahit parang ewan lang.. haha.. ilang chapters nalang matatapos na.. hehehe..