Chapter 5: Pasulyap-sulyap

73 4 0
                                    

(Kaye's POV)

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakasimangot, kasi naman bakit nagkaroon pa kami ng bagong kalaro?! Masaya naman kami na kami lang magpipinsan ang maglalaro. Kung ako si Snow white, kakagatin ko ulit ang apple para makatulog ulit ako, kung ako naman si Cinderella, magyayapak na lang ako buong buhay ko kaysa naman matagpuan ko ang prince charming ko na si Kenneth daw. Hay, gusto ko nalang tuloy sumama kay Kuya Ron maglaro ng jolen para makaiwas dito. Ayoko naman talaga maging prinsesa, mas gusto ko yun laro nila Kuya kaso sabi ni Mama panlalaki lang daw yun, ang daya naman.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?!" nakatingin na naman kasi sa'kin ang dahilan kung bakit nawawalan ako ng gana maging prinsesa, walang iba kundi si Kenneth unggoy. Ilan beses ko na s'ya nahuli na tumitingin sa'kin, kaya ngayon 'di ko na napigilan tarayan na naman s'ya. Pero imbes na sagutin ako, ngumiti lang at ang mga pinsan ko, nagsimula na naman.....

♫♫♩ ♪♪"Pasulyap-sulyap pa kunwari, patingin-tingin sa akin...." ♫♫♩ ♪♪ nang-aasar na naman silang tatlo, kung kumanta eh akala mo mga singer talaga.

♫♫♩ ♪♪"'di maintindihan, ang ibig mong sabihin...." ♫♫♩ ♪♪ sumasakit ang tenga ko sa kanila, kasi naman bumibirit talaga si Karl, s'ya daw kasi si Celine Dion, pero ang kanta n'ya naman ay kay Tootsie Guevarra.

"Tumigil na nga kayo! Ang papanget naman ng boses n'yo eh!" napipikon na talaga ko sa pagkanta nila, kasi naman talagang feel na feel nila at palipat-lipat pa ang tingin nila sa'min ni Kenneth habang kumakanta. Sana kasi sumama nalang ako kay Kuya Ron maglaro ng jolen, mag-eenjoy pa 'ko. Hay.. (buntong-hininga)

♫♫♩ ♪♪"kung mayro'ng pag-ibig ay ipagtapat mo na sa akin, agad naman kitang...." ♫♫♩ ♪♪ hindi nila ko pinansin kahit umuusok na ang tenga, ilong, mata, bibig, pati na rin puwet ko sa inis sa kanila.

♫♫♩ ♪♪"sasagutin." ♫♫♩ ♪♪ sa wakas natapos din ang kanta.

"Sagutin mo na kasi Kaye si Kenneth!" ano daw?! puro ngiti nga lang s'ya sa'kin, wala naman s'yang tinatanong, anong isasagot ko. Minsan talaga 'di ko alam kung bakit naging pinsan ko 'tong mga 'to eh. Pero imbes na sumagot ako sa mga pinsan ko, sinimangutan ko sila sabay takbo pauwi. Kukuha ako ng jolen sa bahay at susundan si Kuya sa mga kalaro n'ya.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Pasensya na po kung ngayon lang nakapag-update. (As if naman may naghihintay sa update ko eh noh?! haha.. feelingera lang po) I-congrats n'yo naman po ako, kasi naman medyo humahaba na ang UD ko compared sa last chapters.. at may video ng kasama.. 'yan po ang kinanta ng mga pinsan ni Kaye..

Salamat po ulit sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa.. Alam ko pong panget pa itong story ko, kasi naman perstaym eh.. kaya tumatanggap po ako ng tulong.. Salamat po.. :)

Dedicated to ate Hunnydew, isa s'ya sa mga author dito sa watty na nakilala ko personally at syempre, kasama ang stories nya sa mga sinusubaybayan ko.. may published book na din po s'ya (HATBABE?). basahin n'yo maganda yun pramis. 

Ayan, humaba na.. salamat ulit.. :)

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon