Chapter 8: Bahay-bahayan

66 4 0
                                    

(Kaye's POV)

Pinagsisisihan ko na pinaiba ko ang laro namin, naisipan kasi na magbahay-bahayan nalang. Pinakagusto ko sa lahat ng nilalaro namin ay yung bahay-bahayan, feeling ko kasi para kaming mga artista sa TV, kasi naman may mga eksena kaming ginagaya minsan at paborito ko ang sampalan namin ni Karl, de joke. Masaya kasi laruin ang bahay-bahayan, yun laro kasi namin parang totoo, kung ano yun nakikita namin na ginagawa ng mga magulang namin para sa amin ginagaya din namin at karamihan sa TV nga namin nagagaya.

Pero pinagsisihan ko pa din na bahay-bahayan ang laro namin ngayon, dati-rati kasi ang eksena namin ay magkakapatid na iniwan ng magulang, kaya walang Nanay at Tatay.

"Ikaw Kaye ang nanay, si Kenneth ang tatay!" magkaharap kami ni Kenneth nang sabihin yan ni Karen, parehas kaming napa "HUH?!" sabay tingin sa isa't isa, bahagyang nagulat pero biglang bawi din ng tingin. 

Naalala ko tuloy yun unang laro namin, ako ang prinsesa at s'ya naman ang prinsipe, inaway ko lang naman s'ya nang inaway nun. Hindi s'ya nagmukhang prinsipe sa laro namin, ginawa ko s'yang alipin. Bwahaha. Oo na, ako na malditang bata. Sa kanya lang naman ako naging maldita, lagi kasi kaming tinutukso ng mga pinsan ko dahil umamin daw sa kanila si Kenneth na may crush sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa dahil doon, hindi ko talaga alam ang dapat maramdaman dahil nga bata pa ako, s'ya pa lang ang nagkagusto sa akin kaya ang naisip ko nalang siguro ay ang sungitan s'ya.

"Sige na nga" napilitan lang akong pumayag na maging nanay at isa pa, naaawa na din ako kay Kenneth, baka sabihin n'ya napakasama ng ugali ko. Pakialam ko ba sa sasabihin n'ya?! Ang gulo ng utak ko, eh ano pa bang magagawa ko, nasabi ko na payag na ko. Ito naman si Kenneth, napangiting hindi ko alam kung ano nga ba ibig sabihin.

Nagsimula na kaming maglaro, ginagampanan ko na ang pagiging nanay sa tatlong pinsan ko nang biglang...

 "Tay, kiss mo si Nanay!" sino pa nga bang magsasabi n'yan? si Karl lang naman ang may alam sa kalandian, sa tuwing nanonood kasi kami ng TV at may kissing scene, lahat kami nagtataklob ng mata, s'ya lang ang hindi. Bakit ko alam?! s'ya mismo nagsasabi kung ano nangyari habang nakapikit ang mga mata namin. "'Di ba sa TV, kapag papunta na sa trabaho ang tatay, nagkikiss s'ya sa nanay?!"

"Sa TV lang 'yon, saka bata pa tayo, 'di natin pwede gayahin ang ganun." naiirita na ko, bakit ba may pinsan akong napakamalisyoso o malisyosa. Hay...

"Sa pisngi lang naman." nagpapaawa na s'ya. Ano ba kasing mapapala n'ya kung magkiss kami nitong unggoy na 'to?!

"Edi kayo na lang ang mag-kiss!" hinila ko si Kenneth at itutulak ko na sana palapit kay Karl...

"Iki-kiss talaga kita kapag pinahalikan mo sa'kin si Karl!" hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob si Kenneth para takutin ako pero ang alam ko, natakot ako sa sinabi n'ya kaya binitiwan ko kaagad s'ya.

Tumakbo ako pauwi, dapat kasi hindi ko na lang tinanggap ang Ri-chee, lalo pang lumala ang panunukso nila eh. Kay Mae na lang ako makikipaglaro.

Bago pa ako makarating sa bahay namin ay narinig ko na agad sila na humahabol sa akin, eto na naman, kukulitin na naman ako at tutuksuhin.

"Kaye, sa inyo na lang tayo maglaro." hindi patanong ang pagkakasabi ni Kris, kaya mukhang wala na naman akong magagawa.

"Sige na, pero bawal ang maingay dun ha, baka magising si Mae." 

Sabay-sabay kaming pumasok sa bahay, inilabas ko ang mga laruan ko, at pinapili na lang sila kung ano ang gusto nilang laruin.

----------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Salamat po ulit.. :)

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon