(Kaye's POV)
Katulad ng nakasanayan, bestida ang isinuot ko. Ako kasi ang kaunahang babae sa aming magkakapatid, kaya naman nag-enjoy si Mama na bilihan ako ng mga bestida, sayang naman kung hindi ko isusuot 'di ba? Sa tuwing maglalaro tuloy kami, ako ang nagiging prinsesa, ang reyna, ang ikakasal at kung anu-ano pa. Ang panira nga lang sa girlie image ko ay ang buhok ko na hindi lumalampas sa balikat ko ang haba. Ang lola ko kasi paboritong gupitan ito, at hindi naman ako makapalag dahil sabi nila maganda daw ako kahit maiksi ang buhok ko kaya nagpabola naman ako. So, ayan?! ang dami ko ng sinabi. Kasalanan kasi ni author, hindi agad nakapag-update kaya nilulubos ngayon.
Pagkatapos kong magbihis ay hinila agad ako ng mga pinsan ko para tumakbo papunta sa kanila para doon maglaro.
"KENNETH!!!!!!" kinikilig na hiyaw ni Karl, grabe talaga 'tong pinsan ko eh, parang nakalunok ng megaphone. "Nandito na ang prinsesa mo!!!!!!!!!!!!!!!!!" hindi pala megaphone, isang daang megaphone pala.
"Kenneth, ito si Prinsesa Kaye, pinsan namin." pagpapakilala naman ni Kris sa akin nang makalapit kami dito.
Tiningnan lang ako ng batang unggoy at ngumiti ng hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Hindi ko rin alam kung ano ang ibig sabihin ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Magshake hands naman kayo, 'di ba ganun sa TV pag may nagpapakilala?!" bumalik naman ako sa reyalidad nang biglang hilahin ng mga pinsan ko ang mga kamay namin at paglapitin ito. Wala na kaming nagawa kung hindi ang mapangiti sa isa't isa.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Medyo mahirap pala gawan ng POV ang 6 years old. Pagtyagaan nyo nalang po muna itong kaya ko. Tumatanggap po ako ng suggestions para mapaayos po ito.
Maraming salamat po sa mga nagbasa at patuloy na nagbabasa. Napasama po itong story na 'to sa rank for Short Story(#82) at Romance(#489). Alam ko sobrang layo, pero syempre proud na ko dyan at inuulit ko, napasama (past tense). Nawala po ulit, hindi kasi ako nakapag-update. :(
Dedicated to Miss justchin dahil ang story (Seducing My Gay Boyfriend) nya ang una kong nabasa sa wattpad, idol. :)
Sorry, ang haba ng A/N.