Chapter 6: RI-CHEE

74 4 0
                                    

(Kaye’s POV)

Buti na lang at Lunes na bukas, may pasok na naman. Mas gusto kong pumasok kaysa puro laro ang atupagin ko, saka para makaiwas muna sa mga pinsan ko at syempre kay Kenneth. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa kanya, wala naman talaga s’yang ginagawang masama sa’kin. Hindi kasi ako sanay na may nagkaka….. hay, ewan ko. Ayoko pa din maniwala, ang bata pa kasi namin para sa mga ganung bagay.

(After 2 weeks…)

Sabado na naman, hindi ako pwedeng makipaglaro ngayon sa kaklase ko, may pupuntahan daw kasi sila. Dito nalang muna 'ko sa bahay, mag-aalaga nalang muna ko sa baby namin. Bakit kasi ang tagal lumaki ng baby, ang tagal ko na nga nagdasal na magkaroon ng kapatid na babae, tapos ang tagal pa din lumaki. Tatlo ang kuya ko pero lahat sila iniwan ako, panlalaki lang daw kasi ang laro nila. Hay, nakakainip, gusto ko na maglaro pero wala akong makalaro.

"KAAAYYYYEEEE!!!!!!!" iniisip ko palang na wala akong kalaro, eto na agad sila, sino pa ba, edi sila KKK. Na-miss ko sila pero sana wala na si Kenneth.

"Sshhh.. natutulog si Mae." saway ko agad sa kanilang tatlo pagkalapit na pagkalapit nila sa'kin.

"Na-miss ka namin!" sabay-sabay nilang sabi sabay yakap sa'kin. "'Wag ka na magalit samin, may bibigay kami sa'yo." at iniabot sa'kin ang dala-dala nilang Ri-chee. "Akin lang lahat 'to?!" dilat ang mga mata kong tanong sa kanila. Alam ko kasing mas gusto nilang tatlo ang Moby, tuwing naglalaro kami lagi kaming bumibili ng Moby at Ri-chee pero ngayon, may tag-iisa silang Ri-chee at ibibigay nila sa akin lahat. Tag-lilimang piso lang kasi ang kadalasan ibinibigay sa amin kapag walang pasok dahil bata pa daw kami, 'di pa pwedeng humawak ng maraming pera.

"Oo, di kami makakakain ng Moby ngayon para lang mawala yan tampururot mo." malungkot na sabi naman ni Karen, palibhasa bunso kaya talagang malulungkot 'pag 'di nakuha ang gusto.

"Sige na, bati na tayo, basta 'wag n'yo na 'kong lolokohin kay Kenneth ha?!" nakukunsensya kasi ako dahil wala silang Moby at syempre, miss ko na din silang makalaro. "Hintayin lang natin si Mama lumabas sa banyo para may magbantay kay Mae at makapaglaro na tayo."

--------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Andyan ang picture ng Ri-chee para kay Kaye.. ang bilis talaga paamuhin ng mga bata.. Ri-chee lang ang katapat.

Salamat po uli sa nagbasa, nagbabasa at magbabasa.. (paulit-ulit na lang.. hehe)

Ayun po, medyo magdedemand ako ng kaunti para sa next update.. sana po mapagbigyan nyo ko.. hahaha.. nakakagana po kasi mag-isip ng update 'pag alam mong may interesado pala sa gawa mo.. hehe.. so, gusto ko po sana ng 5 votes at 3 comments sa lahat ng chapters.. ang pinaka-magustuhan ko pong comment.. sa kanya ang dedic sa chapter na 'to.. haha.. feelingera lang.. gusto ko kasi malaman kung may nagbabasa talaga.. baka kasi napadaan lang yun iba.. hehe.. no update po muna habang wala pa yun demand ko.. para po mamotivate naman ako.. hihihi.. ok lang po kung negative comment basta makakatulong po sa akin.. Maraming salamat in advance.. :)

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon