"Karl! Karen! Kris!" sigaw ni Kaye sa tapat ng bahay ng kanyang mga pinsan. Medyo madilim na pero ayaw pa rin nyang umuwi. Gusto nya pang makipaglaro sa mga pinsan pero mukhang wala ang mga ito sa bahay.
Naglakad-lakad si Kaye, nang mapatapat sya sa bahay ng kanyang ninang na kakagaling lang sa States ay nakita nyang nasa labas ito at may kasamang bata. "Makapagpapansin kay ninang, baka sakaling mabigyan uli ako ng chocolates." sabi nya sa sarili.
"Hi Ninang!" ang sabi ng batang papansin habang umiikot at hawak-hawak ang laylayan ng kanyang bestida.
"Hello Kaye!" sagot ng kanyang ninang sa kanya. "Ang sexy mo daw sabi nya." dugtong pa nito sabay turo sa batang lalaki na umakyat pa ng poste maibulong lang ang nais ipahiwatig kay Kaye sa pamamagitan ng ninang nito.
"Mukha naman syang unggoy." gusto sanang isatinig ni Kaye pero bigla nalang syang tumakbo pauwi. Hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman, para syang naiinis na natutuwa at ang nakapagtataka, bakit ang lakas ng tibok ng puso nya?! Malamang kasi tumakbo sya diba?!
"Sino kaya ang batang parang unggoy na umaakyat sa poste?!" bulong ni Kaye sa sarili pagkarating sa kanilang bahay.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Salamat po sa mga nagbasa.. tuloy nyo lang po kung interesado pa kayo.. #JustWriteIt
Dedicated sayo Annabelog.. dahil sayo kaya ko nadiscover ang watty.. Salamat.. :)
