CHAPTER 11: Love Letter???

44 4 0
                                    

(Kaye's POV)

Alam kong tungkol sa pakikipagkaibigan lang ang nakalagay sa sulat na iniabot ko kay Kenneth, pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa ang hiya nang makita ko ang reaksyon n'ya pagkabasa nito. Ngayon ko lang din naiisip kung ano nga kaya talaga ang isinulat ni Kris doon. Ilang araw din akong nag-isip at ngayon, parang napagtanto ko na ang katotohanan.


"Mama, gusto ko ng halo-halo..." nandito na naman ako sa canteen namin para magmerienda. "gusto ko saging lang atsaka leche flan." halo-halo na po ang tawag ko doon kahit dalawa lang ang ipinalalagay kong sahog.


"Sige, ikaw na ang maglagay ng sahog sa baso mo." sinunod ko agad si Mama, ngiting-ngiti pa ako habang halos pinupuno ko na ng saging ang baso ko.


"KAYE!!! MAY SULAT KA!!!" sino pa nga ba ang mahilig sumigaw sa istoryang ito?!


Nagulat ako kay Karl at kahit hindi n'ya sabihin kung kanino galing ang sulat, ay parang nahuhulaan ko na. Gusto ko sanang kay Kris ito ipabasa dahil hindi pa ako masyado marunong magbasa at magsulat lalo na kung English pero dahil ipinagsigawan ni Karl ang sulat para sa'kin...


"Kanino galing 'to?" agad na kinuha ni Mama ang sulat pagkalapit na pagkalapit ni Karl sa amin. Binasa n'ya ito ng malakas, wala akong maintindihan, English kasi.


"May gusto ka ba sa nagsulat nito?" medyo pagalit na tanong ni Mama pagkatapos n'yang magbasa.


"Wala!" nakangusong sagot ko agad. Hindi ko alam kung normal pa ba akong bata dahil nakakaranas ako ng mga ganitong bagay.


Nakatulala lang si Karl sa naging reaksyon ni Mama, tulad ko ay hindi pa rin n'ya maintindihan ang laman ng sulat. Mukhang nagsisisi s'ya kung bakit n'ya ipinagsigawan na may sulat akong natanggap dahil inutusan s'ya ni Mama na ibalik ito kay Kenneth.


Hindi ako makatingin ng diretso kay Mama, sa nabasa n'ya kasi isang salita lang ang naintindihan ko pero hindi pa din ako sigurado kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng... 




"LOVE" sagot ko kay Kris nang magkausap na kami tungkol sa sulat ni Kenneth sa'kin. "'yun lang ang natandaan ko at naintindihan ko, medyo mahaba din yun sulat eh."


"Baka hindi si Kenneth nagsulat nun kung mahaba tapos English pa." nagdududang tugon naman niKris. "Mas matanda pa ako sa kanya eh, imposibleng ang galing n'ya na agad mag-English samantalang ako eh kakaunti pa lang ang alam."


"Siguro nga, pero mas nakakahiya kung hindi s'ya ang nagsulat. Ano kaya talaga ang gusto n'ya sabihin? Bakit may love? Eh 'di ba pakikipagkaibigan lang naman 'yun sulat na ginawa mo?"


"O-oo, uuwi na pala ko Kaye bukas na lang tayo magkwentuhan." Bigla na lang tumakbo si Kris pauwi, parang may iniiwasan o baka naman nagseselos s'ya kasi crush n'ya din si Kenneth?! Hay.... kailangan ko na mag-aral ng English para sa susunod maintindihan ko na. Umaasa pa akong may kasunod na love letter???



_________________________________________________________

A/N:

Updated after 2 months ba?! haha.. masyado kasing naging busy at inenjoy ang bakasyon?! hahaha.. Malapit na po itong matapos.. ano po kaya ang magandang ending para sa mga bata?! haha.. Anyways, maraming salamat po sa mga nag-add ng patapon kong story sa reading lists nila.. haha.. lalong lalo na po sa nag-vote sa lahat ng chapters.. at dahil d'yan.. dedicated sa'yo 'to.. 'wag ka po sanang magsawa.. hehe.. ;)





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon