(Kaye's POV)
♪♪♪ "First love never dies..." ♪♪♪ ayan na naman ang naririnig ko sa kapitbahay namin. Ewan ko ba, dati kasi wala naman akong pakialam kung ano pinapatugtog nila, ngayon parang nagiging apektado na ako. Naaalala ko kasi noon isang araw, may sinabi sa akin si Kris...
"Sabi ni Kenneth ikaw daw ang first love n'ya."
Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung ano nga ba ang first love, at lalong hindi ko maintindihan kung bakit sumasakit ang ulo ko kakaisip at sinabayan pa talaga ng tugtog sa kapitbahay. Alam kong bata pa ako para mag-isip ng mga ganitong bagay, pero hindi ko mapigilan ang isip ko.
Tandang-tanda ko pa ang itsura ni Kris habang sinasabi n'ya sa akin ang sinabi daw sa kanya ni Kenneth. Napaka-seryoso n'ya noon, hindi katulad ng itsura n'ya sa tuwing inaasar kami ni Kenneth sa isa't isa. Para tuloy gusto ko nang maniwala at parang gusto ko na din tanggapin na nagka-crush na ako kay Kenneth...
Parang first love ko din s'ya... hindi ko talaga alam kung paano at kailan nagsimula. Noong una kasi lagi ko lang s'yang sinusungitan at ayoko nga s'yang makalaro. Pero unti-unti nasasanay na ako sa panunukso ng mga pinsan ko sa amin at nasasanay na ako na lagi namin s'yang kasama. At minsan pakiramdam ko parang nagseselos ako sa tuwing magkausap si Kris at Kenneth.
Si Kris ang itinuturin kong bestfriend, pero parang ganoon din ang turin sa kanya ni Kenneth kaya siguro sa kanya sinasabi ang tungkol sa pagkakagusto daw sa akin. Ayoko pa talaga paniwalaan ang nararamdaman ko, pero noong nakaraan kasi na naglalaro kami sa bahay namin, may pinag-awayan kami ni Karen, hindi ko na nga maalala kung ano yun basta ang importante bati na ulit kami.
Sa pag-aaway namin ni Karen, si Kris ang nainis kaya bigla s'yang umalis sa bahay namin, at nalungkot ako nang biglang sumunod sa kanya si Kenneth. Akala ko ba ako ang gusto n'ya, bakit sinundan n'ya si Kris at iniwan ako?!
Nahihiya akong magtanong kay Kris kasi ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, pero alam ko na pagseselos yun kaya siguro naiisip ko na baka first love ko din si Kenneth. Ang alam ko kasi kapag may love ka, nagseselos ka kapag may ibang tao na mapapalapit sa kanila. Pero hindi pa din ako sigurado kasi nga bata pa ako. Wala naman akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, nakakapanibago kasi.
-------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Happy New Year po sa lahat.. :)
Pasensya na po, ang tagal kong hindi nakapag-update.. medyo naging busy kasi at sinabayan pa ng holidays kaya kailangan maglagalag.. haha.. Bakit nga ba ako nag-eexplain?! As if naman may nakaabang sa UD ko eh noh?! hehehe..
Gusto ko na pong tapusin ang story na ito, siguro mga 5chaps nalang kasi ang hirap gumawa ng POV ng bata.. haha.. pero 'wag po kayo mag-alala, may kasunod na story si Kaye.. patatandain lang natin ng konti.. sana po suportahan n'yo din.. haha..
Maraming salamat po pala sa mga nag-add ng story na 'to sa lists nila.. at syempre sa mga nagbabasa.. Salamat po talaga.. :)
Any comment kung paano matatapos ang Puppy Love?! dedic po sa makakahula ng pinakamalapit na ending.. Salamats.. :)
Andyan po ang video ng kanta na nagpapasakit sa ulo ni Kaye.. :)
