Chapter 2: Ang Mansanas

156 5 0
                                    

(Kaye's POV)

"Kaye, bangon na!" ang aga-aga nanggigising na agad ang kuya kong si Ron.

"Wala naman pasok ngayon, bakit ka ba nanggigising?" nakasimangot na sagot ko. Hay, bakit kasi ako binigyan ng kapatid na asungot sa magandang panaginip ko?! 

"Pinabibigay ng ninang mo..." sabi nya sabay abot ng isang mansanas. "hinahanap ka na din nila KKK, may bago daw kayong kalaro." dugtong pa nito.

Agad-agad akong bumangon, syempre excited akong maglaro, natural lang naman yun sa isang anim na taong gulang na tulad ko. Mabilis kong naubos ang almusal na inihanda ni Mama. Papunta na sana ako sa banyo para maligo pero narinig ko na agad ang ingay ng mga pinsan ko.

"Kaye, may nagkaka-crush sa'yo!" kinikilig na sabi ni Karl, ang pinsan kong half-boy, half-girl.

"Huh?! Sino?!" nakakunot-noong sagot ko.

"'Yun anak ng may-ari ng grocery malapit sa bahay, si Kenneth." sagot naman ni Kris, ang pinakamatanda sa KKK. Magkakapatid silang tatlo, panganay si Kris, walong taong gulang, si Karl ay pito at si Karen naman ay lima.

"Hindi ko kilala yun, saka pa'no n'yo naman nasabing may crush sa'kin 'yun?" nagtatakang tanong ko pa din. 

"Eh kasi, kanina may ipapabigay na apple sa'yo yun ninang mo..." nakangusong pagkukwento ni Kris. "Eh dahil andun si Ron, sa kanya nalang ipinaabot tapos si Kenneth biglang nagtanong sa'min..." dugtong pa n'ya. "Sino daw ba yun si Ron at bakit sa kanya pa daw ipapaabot ang apple na para sa'yo, para s'yang nagselos sa kuya mo." pagtatapos n'ya sa kwentong hindi ko alam kung gawa-gawa lang o ano. Kasi naman, ang bata-bata ko pa, crush at selos na agad ang pinag-uusapan namin.

"Kilala ka n'ya eh, hindi mo ba talaga s'ya kilala? Nagkita daw kayo kahapon, ang ganda mo daw at ang sexy." kinikilig pa din na dugtong ni Karl.

Nawalan na ako ng sasabihin, napasimangot na lang ako at napaisip. "Sexy?!" bigla kong naalala yun batang parang unggoy kahapon. Pa'no kaya ako naging sexy eh ang haba ng bestida ko kahapon?! Saka, crush agad-agad?! Wala pa sa isip ko yun.

"Bilis na, maligo ka na para makapaglaro na tayo, hinihintay ka na ng prince charming mo." halatang naiinip na sabat naman ni Karen.

Mabilis naman akong tumakbo papuntang banyo, excited na 'kong makita...... maglaro. "Ano kayang isusuot ko?!" tanong ko sa sarili ko, dahil panigurado ako na naman ang reyna sa laro namin.

------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat po sa mga nagtuloy sa pagbabasa.. :) Salamat sa nag-vote at nagcomment. Alam kong konti palang kayo... pero masaya ako dahil kahit papano, may nakapansin sa istorya ko. Tumatanggap po ako ng suggestions or tips para mapaayos ito. Sa susunod ulit.. :)

 Dedicated to faustschneider, ang hirap i-spell. hahaha.. Salamat dahil sinabayan mo kong i-take ang #JustWriteIt challenge.

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon