Chapter 7: Tagu-taguan

62 3 0
                                    

(Kaye's POV)

"Pagkabilang ko'ng sampu, nakatago na kayo... " napagkasunduan namin na magtagu-taguan na lang at si Karl ang unang naging taya. Malawak naman sa silong ng bahay nila, pero ang hirap makahanap ng matataguan. "Isa, dalawa... " nagsimula na s'yang magbilang, medyo mabilis magbilang ang pinsan kong 'to para mabilis s'ya makahanap ng bagong magiging taya. Natataranta na ako, ayoko maging taya. "Walo, siyam, sampu, game?"

"Hin...." biglang may humila sa'kin at tinakpan ang bibig ko. Nagulat ako, natakot kaya napapikit na lang ako at nagdasal. Ganito kasi yun mga napapanuod ko sa TV kapag may nakikidnap na bata, habang nakapikit ay dinadasal ko na sana ay may pera sina Mama at Papa pangtubos sa akin o baka naman ayaw na nila akong tubusin dahil ampon lang pala ako. 

"'Wag ka maingay, para 'di tayo maging taya." Napatigil ang mala-teleseryeng imahinasyon ko nang biglang may bumulong. Hinawakan ko ang kamay na nakatakip sa bibig ko at dun ko lang napagtanto na maliit ang kamay na ito para maging kidnapper. Unti-unti kong tinanggal ang kamay n'ya sa bibig ko at laking gulat ko nang malaman kung sino ang pangahas na humila sa akin at bahagyang nakayakap habang tinatakpan ang bibig ko, sino pa nga ba?! Walang iba kundi si Kenneth. Oo, kasali na naman s'ya dahil sa magagaling kong pinsan.

Tumahimik nalang ako, siguro dahil sa ayaw na ayaw kong maging taya. Masyado kaming malapit sa isa't isa, nakatago kasi kami sa gilid ng silong kung saan may katapat itong isa pang pader na ang pagitan ay sakto lang ang mga katawan namin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay tumakbo ako ng sampung beses sa napakalawak na playground ng school namin at dahil nga magkalapit lang kami, naririnig ko, ang lakas din ng kabog ng dibdib n'ya. Parehas siguro kaming kinakabahan na baka mahanap agad kami ni Karl.

"Pwede na ba tayong maging friends?!" kaya naman pala n'ya ako hinila para makipagkaibigan lang, ooppss... para makipagkaibigan pala, walang lang para naman akong may inaasahan na higit pa doon. Hello?! Anim na taong gulang pa lang po ako at para sa akin, kapag kalaro ko eh kaibigan ko na.

"Kaye! Kenneth! Nasa'n na kayo?! May taya na, 'wag n'yo na ko pahirapan maghanap sa inyo." hindi ko na nasagot pa si Kenneth dahil bigla na lang sumigaw si Karl kaya agad-agad akong lumabas sa kinatataguan namin. Ayokong malaman ng mga pinsan ko na magkasama kami ni Kenneth ng pinagtaguan, dahil isang damakmak na naman na tukso ang matatanggap ko.

"Iba naman laruin natin." agad na sabi ko kina Karl, ayoko nang makasama si Kenneth sa taguan, para akong magkakasakit sa puso sa lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito.

------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Salamat po sa patuloy na nagbabasa, nagbasa at magbabasa.. hindi ko man po nakuha ang demand ko sa last chapter, nag-update pa rin ako.. dahil masaya ako dahil hindi po ito nawawala sa ranking for Short Story.. malayo pa po.. pero syempre, masaya ako.. hindi ako sure kung short story nga ba ito.. haha.. wala kasi ako maisip na category.. haha.. masaya din ako dahil may ibang reader na nag-add ng story na ito sa Reading Lists nila.. salamat po.. masaya na po ako na malaman na may interesado pala sa ginagawa ko.. Kaya narealize ko ipagpapatuloy ko ang pag-update, tatapusin ko ito, may magbasa man o wala. (Seryoso?! hahaha..)

Wala pa po ako mapagbigyan ng dedic.. comment nalang kung meron may gusto.. haha.. Yun, puro na ko haha.. salamat po ulit.. :)

"Puppy Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon