Chapter 31"Ate, gano'n ka na ba kabigo para magpatugtog ng pambigong kanta buong araw?" Pambulabog ni Shey at pumasok ng kwarto ko para patayin ang speaker.
"Alangan namang magpatugtog ako ng budots ngayong wasak ako?" Napabusangot ako at napahiga ulit sa kama.
"Tinanong ka po sa akin nina Ate Crezst noong isang araw, Ate." Panimula ni Shey matapos ang mahabang katahimikan. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. "Wala naman akong masabi kasi hindi ko alam kung nasaan ka pero mukhang nag-alala sila sa'yo."
Dalawang araw na ang nakalipas mula noong Valentine's Day, naalala ko na bago ako lumabas ng school ay pinatay ko ang cellphone at hanggang ngayon ay hindi ko parin nabubuksan.
Recalling what happened deepens the wound and doubled the pain. I never knew he's still grasping my past relationships and used it as basis of my feelings for him.
I took advantage of my parent's absence that night and I cried my heart out. I just couldn't accept it for now. Though I realized that I may be pushing myself too much on Rafus and neglected the thought that he doesn't like me.
This is the worst heartbreak I ever encounter. Painful than Paris leaving me without good bye years ago. And guess what, I'm very stupid right now because what I feel for him didn't lessen an ounce!
Nasasaktan ako pero hindi ko naman magawang hindi siya gustuhin. Bobong puso, nilinaw na nga sa akin ang lahat pero siya parin!
"Ate, okay ka lang ba talaga?" Niyugyog ako ni Shey at halata sa boses niya na nag-aalala siya.
Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. I'm glad to know that even though there's a gap between us, she still cares for me. Bigla ko siyang niyakap at sumiksik sa leeg niya.
"Ate, ano ba 'yan. Para ka namang bata eh!" Tili ni Shey pero hindi naman siya pumapalag. "Awat na, Ate. Maligo ka nga, nangangamoy ka na eh!"
Natawa ako at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. "Oo, mahal din kita Shey. Ikaw ang isa sa pinakaimportanteng tao sa akin."
Ramdam ko ang pag-iling niya pero hinayaan niya parin ako sa ginagawa ko. Makalipas ang ilang sandali ay kumalas narin ako at nag-angat ng tingin.
"Maghahanda na ako ng hapunan natin, Ate." Paalala niya at tumayo na. "Mag-ayos ka na ng sarili mo, Ate. Hindi solusyon ang hindi pagligo kapag bigo."
Bumusangot ako at ginulo ang buhok. "Oo na maliligo na. Hindi naman ako nangangamoy, grabe ka talaga sa akin."
Natawa siya at lumabas na ng kwarto ko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil kay Shey. Ayokong ipahalata sa kaniya na naninibago ako dahil simula noong nagtalo kami tungkol sa pagsisinungaling niya sa akin ay hindi kami nag-usap ng ganito. Baka mamaya ay umiba ulit ang pakikitungo niya.
Simpleng oversized shirt ang isinuot ko matapos maligo at dumiretso agad ng kusina. Hindi ako kumain sa buong araw kahapon at ngayon lang ako nakaramdam ng gutom. Minsan, naaawa narin ako sa sarili ko. Sa pagpapakatanga ko kay Rafus.
Hindi ko pinansin ang pagngisi ni Shey matapos kong maubos ang isang buong pinggan ng pagkain. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko sa mga mumunting galaw niya na nanunukso siya.
"Ako na ang maghuhugas ng pinggan," pagboboluntaryo ko matapos kaming kumaing dalawa.
"Sige po, Ate."
While washing dishes, my mind flew somewhere else. I'm thinking of the things I need to do to cope up with the heartbreak. Hindi na pwedeng bumalik ang lahat sa dati kasi may lamat na, siguro ay gugustuhin ko nalang siya sa tahimik na paraan.
BINABASA MO ANG
Enthralling Beauty (Antique Series #2)
Narrativa generaleSlaine Amaris Aranza is a loving sister, a best friend, a good listener, and a hardworking daughter. She possesses beauty that can enthrall men and a personality that make people admire her. Not everyone will like you, especially when you have the t...