Chapter 1

1.2K 22 3
                                    

Chapter 1

"Oh Aranza, ang aga mo ata?" Napangiti ako sa paninita ni Manong Guard. Bahagya kong itinaas ang dala ko. "May paninda po kasi ako."

Tumango si Manong Guard at ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang nagtitiis sa aking lumang sapatos.

Nasa Senior High bldg. na ako at kailangan ko pang umakyat sa hagdanan para makarating sa classroom namin sa ikalawang palapag.

"Ano 'yan Slaine?" Itinuro ni Lowell ang bitbit kong eco bag.

"Graham balls," simple kong sagot. Napalinga-linga ako sa buong classroom, bilang palang kaming nandito.

"Anong lasa niyan Slaine?" Gusto kong matawa sa tanong ni Dani sa akin.

Pilya ko siyang ngitian saka sumagot. "Graham balls na lasang bayag."

"Kaninong bayag ba?" Lumapit si Jangkit, ang bakla kong kaklase. "Kayong bahala kung kanino! Imagination niyo nalang ay i-limit." Napahalakhak ako.

"Sos! Kung alam ko lang, ang iniisip mo siguro ngayon ang kay Rafus, ano?" Agad kong tinakpan ang bunganga ni Jangkit dahil nahagip ng aking mata si Rafus.

Napahinto siya sa mismong labas ng aming classroom kaya panay tukso ng mga kaklase ko sa'kin. Napapa-ehem sila at inuubo pa.

Mariin akong napapikit ng mata, nananalangin na sana hindi niya iyon narinig. Kumawala ako ng bumuntong hininga nang magpatuloy muli siya sa paglalakad.

"Naligaw ata ng classroom ang crush mo Slaine?" Napangisi lang ako sa tukso ni Lowell, naisipan kong sakyan. "Manliligaw ata sa akin."

Gumawa ng tunog si Jangkit gamit ang kaniyang hinlalaki at hinlalato. "Hoy babae gising!"

Bumusangot ako sa kaniya dahil hindi niya man lang sinabayan ang trip ko.

"Scam ka naman Slaine eh! Lasang adobo!" ani Dani na nginunguya ang graham balls ko. Kumuha narin si Jangkit sa tupperware at tumikim. "Lasang menstruation!"

"Mga tarantado talaga kayo!" Sigaw ko sa kanilang dalawa habang binibilang sa kamay ang kinain nila. Lumapit si Lowell at kumuha na rin. "Lasang tanduay!"

"Ayan walwal pa, Lowell!" gatong ni Jon.

"Hoy bayaran niyo ha? Ten percent ang interest kada oras kapag utang!" paalala ko sa kanila.

"Negosyanteng babae!" Singhal ni Jangkit at nilapag sa aking kamay ang bente. "At least mura na at masarap pa!" Balik ko.

"Sure kang limang piso lang talaga 'to Slaine? Baka lugi ka niyan?" Napaarko ang kilay ko sa sinabi ni Lowell. "Sige para sayo tig-sampu ang isa. Bale trenta yung sa'yo."

"Grabe ka sa akin Slaine Amaris! Kinukotongan mo 'ko!" Bulalas ni Lowell. "Barya mo lang naman 'yang trenta! Hindi mo ikakamatay iyan Lowell!" Pagbibiro ko pero napaawang ang bibig ko nang inabot niya sa akin ang isang daan!

"Keep the change!"

"Seryoso ka?" Napatingin ako sa kaniya na naninigurado pero seryosong siyang napatango. "Uy, nagbibiro lang naman ako."

Galante! Ayaw na niyang tanggapin ang sukli! Bahala siya, sayang ang eighty-five pesos! Magpaload ko na 'yon!

Naglahad narin si Dani ng bayad at inilagay ko ang benta ko sa isang wallet, nakahiwalay sa mismong wallet ko.

Inilagay ko ang eco bag sa ilalim ng aking upuan at tumulong sa pagbubukas ng bintana saka sa pag-aayos ng mga silya, may pagka-machine gun kasi ang bunganga ni Ma'am mahirap na baka maging puro lipstick ang grades namin.

Enthralling Beauty (Antique Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon