"Ano ba, Vanessa?" naiiritang tanong ko sa kaibigan ko. Kanina pa kasi siya 'di mapakali dahil sa kinuwento ko kahapon.
"Berl, palit na lang tayo ng bahay," aniya at biglang malambing akong hinagkan.
"H'wag mo akong sabihan niyan. Iyong magulang ko ang sabihan mo, okay?"
Nakita ko lang siyang umirap. "Sleepover na lang mamaya, tutal sabay naman tayong pumapasok."
Napairap na lang din ako sa ere dahil sa mga pinagsasabi niya. Ewan ko baliw din 'tong kaibigan ko.
"Fine! Suit yourself at our house," sabi ko at kumawala sa hawak niya.
"Yehey, thank you, Berl! You're the best!" maligaya niyang sambit at ngumiti na abot tenga.
"Bago ka pa matuwa diyan, magpaalam ka na sa magulang mo! Strict parents, right?" sarkistong sambit ko at hilaw niya akong ningitian.
Nasa silid-aralan kami ngayon, naghihintay sa propesor namin. Naghanda na ako para sa reporting namin dahil baka mapagalitan pa kami kapag hindi kami nakapagsimula agad.
"By the way, alam mo bang chismis ngayon?" tanong sa akin ni Vanessa habang hinahanap ko 'yong file sa laptop ko.
"What?" simple kong tanong at kinuha 'yong HDMI at kinonekta iyon sa laptop at flat screen sa classroom namin.
"Iyong crush natin." Agad akong tumingin sa kanya at tanging kuryosidad ko lang ang iginawad ko sa kanya.
"Wala ka na bang bukang-bibig kun'di si Leo?"
"Girl, para namang 'di mo rin gusto. Eh, halata namang kapag may sinasabi ako tungkol sa kanya 'yang tenga mo atat na atat makinig," pangungutya niyang tugon.
"Ewan ko sa'yo!"
"Heto nga kasi 'yong chismis," aniya nang lumapit sa akin nang husto. "May nililigawan na namang bago."
Matalim ko siyang tinignan at tinaasan niya lang ako ng kilay. "Tapos? Yayaman ba ta'yo diyan?"
"Berl, it means that he took a step first!" She exclaimed which bothered some of our classmates. "He's taking the first step, Berl."
Vanessa was right. It's not Leo's nature to take the first step when he wants to have a relationship. Girls and women are simultaneously coming at him, begging for his attention.
"Totoo? Walang halong biro?" I asked just to kill the cat's curiosity.
"Yup!" she said as she popped the 'p'.
"Sino naman? Kilala mo?" My brows furrowed.
"Zenith Ymil Hermoso," she said straightly and my eyes widened.
"What? Seriously? Zenith?"
"Yes, yes, and yes! Tatlong yes para sa tatlong tanong mo," she scoffed and I narrowed my eyes, looking at her.
Zenith is the worst... completely, the worst! I just recalled what happened to her exes before. Not to insult her but she's a gold-digger and social climber woman.
Ako 'yong naawa sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya dahil kapag nakuha na ni Zenith ang kinakailangan niya at wala na siyang mapapala sa kanila, wala ka ng silbi sa kanya.
"Naunahan ka na, girl!" sambit ulit ni Vanessa.
"I know they won't last," positibong sabi ko.
"Why do you say so?"
"I mean... masasakal lang sila pareho, isang feeling sosyalerang babae at lalaking hindi nakokontento... it will fall into toxic relationship!"
"So parang sinasabi mo na rin na, a Berlinary Pearl Gomez should take her place instead?" mapagbiro niyang tugon at nakita ko sa kanyang mukha ang mapangutyang ekspresyon.
BINABASA MO ANG
An Alluring Fire (High School Teen Series #2)
Teen FictionBerlinary Pearl Gomez, a soft-hearted woman who enjoys herself falling in love with his ideal man named Leonardo Griffin Freud--a man who doesn't even care or notice her feelings. How will Berlinary play her cards? When will she realize that she was...