16

31 0 0
                                    

Lumipas ang ilang mga araw at dumating ang buwan ng kapaskuhan. Wala akong masyadong iniisip kun'di magligalig sa mga araw na walang pasok at hindi ko siya nakikita.

Hindi naman sa iniwasan ko siya kasi nag-uusap pa naman kami. Itinataka ko nga iyon kasi patagal nang patagal ay nagiging komportable na kami sa isa't isa. Mas lumalim pa ang depinisyon ng pagkakaibigan namin.

Ngunit kailangan ko pa ring dumistansya kasi alam ko rin naman na sa tuwing bukang bibig niya ang pangalang Khate ay may kunting kirot akong nararamdaman. Ang hirap pa lang magkunwari lalo na kapag hindi mo makumbinsi ang sarili mo na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang puwede sa inyo.

Ngayon ay abala akong nag-aasikaso para sa pagsalubong namin sa bagong taon. Nagagalak na ako dahil panibagong taon na naman para sa mga panibagong bagay na mangyayari sa buhay namin.

[Hoy! Ang boring ng pasko ko!] bulyaw ni Vanessa sa telepono na parang batang gusto nang umuwi.

"Magtiis-tiis ka na lang muna diyan. 'Tsaka magbabagong taon na mamaya at pagkatapos no'n makauuwi na rin kayo," payo ko sa kanya para matigil na siya habang naghahanda ako ng mga rekados para sa ilulutong kaldereta.

[Palibhasa close mo mga pinsan mo. Bwesit kasi 'tong pinsan kong social climber! Kung ano ang puno 'yon din ang ibununga.]

"Alam mo... napakapasmado talaga ng bibig mo!"

[Totoo naman kasi! Kapag talaga ako napuno sa pinsan kong 'to—]

"Oh, ano? Anong gagawin mo?" Pagputol ko sa kanya.

[Minsan lang ako makaganti roon kaya pagbigyan mo na ako.]

Rinig ko ang halakhak niya sa kabila na para bang may binabalak itong gawing hindi makatarungan.

"Sinasabi ko sa'yo... kapag 'yan magbunga ng alitan sa pagitan ng pamilya niyo." Pagbanta ko sa kanya upang mapag-isipan niya ang kanyang sinabi.

Umabot ng isang oras ang aming kuwentuhan at nagpadesisyunan nang ibaba ang tawag kasi maghahanda na rin sila para mamaya.

Habang nag-aasikaso sa mga putaheng ihahanda para sa kare-kare ay nahagilap ko naman ang kapatid ko na may kinakausap sa kanyang cellphone.

Gusto ko siyang batukan nang mautusan ko siyang tulungan ako ngunit hinayaan ko na lang. Ipapaubaya ko na siya kay Mama, tutal takot naman siya sa kanya.

Dito lang kami magbabagong-taon sa bahay dahil nakaugalian na rin namin na tuwing pagsapit ng bagong taon ay dapat sa bahay namin ito sasalubungin. Marahil na rin sa paniniwala ng mga magulang ko na mas suwerte iyon.

"Bro, magbabagong taon mamaya tapos ngayon ka lang mag-aaya ng laro!" May bahid ng pagkadismaya sa boses ng kapatid ko.

Halatang kausap niya si Leo. Gusto kong makiusisa sa kuwentuha nila pero abala pa ako sa ginawa ko.

"Bukas na lang kung may time pa ako at 'di pagod." Dinig kong sambit ng kakambal ko.

Napasilip ako sa gawi niya at nakita siyang napakamot sa likod ng kaniyang ulo. "Si Zack na lang imbitahin mo baka gutso n'on maglaro."

Ibinaba niya agad ang tawag 'tsaka pumunta sa taas. Ikinataka ko naman 'yon dahil magbabagong taon tapos nag-aya ng laro si Leo. Hindi ba sila maghahanda ng kanyang pamilya?

I never saw him with his parents ever since they moved here in our neighborhood. It is like it is just him in that house alone. The last time I saw him with his parents was when he played a badminton tournament. It was a long time ago.

I heard from Brandon also that they celebrated Christmas out of town. And two days ago, I just saw Leo's presence at his home. Technically, he was alone, that is why he invited my brother to play with him. Maybe I should invite him or tell my brother to invite him instead.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Alluring Fire (High School Teen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon