"Anong pinag-usapan niyo sa canteen," tanong niya agad at biglang lumiwanag ang kanyang mukha.
Ngayon ay nasa balkonahe kami ng bahay namin. Kauuwi lang namin galing sa eskuwelahan. Mukha rin atang mapapadalas na ang pagbisita rito ni Leo na alam ko rin sa sarili kong nagugustuhan ko.
"Ano... kaunting kuwentuhan lang." Peke akong ngumiti sa kanya, hindi masabi ang totoong nangyari.
"Gano'n ba..." aniya at bahagyang napanguso. "Wala ba siyang sinabi tungkol sa'kin?"
Meron at ang dami! Gusto ko 'yong sabihin sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Berlinary, h'wag kang magpadala sa emosyon mo!
"Actually, she said a little thing about you... on how you were so eager to pursue her," tugon ko kung ano ang totoong nangyari at ibinaling ang atensyon sa mga kamay kong pinaglalaruan ko.
"Really?" Nagulat ako sa agaran niyang pagtayo na siyang nagpalaki ng mabilugin kong mga mata. "I knew she recognized my effort!"
Kagat-labi akong tumango at pinasadahan siya ng blangkong ekspresyon. Hindi ko inakalang ganito ka hapdi ang mapapala ng puso ko.
"Hindi halatang masaya ka," pagbibiro kong sabi para matakpan ang hinanakit ko.
"Yeah... this is my first time feeling this way. I mean she's rare and totally she is the one. I know for sure." Lumingon siya sa akin at gumuhit sa kanyang mukha ang totoong nararamdaman niya ngayon.
Bakas sa kanyang mukha ang ligayang parang ngayon lang niya naramdaman. Gumuhit din sa kanyang labi ang sigla kapag napapaisip siya sa dalaga.
Subalit kabaliktaran 'yong nararamdaman ko sa kanya. Gustohin ko mang maging masaya para sa kanya hindi ko magawa. Marahil ganito lang talaga kapag umpisa. Masasanay rin ako.
"Dahil nagbunga 'yong effort mo at diskarte ko..." aniya at abot tengang ngumiti sa akin. "Ililibre kita!"
Agad namilog ang aking mata sa sinabi niya. Ramdam at dinig ko ang mabilis na tibok ng aking puso. Sinabayan pa nang pagwawala ng mga paruparo sa kalamnan ko.
"H-Hindi na k-kailangan... h'wag ka nang m-mag-abala," nauutal kong tugon at umiwas ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng batok ko.
"I insist! Where do you want to go tomorrow?" tanong niya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay.
Mahina akong napabuntonghininga at tumingin sa kanya para pantayan siya ng tingin. Nakangisi siyang naghihintay ng sagot ko at ako naman ay nagdadalawang-isip pa.
Alam ko sa sarili ko na ako 'yong tipo na taong hindi makaayaw sa mga hinihiling ng mga tao. 'Tsaka pagdating sa kanya, ewan ko pero hindi ako makasagot ng diretsahan.
"Fine!" Napabuntonghininga ako ulit at hudyat iyon nang pagsuko ko. "Street foods tayo."
"Ohhh... speaking of street foods, may alam ako na tiyak na magugustuhan mo," aniya at napangiti ako nang bahagya.
Hindi naman ata masamang tumugon sa kanyang alok. Kakain lang kami at hindi dapat lagyan ng espesyal na intensyon. May parte rin sa aking sarili na nasasabik para bukas.
Kinabukasan, babad kami sa perfomance task at paghahanda para sa papalapit na intramurals sa unibersidad namin.
Presidente ako sa section namin at pinatawag kaming lahat ng presidente sa departamento namin upang pag-usapan ang mangyayaring intrams sa high school.
Pagkatapos no'n ay agad din kaming pinabalik upang ianunsyo ang napag-usapan sa meeting. Mabuti na lang bakante na namin.
"Sa mga varsity players, mag-fa-facilitate kayo sa mismong nilalaro niyo at puwedeng kayong maglaro sa ibang games." anunsyo ko at agad nagbulungan sila upang makaisip nang sasalihan nilang laro.
BINABASA MO ANG
An Alluring Fire (High School Teen Series #2)
Teen FictionBerlinary Pearl Gomez, a soft-hearted woman who enjoys herself falling in love with his ideal man named Leonardo Griffin Freud--a man who doesn't even care or notice her feelings. How will Berlinary play her cards? When will she realize that she was...