Unang araw ng intramurals ngayon ng unibersidad namin at sa napakalawak na grandstand ay makikita ang crowd ng mga estudyanteng lalahok sa mga paligsahan mamaya.
Tumingala ako sa langit at hindi ko gaanong maaninag ang sikat ng araw marahil napupuno ng mga naglalakihang mga ulap.
Iba't ibang ingay ang naririnig ko galing sa iba't ibang mga bibig na siyang nagpapahiwatig sa nararamdaman nila ngayon at mas nangingibabaw sa kanilang mga mukha ang saya at aliw sa gaganaping laro mamaya.
"Girl, mamaya sabay tayo magtanghalian. Sakto kasi ala-una ng hapon 'yong laro ng grade 10 at nine volleyball girls," sambit ng aking kaibigan habang may hinahalungkat siya sa kanyang string bag.
Hindi ako kumibo at tumango na lang na nagbabasakaling nakita niya. Abala rin kasi ako kahahanap sa isang binata. Kahapon pa naman ang lungkot no'n. Sana nga lang hindi maapektuhan 'yong laro niya mamaya.
"May load ka ba?" Napatingin ako sa kaliwang banda ko dahil sa pagsulpot ng aking kakambal. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala at hindi ito mapakali katitingin sa kanyang cellphone.
"Wala, bakit?" nakakunot-noong tanong ko sa kanya at agad niya naman akong pinantayan ng tingin.
"Guess what! Wala pa raw si Leo. Hinahanap na siya sa group chat pero ni pag-seen wala," natarantang sambit ni Vanessa dahilan para bumagsak ang panga ko sa pagkagulat.
Alam kong nasaktan siya kahapon sa nangyari pero may laro sila ngayon at kailangan siya. Hindi ko naman kasi aakalain na ganito ang mangyayari sa kanya, e'di sana kinausap ko siya kahapon para lang ramayan.
"Ako na ang mag-te-text," sabi ko at agad kinuha ang cellphone sa sling bag ko.
Me:
Good morning!
Where are you?
Need someone to talk to?
Mahina akong napabuntonghinanga nang maipasa sa kanya ang panghuling mensahe ko. Kailangan niya ba ako? Kailangan niya ba talaga ng makauusap ngayon?
Bumalik ako sa katinuan ng marinig ang tunog ng aking cellphone kaya dali-dali ko itong tinignan at nagulat sa sagot niya.
Leo:
Nasa SGG office ako.
Sumulyap ako sa kapatid ko at kaibigan ko at abala sila ka-ce-cellphone. Hindi pa naman nagsisimula ang pledge kaya aalis muna ako para puntahan siya. Hindi na ako nagpaalam sa kanilang dalawa at palihim na umalis sa kinatatayuan ko.
Mabilis kong tumakbo at nagdesisyong daanan ang malapit na rota patungo sa office. Mabuti na lang ay walang gaanong mga estudyante at guro sa daan. Nang makaabot sa gusali kung saan ang opisina ay tumingala ako sa ikalawang palapag.
Walang presensya ng kahit sino. Malamang buong guro at estudyante sa departamento namin ay nandoon na sa grandstand para sa pledge maliban sa aming dalawa ni Leo. Agad akong nagtungo sa ikalawang palapag at dahan-dahang lumapit sa pinto ng office.
Huminto muna ako sa tapat n'on at tanging malalim na hininga ko lang ang narinig ng aking tenga. Napagod din ako sa katatakbo. Nang makuha ang lakas na kinakailangan ay agad kong pinihit ang doorknob at una kong nakita siya, na nakaupo sa sofa.
I felt the odd atmosphere around him even though I was far from him. He didn't even hear the sound of the door when I opened it. What was he thinking the whole time? I wish I could help him.
"Hey, may I come in?" I asked, trying to be silly just to lighten the atmosphere up.
He immediately shifted his head at the back where I am. I saw sadness and heartaches in his eyes and it was obviously written on his face too. He just faked a smile and made a hand gesture to let me come inside.
![](https://img.wattpad.com/cover/165692759-288-k817168.jpg)
BINABASA MO ANG
An Alluring Fire (High School Teen Series #2)
Teen FictionBerlinary Pearl Gomez, a soft-hearted woman who enjoys herself falling in love with his ideal man named Leonardo Griffin Freud--a man who doesn't even care or notice her feelings. How will Berlinary play her cards? When will she realize that she was...