10

20 0 0
                                    

Tulad nang sabi niya ay nilibre niya ako. Tutal nagutom din ako sa ka-che-cheer at nauuhaw. Nandito kami sa isang milktea shop na malapit lang sa eskuwelhan namin.

Nandito rin sa tabi ko si Vanessa. Nagpumilit kasing sumama kaya sumang-ayon na lang ako at idinahilan kay Leo na gusto ko siyang isama.

Nilibre na rin siya ni Leo kaya ang laki ng ngiti ngayon ng kaibigan ko. Ngayon ay nakaupo kami habang inaasar niya ako.

Hinubad ko na rin ang suot kong jersey nang agad matapos ang laro nila. Lalabhan ko muna bago isasauli sa kanya kasi nabasa rin ng pawis ko.

"Oh, anong sabi ko sa'yo? Effective ang cheering skills mo!" sambit ni Vanessa at agad ko siyang nilingon.

Mabuti na lang nasa pila pa si Leo kasi may isa rito na ang ingay. Laging bukang bibig ang ginawa ko kanina.

"Oh siya, tanggap ko na at tapos na, kaya move on ka na, okay?"

"Hmmm... ayaw mo lang talagang malaman niya na gusto mo siya," aniya na walang preno.

Agad kong binalaan siya ng tingin at nakita ko lang siyang inirapatan ako. 

"Mind your mouth, Van!" nataranta kong paalala sa kanya.

"Oh, come on, as if he's here."   

"May darating pa ba?"

Nagulat kami pareho nang marinig ang boses ng lalaking dala-dala ang tray ng in-order namin. Hilaw akong napangiti sa kanya habang pinantayan siya ng tingin. Si Vanessa naman ay panay ang ubo na para bang may pinapahiwatag sa kanya.

"Darating daw si Brandon," diretsong tugon ko at narinig ko lang ang kaibigan ko na suminghal.

"Ah, gano'n ba," aniya at nilapag ang tray sa lamesa. 

Agad din siyang umupo at ako naman ay kinuha na sa tray 'yong in-order namin 'tsaka pinakuha na ang tray, sagabal lang sa lamesa.

"By the way, congratulation, Leo! It was a good game," Vanessa complimented her before she sipped on her milktea.

"Oh, thank you!" He then caressed the top of his head.

"Laing tulong din ng bestfriend ko!"

Napatingin ako bigla kay Vanessa at sumilay sa kanya ang mapangutyang ngiti na para akong sinasabihang h'wag ko na siyang pakialaman sa ginagawa niya. Napanguso na lang ako nang bahagya at ininom na lang ang milktea ko.

The game earlier was so intense, the same intense when I watch him playing badminton. I mean the way he took the game seriously with determination and perseverance, nothing is different when he plays badminton. His fighting spirit was still there, even he played a different sport.

I can't even deny how he played the game smoothly without any worries that they will lose. He was just enjoying the game. The true sportsmanship was still in his heart until the very end. Win or lose, he knew that he gave his best, playing the game.

A man like him can truly drive a woman crazy. Well, I won't even deny it. He has this great charisma that can attract women easily that is why some other women are desperate to be her girlfriend since a guy like him is totally an ideal.

Hindi lang naman kasi puro suwabe at laro ang kaya niyang gawin. Matalino rin siya, hindi lang halata sa itsura pero iba ang angkin niyang talino. Matalino magsalita pati na rin sa gawa. Kaya nga bagay rin sa kanya ang strand na Humanities and Social Sciences.

Ilang ulit ko na rin siyang nakitang magdebate at mag-public speaking at hindi ko mapigilang mamangha. Ramdam mo kasi sa kanya 'yong dedikasyon sa bawat binibitiwan niyang mga salita, kung paano siya manghikayat, magbigay impormasyon, o mag-entertain sa harap ng madla.

An Alluring Fire (High School Teen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon