7

27 2 0
                                    

Ilang oras din ang itinagal namin sa daan at nakarating na kami sa sinabi niyang lugar at nawindang ako sa nakita ko. Ang daming tao! Sikat yata 'tong street food na tinukoy ni Leo.

Pinatay niya ang makina ng sasakyan at unang lumabas at agad pumunta sa kabilang parte ng sasakyan para pagbuksan ako. Ang maginoo naman niya, hindi halata sa mukha niya.

Nang makababa ay agad lumapit sa stand at agad nahagilap ng aking mga mata ang pagkaway ni Leo sa isang matandang lalaki sa hindi kalayuan. Siya ata ang nagtitinda rito.

"Leo, napadaan ka ha? Kumusta ka na?" tanong ni Manong nang makalapit sa amin at iniwan ang kausap niyang kustomer.

"Maayos naman, Manong. Ikaw po, kumusta na ang negosyo niyo?"

"Ay, heto at mabuti naman, nakaluluwag rin paminsan-minsan," masayang tugon ni Manong nang bumaling sa akin.  "Oh sino 'tong dala mo? Nobya mo? Parang may ikukuwento ka sa akin, ha!"

"Manong, kaibigan ko lang po." Agad kumirot ang puso sa sinabi niya pero iginawaran ko si Manong nang malumanay na ngiti.

"Berlinary po, Manong," pakilalang sambit ko.

"Manong Koko, ihja! Paumanhin napagkamalan pa kitang nobya nitong si Leo. Puro lang kasi barkadang lalaki niya ang nakikita kong sinasama niya rito."

Napalingon ako sa gawi ni Leo na abalang pumipili ng makakain namin. Parang walang narinig ito. Nang matapos siyang pumili ay binigay niya ito kay Manong para mapa-init.

"Oh siya, doon kayo sa kabila pumuwesto may bakante roon. Ako na bahala rito ihahatid ko na lang kapag handa na."

Umalis na kami roon at pumunta sa lamesang bakante na di' kalayuan sa stand ni Manong. Umaalingawngaw ang mga ingay ng mga tao rito na para bang may piyesta.

Napangiti tuloy ako. Ang saya lang kasi nilang panoorin. Bakas sa kanilang mga boses ang saya habang tinitikman ang kinakain nila.

"Anong ningiti-ngiti mo diyan?"

"Nakaaaliw lang tignan 'yong mga kumakain. Halatang nasasarapan sa kinakain nila," sagot ko at tinignan siya nang nakangiti.

"The best street food! Dito kami palaging tumatambay ng kambal mo noong junior high kapag uwian."

"Gano'n ba? Kaya pala palaging umuuwi ng bahay ng gabi noon, ikaw lang pala kasama."

"Balita ko nga sa kanya palagi siyang napapagalitan ng Mama mo." Natawa kami pareho sa sinabi niya.

Nagpatuloy ang kuwentuhan namin tungkol sa kambal ko. Kung andito lang si Brandon baka galit na 'yon kasi pikunin din 'yon. Ilang minuto rin ang hinintay namin bago maihanda ang in-order namin.

"Oh, heto na ang pagkain niyo. Hinay-hinay kayo dahil mainit 'to," maligayang sambit ni Manong nang ilagay sa lamesa ang in-order namin.

Hindi siya agad umalis at umupo sa tabi ni Leo dahil gustong makipagkuwentuhan sa kanya.

"Leo, bagay kayo nito ni Berl, eh bakit di' mo ligawan?" Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Manong Koko. "Ihja! Hinay-hinay, tubig oh!" aniya at binigay sa'kin ang mineral na bote ng tubig.

"Manong naman kasi, h'wag kang magbiro nang ganiyan! May nililigawan na 'yan," tugon ko habang nahihirapan dahil sa hapdi ng lalamunan ko.

"Ano? Sino naman?" Kuryusong lumingon ito kay Leo at hinampas nang bitbit niyang pamaypay. "Naku, Leo! Bat' di' mo sinabi? Itong batang 'to talaga!"

Nakatatawa ang reaksyon ni Manong Koko ngayon na parang ama ni Leo kung makapagsalita.

"Manong Koko, paano ba naman eh madalas na lang ako makapunta rito dahil abala sa eskuwelahan," paliwanag ni Leo at agad kinain ang kwek-kwek niya.

An Alluring Fire (High School Teen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon