"Hoy! Halika rito!" inis kong utos sa kapatid ko.
Nandito kami sa kuwarto niya na parang mga baliw na naghahabulan. Malaki rin kasi 'yong kuwarto niya. Dapat sa'kin 'to pero epal 'yong kakambal ko.
"Sorry na nga, 'di ba?" aniya at agad lumipad ang tsinelas ko patungo sa kanya pero tumama yon sa unan na naging sangga niya.
"H'wag ka nang magkunwaring sincere 'yang sorry mo kasi sa totoo lang ginusto mo ang lahat!" bulyaw ko at lumapit sa kanya pero binato niya sa'kin 'yong unan dahilan para huminto ako.
Napadaing ako sa sakit nang tumama iyon nang malakas sa mukha ko. Tiyempo rin siyang lumabas sa kuwarto at nagtungo sa ibaba. Alam ko na kung kanino siya lalapit.
Hinimas-himas ko muna ang mukha ko bago lumabas sa kuwarto para sundan siya. Nang makababa ay agad ko siyang nakita sa sala na katabi si Papa na nanonood ng palabas.
Nang mapansin ni Brandon ang aking presensya ay agad niya akong binigyan ng babala gamit ang mata niya. Ngunit hindi ako nakinig at pumunta sa sala.
Mabuti na lang ay malapad ang sopa kaya may natirang espasyo na katabi sa inuupuan ng kapatid ko. Kung sinusuwerta ka nga naman! Makababawi na rin ako!
"Oh, ba't kayo nandito? 'Di ba may exam pa kayo bukas? Mag-aral kayo sa kuwarto niyo!" utos ni Papa nang magulat sa presensya naming dalawa sa sala.
"Mamaya na po. Ang ganda kasi ng palabas na pinapanood niyo," sarkisto kong tugon at benta naman kay Papa kaya nanood na lang siya ulit.
Tinignan ko ang kapatid ko at may namumuong pawis na sa kanyang noo. Kung titignan siya, para siyang batang nanonood ng nakatatakot na palabas.
Dahan-dahan siyang tumingin sa'kin at umiling-iling na nagmamakaawang h'wag kong ituloy ang gagawin ko pero huli na ang lahat dahil agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya.
Para siyang uod na humalikipkip sa sakit at hindi siya nagbantang mag-ingay dahil malalagot siya kay Papa kung gano'n. Subalit napansin pa rin kami ni Papa.
"Anong nangyayari diyan sa kapatid mo?" tanong ni Papa nang mapansin si Brandon.
Hindi ako nagsalita at agad sinipa ang kapatid ko para magpanggap na ayos lang ang lahat.
"A-no, Pa..." nahihirapan niyang tugon, "biglang sumakit tiyan ko."
"'Yan na 'yong sinasabi namin sa inyo. Ka-ce-cellphone niyo 'yan!"
"Pa, baka nga nakain ko 'yong cellphone ko," pilosopong sambit ni Brandon.
"Abay, sumasagot ka pang bata ka!" Tatayo na sana si Papa pero pinigilan ko siya. Kawawa naman si Brandon.
"Pa, chill lang kayo! Alam mo namang may topak 'tong anak mo." Singit ko at napabuntonghininga na lang si Papa.
Agad din naman kaming bumalik sa kuwarto namin nang makaganti ako sa kapatid ko. Kailangan ko pang mag-aral para sa exam namin bukas. Humiga muna ako sa kama ko para magpahinga saglit.
Kanina pa ako nakauwi at gano'n na rin si Leo. Tahimik lang kami buong byahe. Tanging musika lang ng kotse niya ang nag-ingay. Ayaw ko rin namang kausapin siya at gano'n na rin ata siya.
Tumagilid ako nang higa at namataan ko ang bag ko sa silya. Agad kong napagtanto na andoon pala ang regalong binigay niya na hindi ko ba nabubuksan, kaya dali-dali akong bumangon at kinuha ang bag ko.
I opened my bag and I got the box inside. I shook it gently just know what's inside of it. I didn't hear any sound. Maybe I should open it now.
I immediately unwrapped it and I saw the brand name carved in the box. I already have thoughts about what's inside of it and I hurriedly opened it. My eyes widened as I was dazzled, looking at the necklace—a rose-gold.
BINABASA MO ANG
An Alluring Fire (High School Teen Series #2)
Teen FictionBerlinary Pearl Gomez, a soft-hearted woman who enjoys herself falling in love with his ideal man named Leonardo Griffin Freud--a man who doesn't even care or notice her feelings. How will Berlinary play her cards? When will she realize that she was...