Charity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga.
Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi ako iyong taong tunay na kilala ng karamihan. Inaalam lang ng mga tao ang kung anong gusto nilang malaman. Para sakanila, ako ang mananatiling masama. Malandi. . . kerida.
Pero ang totoo, biktima lang din ako ng panloloko.
Inakala ko ring ako lang. Inakala ko ring naging maswerte akong makilala siya. Akala ko ako na ang pinakamaswerteng babae, ang pinakamasaya at ang pinakamalaya.
When I met him, I must admit that I became the happiest woman. Nang maging magkasama kami, nagawa kong makuha ang lahat. Nakuha ko ang propesyon, bahay, at sasakyang pinapangarap. Hindi naging mailap sa akin ang pera kasabay nang mas lalo pa naming pagiging malapit ng lalaki.
I was a disaster when I met him. Nalulugi ang pinagtatrabahuhan, habang paunti-onti kong inuubos ang sarili dahil sa stress.
I was really lost. . .
. . . Then he found me.
Akala ko, mala-fairytale na kwento ang nag-aabang sa aming dalawa. Akala ko, katulad ng mga prinsesang nag-aantay sa palasyo ay may darating na prinsipeng bibigyan ako ng happiest ending.
Ngunit, ang bagay pa lang pinakatuturing kong yaman ang siyang sisira rin sa lahat ng aking pinaghirapan.
Ang lalaki pa lang naging dahilan ng pag-abot ko sa mga pangarap ang siya ring tutunaw sa mga iyon.
I was once the happiest. Inaraw-araw ko ang pagsayaw sa tuktok ng buhay. I became complacent because of what I have.
Pero pagkakamali lang ang lahat.
Pagkakamali lang ang pag-asa kong mayroong pipili, magmamahal at mag-aalaga.
Hindi ko rin naman ito ginusto. . . pero sa sandaling panahon, ang masagana kong mundo ay napunta sa ibaba.
Pakiramdam ko ay matagal akong nakatulog sa kasinungalingan ng lalaking minamahal at paggising-nang tuluyan akong natauhan ay marahas akong sinampal ng katotohanan.
Hindi tama ang lahat.
Ang lalaking akala kong katambal sa love story na isinulat ko sa isipan ang siya pa lang totoong kontrabida.
Hindi pala ako ang nauna.
Hindi pala ako ang malaya, wala pala sa akin ang korona.
Kabit lang pala ang ako sa lalaking minundo ko na.