Charity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga.
Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ADNK 6
Hindi ko alam kung paano at bakit pero paggising ko kinaumagahan, iba na ang tingin ko sa mundo. Tuwing ibabaling ko ang tingin kay Lawraent na walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari, kung iisipin ko si Attorney Louella, ay parang isinusuka ko rin ang sarili.
Nang nagising ako't bumungad sa akin si Andrick na nagluluto sa kusina ay hindi ko na nagawang ngumiti.
Iba na ang lahat. Nagbago na ang lahat.
Sa iilang oras lang nangyari pero pakiramdam ko'y buong buhay ko ang nabago.
Tuwing titingin ako sa salamin, walang mintis ang pagkuwestyon ko sa sarili kayong hindi ko rin naman alam ang lahat.
Pero ni minsan, alam kong wala akong kaparatang tawaging biktima ang sarili.
Ilang beses ko nang sinubukang tawagan ang asawa ni Andrick pero iniisip ko ang magiging kahihinatnan ng lahat. Louella Javier isn't just someone. She's a lawyer. Isa pa, parent din siya ng isa sa mga estudyante ko. I'll never put up with that shame.
Buong gabi akong umiyak. Buong gabi kong dinamdam ang hinagpis pero hindi ko alam kung sino ang marahil na sisisihin sa lahat.
Si Andrick. . . ang sarili ko. . .
Tuwing pipindutin ang call sa katabing numero ng babae ay naaalala ko ang napag-usapan at nangungumbinsi sa akin ni Andrick kaninang umaga.
"What are you doing here?" tahasan kong sabi nang makalabas sa kwarto't maabutan si Andrick sa kusina.
Pagkatapos nang hindi matapos-tapos na pag-iyak kagabi ay nakapagdesisyon na ako.
Kahit saang aspeto ko man tingnan, mali ang bagay na ito. Kahit ilang beses ko pa irason na nagmahal lang ako at wala ako ni isang alam sa lahat ay ako't ako pa rin ang may kasalanan.
Hindi na ito pwedeng magpatuloy. . . iyon ang dapat. Pero kapag tinatapat ko ang mga titig kay Andrick ay parang nawawalan ako ng boses para magsalita.
"Are you mad?" Malambing ang pagkakasabi noon ni Andrick. Itiginil agad nito ang ginagawa at lumapit sa akin para yumakap. "I'm sorry, Cha. Hindi ko naman gustong may maipit ka pa rito pero ginagawan ko na ng paraan ang lahat. Nakausap ko na ang abogado ko patungkol dito."
Literal akong natigilan sa sinasabi ng lalaki. Ngayon ko lang napagtantong totoo ang sinabi nito sa akin kagabi bago ako sumakay sa nakitang taxi. Totoo palang may balak itong makipaghiwalay sa asawa.
"Anong ibig mong sabihin?"
Iniisio ko pa lang ay bumabaha na ang pagkakabagabag sa konsensya ko. Hindi basta-bastang maghihiwalay ang dalawa. Hindi magiging madali iyon.
Hindi lang ito parang magboyfriend-girlfriend na sistema na mayroong cool-off at break-up. For goodness' sake, they have a child! Walang kamuwang-muwang ang batang si Lawraent sa kung ano mang mangyayari sa pamilya niya.