Charity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga.
Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ADNK 7
Gusto kong saktan ang sarili dahil sa sumunod pang mga sinabi.
"Ikaw na po mismo ang nagsabi sa akin, Ma'am. Alam niyo pong hindi ganoong tao ang asawa ninyo. Hindi niya po magagawa iyon."
Parang hangin at walang kahirap-hirap na lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon na parang ito ang katotohanan. Pkairamdam ko, pinaglalaruan ko ang pakiramdam ni Attorney Louella. I should've told her the truth, iyon naman talaga ang dapat.
But still, I don't want to risk those things na mayroon ako mgayon. Hindi ko pwedeng iwan angmga estudyante na 'kabit' ang pagkakakilala sa akin.
I am not a mistress.. . . pangungumbinsi ko sa sariling kahit kailan ay hindi na maniniwala.
I am one. But I don't want to become one.
Mahirap mang aminin sa sarili, pagbali-baliktarin man ang mundo ay nakiapid pa rin ako sa lalakng may pamilya.
Minahal ko pa rin ang isang taong hinding-hindi maaaring maging akin.
Ginusto ko ba iyong mangyari? No.
May ideya ba ako sa lahat? Wala.
May magagawa pa ako para magawang maayos ang problema? Yes.
Now, mayroon na akong pagkakataon. Ipinangako ko rin sa sarili kong huli na ito at hindi niya na kailangan pang malaman.
I am going to talk with Andrick pagkatapos nang pag-uusap na ito then I'll end whatever relationship we had. Dapat nga nagagalit ako sa lalaki, pero hindi ko magawa.
Pagkatapos noong araw na iyon, nang makita ko ito sa bahay ng iba. . . nang makilala ko ang buo nitong pamilya, hindi ko na nagawang magalit sa lalaki. Nagmukhang hinigop ko lang ang lahat ng sakit. Wala akong ibang naramdaman kundi ang nakasusulasok na sakit sa sistema.
Laban, Charity. Alam mo ang dapat na gawin kaya iyon ang unahin mo. You should stop.
Ngayon ay maluha-luha na ang abogado. She seems like a strong woman pero siguro ay iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal mo sa isang tao.
Love makes us weak. Love makes us tremble in fear. It is true that when we love someone knowingly or unknowingly, we are being dependent to that person. Regardless of the time or the situation.
Kahit pa ikaw ang pinaka-strong na tao sa mundo.
"I wish. . . he's really innocent. Sana walang ibang ginagawa ang asawa ko. But seeing how he acts, parang iba. . . parang malayo, Miss Cha. Parang nagbago 'yung asawa ko."
Andrick is Louella's husband. I know.
"Maaga siyang umaalis sa trabaho, I think it was five in the afternoon but he'll go home at ten in the evening. Hindi ko alam ang gagawin, ewan kung napapraning lang ako pero I know there is something wrong."