ADNK 3: Fifth

59 5 8
                                        

ADNK 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ADNK 3

    "Hindi naman siya palaging ganito. . ."

    Walang kaide-ideya kong hinarap ang ginang nang magsalita itong muli. "A-Ano po?"

    "Iyong asawa ko. Hindi naman siya palaging missing in action," paliwanag ng babae.

    Kaagad ko naman siyang binalingan. Tila ba naging interesado na rin ako sa buhay ng pamilyang ito pero syempre hindi ko gusto ang maging ganoon ka-nosy. "Nako, mukhang napaka-swerte po ninyo."

    Sinundan iyon ng paghalakhak ng abogado't parang nahihiya, "I am indeed lucky."

    "Busy lang daw siya sa trabaho at minsan, you know, nagpapalabas ng pagod kasama ang mga kaibigan. I totally understand him, though. Ano ba namang trabaho ang hindi mahirap? But then, he's always a great father."

        Puno nang paghanga kong tiningala ang babae. Kumikinang-kinang pa ang mga mata nito habang patuloy na ikinukwento ang asawa. They must've love each other so much. Masuwerte si Lawraent na magkaroon ng ganitong klaseng mga magulang.

    "It was always a challenge for us na magkasalubong pa sa bahay dahil nga sa sobrang busy sakaniya-kaniyang trabaho but he's indeed a great father and a husband. Sapat na rin sa aking hindi niya pinababayaan si Lawraent. He spoils him too much, kaya pasensyahan din talaga ang ugali ng batang iyon." Mariin ako nitong tinitigan na talagang nanghihingi ng pasensya.

    "Attorney naman, wala pong problema. Hindi lang naman si Lawraent ang ganyan. Iyong iba, mas matitindi pa."

    "My husband, he's been such a blessing for me and our family. He has been there for us since day one kahit napakakumplikado ng trabaho nito sa kompanya. Minsan na lang din kasi talagang makakanahap ng taong gano'n, Miss. The one with a big heart, who listens to you, understands your decisions, problems, and loves you. . ."

    May biglang kung anong kumirot sa loob ko't mabilis na nakaramdam ng pagkakuryuso sa tinutukoy niya. Iba rin talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Attorney Louelle doesn't seem to be the chatty type pero eto siya ngayon at ipinagmamalaki ang asawa.

    "Ikaw ba, are you seeing someone?"

    Awtomatiko napahalakhak ako sa narinig. Bigla kong naalala ang kung ano-anong ka-sweet-an naming ni Andrick pati na iyong paglabas na plinano ngayong araw para sa ika-limang buwan naming dalawa. "Hala. . ."

    "Oh, why? I'm sorry, I didn't mean to be that nosy, Miss Cha."

    "Nako, hindi po. Nakalimutan ko po kasi na magkikita kaming dalawa ngayon, nawala sa isip ko." Natataranta kong kinuha ang cellphone at tumambad ang iilang mensaheng mula kay Andrick.

From: Love
4:02 PM
Are you out? Gustong-gusto ko na rin makaalis dito
I am badly missing you

4:30 PM
Okay, I just cant make it
Where is my queen?
I'll wait for you at the resto

Ang Diary ng KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon