Charity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga.
Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ADNK 8
"Pasensya ka na talaga sa istorbo, Miss Charity. Wala rin talaga akong maisip na hingian ng pabor. Kailangan ko lang talaga pagbayarin ang may gawa n'yan sa asawa ko. I'll do the best I can to rush that trial," tuloy-tuloy pa rin ang paalala ni Attorney Louella.
Walang kaalam-alam kasi nitong ibinilin ang asawa niya para bantayan ko. Sabi niya ay isasama niya na lang ang anak para pokus ang atensyon ko sa pagbabantay kay Andrick habang inaasikaso nito ang trial nang nahuling kriminal.
It was a hit and run case, pero dahil nga influential ang abogado ay mabilis itong nahuli. Ngayon ay paniguradong may kalalagyan ang gumawa noon kay Andrick.
Ang kaibahan lang namin ng babae ay mas iniisip ko ang kapakanan ng lalaki. Wala akong pakealam kung sino man marahil ang gumawa noon dahil sa pag-iisip pa lang sa maaaring kahinatnan ng kasintahan ay ukupado na ang utak ko.
Kasintahan.
Am I still validated to call him that way gayong alam kong may sarili na siyang pamilya?
"Wala hong problema, Attorney. All you have to do for now is to win the trial. Magtanda sana 'yang may gawa niyan. . . sa a-asawa niyo po," gagad ko pagkatapos ay ibinaba ang bitbit na maliit na bag sa bedside table na naroon.
"Sana talaga hindi ako nakakaistorbo," pahabol pa ng ginang. "Anyways, kung magutom ka, you can eat anything inside that refrigerator. Mayroon ding mga fruits do'n."
Dininig ko ang lahat ng bilin ng babae hanggang sa makaalis ito. Aniya, nag-aantay sa baba si Lawraent kaya kailangan niya na ring magmadali. Hindi naman daw sila magagabihan kaya hindi rin ako gaanong magtatagal sa hospital.
But I wish I could stay here longer.
Sa halos isang buwan kasing walang malay si Andrick ay hindi ko man lang nagawang makabisita. Nakaratay rito ang lalaking mahal ko samantalang wala akong ibang magawa kundi mag-antay sa maaari nitong pagtawag kapag nagising.
I lived that way for almost a month and I am sick of it dahil mukhang iyon pa ang ikamamatay ko.
I can't help but to worry. Hindi ko mapigilang maisip na baka hindi na muling magising ang lalaki. Na baka huling pag-uusap na namin iyong nagkasagutan pa kaming dalawa at huling mensahe niya na rin sa akin na hindi niya gagawin ang makipaghiwalay.
Natatakot ako sa lahat. Natatakot ako sa maaaring maging kilos. Natatakot ako sa pwedeng kong maging desisyon dala ng sobrang kalungkutan.
Natatakot akong tanggapin ang totoo. . . totoong hindi ko kayang wala ang lalaki sa tabi at tuluyan akong maging selfish. Na imbis na tuluyan ko itong bitawan ay mas lalo ko pa siyang hilain pabalik.
Eto ang unang beses na nakita ko siyang muli. Ang unang beses na nakalapit ako, unang beses na kami lang muling dalawa ng lalaki.
Rumaragasa ang luha ko sa pisngi nang pinili kong haplos-haplusin ang mukha nito. Nanginginig man ang mga kamay ay ramdam na ramdam ko ang kasiyahan sa loob.