ADNK 5: Mi-stress

71 10 9
                                        

ADNK 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ADNK 5

Tanga ako para isiping perpekto ang mga bagay na mayroon ako ngayon. Tanga ako para isiping naipanalo ko ang lahat.

Dahil sa dinami-rami pa ng ikagagapi, sa taong mahal pang hinding-hindi ko maituturing na akin.

"Siya 'yung sinasabi ko, Hon. She's helping our Lawraent in every way possible. I can't thank her enough." Nagtuloy-tuloy ang pagsasalita ni Attorney Louella, hindi matigil ang bibig nito kakabida sa akin na parang isa ako sa mga pinakamahalagang bagay kahit na ang totoo ay kabit lang pala ng asawa niya.

Unang tanong na pumasok sa isip ko nang makita si Andrick na bumaba mula sa kwartong basa pa ang mga buhok: Bakit?

Bakit itinuring ko siyang mundo?

Bakit hindi ako nanigurado?

Bakit inakala kong ako lang ang babae sa buhay ng lalaki kahit ang totoo ay may masaya itong pamilyang inuuwian at ako iyong lintang sisira roon?

Bakit niya ako nilapitan?

Bakit niya ako niloko?

At bakit naman ako nagpaloko?

Pagkatapos ay ginusto ko namang tumawa. Sa limang buwan. . . sa limang buwan na itinuring ko siyang 'akin', sa limang buwan na inakala kong ako lang, sa limang buwan na para akong tangang kinikilig-kilig, nagpapagulong-gulong sa kama dahil sa lalaking pamilyado naman pala?

Hindi ko alam kung ano 'yung pwede kong maramdaman.

Wala sa sarili lang akong nakatitig sa kawalan pagkatapos noon, ngumingiti-ngiti tuwing babalingan ni Attorney at ni Lawraent pero hindi ko naman talaga naririnig ang mga sinasabi nila.

"She's Charity Llegos, Hon." Siniko ng babae ang asawa nang matapos sa pagsasalita. "Hey, 'wag ka namang ganyan sa bisita."

Bahagya akong nginitian ni Lawraent at ginusto ko namang iumpog ang sarili ko kung saan.

Anong kalokohan ito, Charity? Anong kagaguhan at kabastusan ang nangyayari?

"Pasensya ka na, Miss. Masyado talagang isnabero 'yang lalaking 'yan," sabi pa ng babae. Mukhang nahihiya pa nga ito sa kinikilos ng asawa.

Isnabero? 'Yang asawa mo? Eh, hayok na hayok nga 'yan sa sex?!

"No problem, Attorney. Ganyan naman po dapat ang mga may asawa na para walang magiging problema," malambing ko pang sabi. Kailangan ko pa atang hugasan nang hugasan—isang daang beses hugasan ang bibig ko dahil sa mga sinasabi.

"Sinabi mo pa. . ." Sandaling humalakhak ang babae. "I am not lucky for nothing."

Wala siyang kaide-ideya sa lahat at halos isumpa ko ang katotohanang iyon.

Paano nagagawa ni Andrick na lokohin ang babaeng katulad ni Attorney Louella? Iyong babaeng maipagmamalaki niya sa lahat, maalaga, mabait, maganda, responsable sa anak—lahat lahat na!

Ang Diary ng KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon