Charity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga.
Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ADNK 4
"Good bye, Miss!"
Sandali kong itinigil ang pag-aayos sa sarili at kumaway kay Aireen. "Mag-ingat ka, okay? Message me when you got home from school."
Nang makalabas, ang malakas na pagtunog naman ng cellphone ko ang siyang pinagtuunan ko ng pansin.
"Love," bungad ko sa kasintahan sa kabilang linya. Mabuting tumawag ito para malaman kung saan kami magkikita ngayon.
It's Friday. Usually, late na siya umuwi kapag ganito dahil sa Friday night ng mga katrabaho.
"I can't be early tonight. Nagyaya ulit sila, eh." Sorry, love."
Napangiti na lang ako sa pagiging malambing ng lalaki. Nagkaroon na rin naman ako ng iilang boyfriends noon pero wala pa ring makakapantay sa ginagawa ni Andrick sa akin. He seems too perfect. Too good to be true, ika nga.
Nalingat ako nang makitang walang ganang pumasok si Lawraent sa classroom. Mahaba ang nguso nito't alam kong wala sa mood.
"I understand. Drink moderately, okay? O kung pwede pass na muna sa inom. You're driving," sambit ko sa kausap pero hindi na nagawang maialis ang tingin sa bata.
"I'll take a cab, 'wag kang mag-alala."
"That's better. I'll see you late tonight."
Bahagya kong kinawayan si Lawraent. Nagawa niya akong ngitian pero hindi na umabot iyon sa mata.
"Yup, we'll see each other tonight."
Nang maibaba ang tawag ay dali-dali ko nang nilapitan ang bata. Mukhang problemadong-problemado ito at kahit pa ata ano ang gawin ko ay paniguradong hindi ito magsasalita.
"Ice cream?"
Dahan-dahan lang itong umiling sa pagyaya ko. "Chocolates?"
Iling.
"Ramen?"
"I want to go home, Teacher. Palagi na lang wala si Mommy kapag uwian namin. Hindi ko na po alam kung mahal niya pa ba ako?"
Kaagad akong nagulat sa narinig. "What? Paano mo 'yan nasabi?"
Mabilis kong inukupa ang bakanteng upuang nasa tabi ni Lawraent at tahimik itong inantay magsalita.
"My mommy seems really, really tired. Teacher." Hindi pa malinaw at kontreto ang pagsasalita ng bata pero labis ko naman iyong naiintindihan. "Hindi na po siya madalas kumakain. She seems sad pero hindi ko po alam kung bakit."
Attorney Javier is tired? Sad? Ilang araw pa lang noong huli naming pagkikita at hindi ko naman siya kinakitaan ng problema. In fact, kapansin-pansin pa nga ang pagiging madaldal nito.