And that is it, after three looooong years for me, I will make sure to be back in writing. There are a lot of changes, but still, alam niyo po yan. Nasa mga kwentong sinusulat ko ang puso ko. Ilang beses na akong umalis para mas mag-focus sa totoong buhay, sa labas ng Fiction World, pero hindi ko pa rin mapigilang bumalik. . . para sa mga karakter na namumuhay sa isip ko.
Bago ko po ituloy ang kwento, gusto ko lamang pong magbahagi ng iilang pangyayari sa buhay ko (sa labas ng pagsulat). Sa tatlong taon kasi, nagawa kong maka-graduate sa kolehiyo bilang cumlaude na ilang taon ko rin pong pinagpaguran at pinagsumikapan. Pagkatapos noon, ginugol ko ang buong oras sa pagtatrabaho para makapag-enroll sa isang review center na tutulong sa akin para makapasa sa Board Exam, at matapos din ang ilang buwang paggapang ay nagawa ko pong makapasa.
Ang sarap po ng pakiramdam na sabihin sainyong hindi na lamang po ako isang writer na puro pangarap sa buhay; isa na rin po ako ngayong lisensyadong guro.
Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano sinabayan ng platform na ito ang pagkamit sa aking pangarap. Alam niyo po ba, noong kailangan naming huminto sa pagpasok sa pisikal na paaralan at naging online ang mga klase ay ang pagsusulat ang isa sa mga naging sandalan ko.
Sa pagsusulat, nagawa kong makatakas sa magulo at confusing na new normal. Maraming-maraming salamat din po sa patuloy na nagbabasa ng mga kwento kongna-stuck at hindi ko na rin nagawang ma-promote. Nakikita ko po ang bawat votes, ang paglagay sa library o reading list ninyo kaya maraming-maraming salamat po. Huli na ang pasasalamat pero nasa puso ko po palagi ang ginagawa ninyo.
Ang unang walong chapter po ng kwentong ito na nabasa niyo ay isinulat ko po noong 2021 pa. At sa pagbabalik ko po ngayong taon ay napagdesisyunan ko pong ipagpatuloy ang kwento ni Charity kaya sana po ay patuloy niyo pa rin akong masuportahan.
Minabuti ko pnong huwag nang baguhin ang naisulat na at magpatuloy na lamang sa pagsusulat dahil gusto ko rin pong makita natin ang mga naging pagbabago sa aking writing styles, pagsulat, at pag-iisip.
Sana po ay nagugustuhan ninyo ang binabasa. I will make sure to write it as fast as I can para mabigyan kayo ng consistent na update. Maraming salamat po sainyo.
THR - July 16 2024
PAALALA: Ang mga susunod na chapter ay isinusulat ko pa lamang po ngayong taon, magsisimula ito sa Chapter 9.
Scroll up, and happy reading!
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Kerida
General FictionCharity believes that life is all about making choices. Ikaw ang magdidikta, sa kung paano mo gustong pahalagahan ang buhay. Ikaw ang driver ng buhay kaya dapat lang na ingatan mo ang sarili mo't huwag mabangga. Nasasabi nito ang bagay na iyon dahi...