ADNK 1: Charity

104 6 5
                                        

 

ADNK 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ADNK 1

  "Zia, ngiti ka naman d'yan. You're mom will be happy to see you," malambing kong sabi sa bata habang iginigiya ito palabas ng kwartong iyon.

    Ganito palagi ang sitwasyon sa bawat hapon. Hindi ko rin maiiwasang hindi mapangiti sa nag-uumapaw na cuteness ng mga bata. Hindi ko nga lang mahuhulaan ang pabago-bago nilang mood.

    "Hindi naman ako susunduin ni Mommy, Teacher! She's too busy!" pagmamaktol ni Zia. Apat na taong gulang pa lang ito pero rinig mo na ang pagiging mature sa pagsasalita na para bang naiintindihan na nito ang takbo ng bubay.

    "But she loves you. . ." pahabol ko pa nang tuluyan itong nakalabas. Nang lumingon ito ay marahas niya akong nginusuan.

    Nang makita kong naubos na ang estudyanteng nasa loob ay mga upuan naman ang sinimulan kong ayusin.

    "Nako, Miss!" bulalas ni Aireen nang maabutan ako sa ginagawa. "Ako na po d'yan."

    Tinawanan ko ang babae. Sa panahon ngayon, bihira ka na lang din makakakita ng ganito kasipag lalong-lalo na sa mga edad na katulad ng kay Aireen. She's twenty. Pinigilan ko na siya sa pagpa-part time noon pero ayaw niyang magpapigil. In fact, makakatulog din naman itong trabaho niya rito sa kursong kinukuha niya sa college.

    Evening class din ang kinuha niyang schedule kaya pasok sa oras ng pagpasok ng mga Kindergarten dito.

    Tinanggap ko ang babae bilang Teacher Aid sa pangakong uunahin niya ang pag-aaral kaysa sa trabaho.

    She's been really humble. Matalino rin ang babae at goal-oriented. Napaka-ideal na ng babae. Idagdag mo pang mas inuuna niya ang pagtulong sa pamilya.

    Not all twenty-year-old students can do that.

    Lalong-lalo na kung nasa kolehiyo pa. Matinding pasakit, panigurado.

    "Ako na rito. Kailangan mo nang magprepare. You'll be late in your class," sabi ko saka nagpatuloy sa ginagawa. "Saka naglinis naman na 'yung mga bata. I'll be out soon."

    Seryoso kong tinignan ang babaeng itinuturong na ring kapatid, naging madali ang pagkukumbinsi ko rito.

    "Miss pala, nakita ko si Lawraent, mukhang nag-aantay pa rin ng sundo."
   
    Minadali ko ang pag-aayos, sinenyasan ang babaeng mauna na upang hindi mahuli sa klase. "I'll handle everything, alright? Focus na sa studies. Fighting!"

    Nang masigurong maayos na ang kwarto, dali-dali akong magpunta sa Waiting Charter para tingnan ang batang wala pa ring sundo hanggang ngayon.

    "Lawraent?" bungad ko sa bata. Kaagad itong kumaway sa akin at ngumiti.

    Lahat ng bata sa klase ay talagang kasundo ko. Dahil na rin siguro sa hindi ko sinusukuan ang mga ito. All of them are really bright and cheerful. May iilang nasobrahan sa kulit at ligalig pero nagagawa ko pa rin namang i-handle.

Ang Diary ng KeridaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon