𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓞𝓷𝓮

40 0 0
                                    


" Celestina! Ano na naman ba ginawa mo?!" Galit na tanong ni Mom habang pababa ako sa hagdan. Okay parang ang sarap ng breakfast ko ngayon. Ang sermon ni mommy.

Hindi na rin ako nagulat kung bakit umagang umaga ganyan siya, alam kong malalaman din niya ang nagawa ko sa school.

" Look mom, that girl is so annoying! I hate her! " that Tania girl! she always annoys me"Alam ko naman na may gusto siya sa boyfriend ko and i feel bad for her kasi ako ang gusto ng gusto niya and Gab is now my boyfriend.

" Celestina ano ba?! Ganyan ba ang tinuro namin ng dad mo sayo?! What if may nakakita sa ginawa mo?!" Tinakpan ko ang tenga ko habang nagsasalita si mommy. Alam ko ang bastos ko pero sawa na ako sa paulit ulit na sermon niya.Nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko.

" What is your problem Celestina?! Hindi ka ba natatakot na may makakita saiyo? Hindi ka ba natatakot na baka malaman nila na isa kang-

" Freak? Abnormal? Monster? Ano pa ba mom? Tell me? Sa tingin mo ba gusto ko ito? Mommy tell me, Sino ba ang ayaw na maging normal, Sino ba ayaw na katulad ko na maging normal na tao? Mom all i really want is to be a normal!" Hindi ko mapigilan na mapaiyak. There is a hundred billion people in this fckng world bakit ako pa? Bakit sa akin? Do i deserve this?

" Celestina, just listen to me and to your father. This is your last chance wag mo kaming pilitin na ipadala ka sa Celestial " here we go again, Lagi nilang panakot sa akin ang Celestial and i don't know what kind of place is that. Kung totoo ba talaga yan or gawa gawa lang nila para matakot ako.

" Aalis na po ako Mommy" pag iiba ko ng topic. Pagod na pagod na akong marinig sa kanila ang Celestial na yun, and i am not interested. Yinakap niya ako sabay kiss sa akin.  Kahit galit at napakapasaway ko never ko naramdaman na nawala yung pagmamahal nila sa akin.

" Ingat Celestina! Be a good girl" paalala niya sa akin. Alam ko gusto lang akong protektahan nila pero hindi ko maalis yung galit ko dahil ganito ako, Wala naman kasalanan sila mommy at daddy dito and for sure hindi nila ginusto ang maging ganito ang anak nila and hindi ko lang maintindihan bakit ako pa?

" Kuya tara na po" sabi ko kay kuya edgar na driver namin.

" Alam mo Celestina mahal ka lang nila kaya ganun sila saiyo" napatingin ako kay Kuya edgar habang nagmamaneho " Ganun naman talaga ang magulang, ayaw mapahamak ang kanilang anak" alam ko nag aalala din si kuya edgar sa akin tinuturing na din ako ni kuya edgar na para niyang anak, and kuya edgar already know what i am.

---

After an hour nakarating na kami sa school ko. Nagpaalam na ako kay kuya edgar, pagkarating ko sa lecture room biglang nangdilim ang aking paningin. Lumapit ako kaagad sa dalawang naghahalikan.

" Hey btch! That's my boyfriend!" Tinulak ko si Tania palayo sa boyfriend ko at isang sampal ang binigay ko sa kanya.

" Celeste stop it! " sigaw sa akin ni Gab. Nagulat ako sa ginawa niya. Never niya akong sinigawan at ipinahiya sa maraming tao.

" Gab? Why? " naiiyak kong sabi. Hindi ko inisip na aabot kami sa ganito, na lolokohin nila ako.

" you know what Celestina? Matagal ka na naming niloloko, Gab and I were on a relationship bago pa naging kayo" tiningnan ko ng masama si Tania.

" Gab pwede pa natin pag usapan ito, Hiwalayan mo si tania papatawarin kita" pagmamakaawa ko. I really love Gab.

" So ngayon nagmamakaawa ka na? Sa tingin mo ba susundin yun ni Gab? Celestina ako ang mahal ni Gab hindi ikaw " tiningnan ko ng masama si tania, hindi ko inialis ang tingin ko sa kanya. Kailan ba mawawala ang babaeng ito? Lagi na lang siya panggulo! I hate you Tania!

" AHHHHHHH " sigaw ni Tania. Unti unting nagyeyelo ang mga paa ni Tania.

" Celeste! Anong ginagawa mo!" Sigaw ni Gab. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa braso.

" Celestina!!" Nagsigawan na rin ang mga ibang studyante sa paligid.

" Hey Celeste! Watsup!" Nagulat ako ng may umakbay sa sa akin, kaya hindi ko natuluyan gawing yelo si Tania. Dahil naagaw niya ang atensyon ko.

" Stop it, Celeste" bulong niya sa akin sabay pitik ng kanyang kanang kamay kasabay nun ang pagtumba ni Tania sa sahig at agad naman siyang inalalayan ni Gab. Tunaw na ang yelo sa paa niya. Unti unti namang tumulo ang luha ko nang makita ko silang dalawa.

" Gab " tawag ko, alam ko ako ang mahal niya.

" Okay everyone, Wala kayong nakita. Imagination niyo lang iyon" sigaw ng lalaki at bigla naman akong may naramdaman na kakaiba sa paligid. Parang  may bumabalot na kapangyarihan sa paligid.

" Tania anong nangyari saiyo? Ba't basa ka?" Tanong ni gab. Nakatulala lang ako sa kanila. Nasasaktan ako sa nakikita ko.

" Hindi ko din alam, basta ang lamig ng pakiramdam ko para bang nabalutan ako ng yelo" pagtataka ni tania

" Let's go " sabi ng lalaki sabay hila niya sa akin. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kaninang magkaharap kami dahil ang buong atensyon ko na kay Gab at Tania. Tumulo na naman ang luha ko. Nasasaktan ako.

" Tss! Don't cry, hes not worth it " cold niyang sabi

Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko na lang kung saan niya ako dalhin.

Dinala niya ako sa garden ng school namin.

" of all places in my school dito mo pa talaga ako dinala " sabi ko sa kanya " alam mo ba na dito ko siya sinagot? This is our favorite spot" dagdag ko

Naghintay ako kung may sasabihin siya pero ni isang salita wala akong narinig.

" i love him, Hes the only one who understand me, hes the only one who accept me. I really love him but......why did he do this to me? Why??" Nakatulala ako sa kawalan habang sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko, maybe i dont know who is he but i dont care. Gusto ko lang may mapagsabihan ng nararamdaman ko. Gusto ko lang ilabas ang nararamdaman ko... Ang sakit at galit na nararamdaman ko.

" Here " inabutan niya ako ng panyo

" Thank you " sabi ko sabay kuha ng panyo. Hanggang ngayon hindi parin ako tumitigil kakaiyak, hindi ako makapaniwala na iiyak ako ng ganto para sa lalaki.

" We don't meet people by accident theres always a reason, maybe its a lesson or a blessing" sabay yakap niya sa akin sabay nun ang paglabo ng paningin ko.

----

Celestial Academy : Love Conquers All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon