Chapter 21

2.2K 82 1
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Wala kaming pasok ngayon kaya dating gawi tutulong ako kay Mama sa trabaho nya dito sa mansyon. Di naman porke mabait sila sakin magbubuhay Prinsesa na din ako. Ayokong abusohin ang kabaitan nila sakin kaya kahit sa ganito sana nababayaran ko kahit kunti.

"Ashley Nak, bakit di ka pa nagbibihis at naliligo ngayon?"

Napatigil ako sa ginagawang pagdidilig ng halaman ng magsalita si mama sa likod ko.

"po? May pupuntahan po ba tayo? Saglit lang, Ma"

Ani ko dito at dali daling pinatay yung hose at tatakbo na sana papunta sa loob ng pigilan ako ni mama. Hinawi pa nito ang ilang hibla sa mukha ko at inipit sa likod ng tenga ko.

"Dalagang dalaga na ang anak ko. Mukhang malapit na magboyfriend"

Nagtataka man ako sa kilos ni mama at napatawa na din ako at yumakap sa bewang nya.

"Ma, naman kahit magkaboyfriend pa ako no. Andito parin ako sayo. Ganda ko Ma no? Syempre mana ako sayo."

Paglalambing ko dito at tuloyan ng yumakap dito na sinuklian naman nya ng yakap din.

"Oh sya. Maligo kana at amoy pawis kana. Diba at maylakad kayo nila Zepro. Pinagpaalam ka pa ng batang yun sakin kagabi. Nagpaalam na din kung pwede ka daw ba ligafhfkfkfkf"

Hindi ko na narinig yung huli dahil habang nagsasalita si mama lumalayo sya kase sya na ang gumagawa nung pagdidilig. Nagpaalam Kung pwede ba liga-? Ano daw?
Pero speaking of lakad nakalimutan ko isasama nga pala nila ako sa shopping shopping nila.

Pagpasok ko saktog pababa ng hagdan si Cane at halatang kaliligo lang nito kahit na pa tuyo na buhok dahil sa blower.

"Ate Abo? Bakit di ka pa bihis? Bawal kang di sumama eh.."

Parang batang maktol nito at bahagyang tumakbo palapit sakin.

"Sorry nakalimutan ko. Pero magshower na ako habang nagbreakfast kayo. Nagkape naman na ako."

Pagpapaliwanag ko dito na agad naman kinaliwanag ng mukha nito.

"Just a cup of coffee, A? Are you serious?"

Sabay kaming napalingon kay Zepro na pababa na din ng hagdan. Bumulong sakin si Cane na una na daw sya kaya tumango ako. Una nyang pinuntahan si Zepro upang mahalikan sya nito sa noo saka ito nagtuloy sa kusina.

"Eh sorry. Nakalimutan ko kase na sasama nga pala ako, Honey"

Medyo kinabahang ngiting paliwanag ko dito. Bahagya pa akong nagkamot sa pisngi ko.

"Tsk. Go on take a shower."

Sabi lang nito at saka sumunod na din kay Cane sa kusina. Kaya syempre totoong maliligo na ako baka kase may sumulpot pang kung Sino naman.
Nag suot ako ng black square pants at White t-shirt na fit sakin tapos nakasakop sya dun sa square pants. Hindi na rin ako nag abalang magpusod ng buhok dahil basa pa ito. Wala akong blower. Paganda naman ang buhok ko medyo wavy sa dulo. Hindi na rin ako nagtagal dahil nakakahiya naman kung pag aantayin ko sila. Paglabas ko nga sa maids room kung saan kami ni mama parang tahimik na. Pumunta akong kitchen pero wala narin sila doon. Iniwan na ba nila ako? Sayang naman ang bihis ko.

"Ashley sa labas inaantay ka si Sir Zepro."

Nakangiting sabi sakin ng isa pang kasambahay na kaedad siguro ni mama.

"Salamat po"

Ngiting pasalamat ko dito saka naglakad palabas. Zepro lang? Nakakahiya umalis na yata ang iba tapos ako inantay nya. Paglabas ko nga ng malaking pinto ay naroon nya nakasandal sa magara nyang kotse at may hawak na clear pack. Agad na nagsalubong ang mga mata naman na nagpabilis ng tibok ni heart ko.

"Hop in. Nauna na yung iba"

Sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse nya para sakin. Hindi naman sya mukhang galit sa pinag antay ko sya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pag kaupong pag kaupo ko kinabit ko agad ang seatbelt dahil baka sya pa ang magkabit at malagay na naman ako sa sitwasyong hindi ko maintindihan kung tumitigil ba sa pag tibok ang puso ko o bumibilis.

"Here"

Napakurap ako ng mata dahil pag kaupong pagkaupo nya inabot nya sakin yung clear pack na dala nyo na may lamang kung di ako nag kakamali dalwang sandwich.

"po? Para sakin po?"

Syempre baka pinapahawak lang kase mag dadrive sya.

"Yes. Nagkape kalang kanina Ashley at yan lang kaya ko gawin ng madalian. Next time eat breakfast"

Napalunok ako dahil sa bukod na tinawag nya akong Ashley at hindi 'A' subrang sungit pa ng itsura nyang medyo nakakunot ang noo.

"Ah.. eh.. opo"

Ayan na naman sya sa pagsusungit nya. Di ko alam kung nag aalala ba talaga sya o ano. Nag-aalala in masungit way?
Napaayus ako ng upo ng bago nito start ang kotse at sumulyap pa ito sa akin.
Sabi ko nga kakainin ko na.
Pag open ko palang di ko maiwasang mapangiti sa kaalamang sya mismo ang gumawa nito ayun sa kanya.

Hmm... para syang sandwich ng mayayaman na kung ano anong palaman. May gulay pa nga eh. Hilaw na gulay which is di ko talaga gusto pag di luto.
Sumulyap muna ako sa kanya at mukha naman busy sya sa pagdrive kaya maalis ko yung gulay. Hehe

"Don't you dare."

Natigilan ako at sumulyap sa kanya sa gilid ng mata ko hindi sya tumitingin sakin pero kita kong humigpit ang hawak nya sa manibela. Saglit pa syang lumingon sakin ang saka nagbuntong hininga.

"Eat the vege A, trust me hindi yan mapait"

Napabuntong hindi nga nalang din ako sa burger nga inaalis ko yung cabbage eh. Pero kase nagsabi na sya ng "trust me"
Alanganing kumagat ako napatango tango nalang ako ng hindi nga naman mapait. Saka ang sarap nitong gawa nyang sandwich ah. Pagsulyap ko ulit sa kanya kita kong bahagyang nakaangat ang sulok ng labi nya ibigsabihin ay nakangiti sya.

Nagpatuloy ang byahe ng walang umiimik saming dalwa at ako ay patuloy sa pagkain nakakalahati ko na yung isang sandwich ng mapansin kong panay ang sulyap nya sakin.
Hindi ko alam kung ano na namang naisip ng malikot kong kamay at bigla ko nalang nilapit sa bibig nya yung sandwich na kinakain ko.
Kita kong natigilan sya napatingin sya sa sandwich tapos sa kalsada tapos sakin.

"Ba-baka po nagugutom ka rin kase"

Nakakahiya ka talaga Ashley!
Hindi ko na mabawi yung kamay ko at sana hindi nya tanggihan yun dahil masnakakahiya.
Bumuka ang bibig nya para ata magsalita kaya napapikit ako para medyo iwasan ang hiya. Ayan na rereject nya na ang alok ko. Pero naramdaman ko nalang na parang gumalaw yung sandwich na hawak ko.

"Oh, it taste better than before."

Tila na aaliw na komento nito habang nginunguya ito sa bibig nya at sa kalye lang nakatingin.
Nagbawi na ako ng kamay at napatitig sa sandwich saka ko lang narealize na yung nilahad ko sa kanya ay yung sandwich na may kagat ko na. Another kahihiyan Ashley ano ba! Ang tanda tanda mo na!

"I want another bite"

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon