UNEDITED
Ashley's POV
Today busy kaming lahat ako kase tumutulong sa mga gawain. Birthday kase ngayon ni Zepro at nakakahiya kase wala akong regalo samantalang silang magkakapatid pati magulang nila laging may regalo sakin.
"Ma, bakit po?"
Pagtatalang tanong ko kay Mama ng makita kong lahat ng kasamabahay dito nagsitigil sa ginagawa. Yung iba pumasok na sa maids quarter.
"May mga taong dumating sabi ni Ma'am Flame sila na daw bahala sa gawain. Magsipagbihis daw dahil imbitado din tayo sa birthday ni Zepro. Napakabuti talaga ng mag-asawang yun"
Sabi sakin ni Mama habang hinahatak na ako papasok sa kwarto namin.
"No, Nay!"
Napatigil lang kami paglalakad sa pagsigaw ni Hurri kasama nya si Ate Chloe at parang pagod na pagod sila.
"Anong nangyari mga anak?"
Nag-aalalang tanong ni Mama dito dahil pawis na pawis itong dalwa.
"Si Ate Abo po kase kanina pa namin hinahanap. Pag nagtatanong po kase sasabihin nasa kusina. Pagdating namin kusina nasa garden daw tapos pagdating namincsa garden.... hayyyysss"
Natawa nalang ako kase pati pagpapaliwanag nito hinihingal na din sya. Ang bilis kase magsalita
"Yeah. We've been looking for her po. Baka malate kami hapon na oh."
Dagdag naman ni Ate Chloe. Malate sa ano? Maglakad ba kami? Birthday ni Zepro aalis sila?
"Ha? Saan ba tayo pupunta?"
Takang tanong ko sa mga ito dahil clueless talaga ako.
"Ate Abo naman birthday ni kuya ko kaya dapat maganda tayo."
Tila nawala ang pagod ni Hurri at naexcite na naman.
"That's right we're going to give you make over!"
Patiling sabi naman ni Ate Chloe. Wala sa sariling napayakap ako sa sarili kong katawan.
"Ha? Ano... wag na saka wala akong masusuot."
Pagrereklamo ko pero nagsimula na silang dalwang hilahin ako. Tiningnan ko si Mama ng nanghihingi na tulong pero nakangiting tumango lang ito sakin. Mama ko!!!!
"Kami na bahala ate Abo."
Sabi pa si Hurri habang paakyat na kami ng hagdan.
Sa kwarto kami si Hurri pumasok na puro pink at parang pangprinsesa talaga."Ayan kumpleto na tayo!"
Excited na salubong samin ni Ate Tammy. Nakasuot ito ng bathrobe.
"Let's start na. Magshower na tayo"
Sabi ni Ate Chloe matapos ilock ang pinto baka siguro tumakbo ako grabe naman.
"Teka! Teka! Sabay sabay tayo liligo?"
Napatingin sila sakin tatlo na parang sinasabing "Ano naman ngayon?"
"Seryoso?"
Di makapaniwalang tanong ko. Natatawang hinagis sakin si Ate Tammy yung isa pang bathrobe.
"Malaki naman ang bathtub ko Ate eh."
Nakangiting sabi ni Hurri na kumuha natin ng bathrobe. Seryoso nga sila!
Kaya kahit naiilang ako sumunod nalang ako wala naman akong magagawa eh.
Pagpasok namin sa Bathroom ni Hurri kahit ilang beses ko na itong napasok namamangha parin ako sa laki nito.Naglublub kami sa bathtub nya na puno ng gatas may perals pa ng red roses na nakalutang. Wow! Feeling ko tuloy sosyal na din ako totoo palang malambot sa balat ang gatas. Di nakatagalan nag-enjoy na din ako sa mga pinag-uusapan namin nagpicture picture pa kami.
BINABASA MO ANG
Mr.Grey's Progenies
VampireHow does it feel to be one of the Greys Property? (Second Gen.) Date Started: May 9 2020