UNEDITED
Ashley's POV
"Ate abo I'm thirsty."
Nakangusong reklamo ni Hurricane. Pagkaupong pagkaupo namin sa swings dito sa ilalim ng puno sa garden nila.
Magkalaro kami palagi ni Baby Cane 5 na sya."Sige kukuha muna ako ng iinomin saka ng..."
Tumingin ako sa kanya at kita kong nagniningning ang mga mata nya.
"Cookies!"
Sabay naming sigaw at nagpatawa na din. Matapos yun ay umalis na muna ako. Hindi naman masyadong malikot si Baby Cane para nga syang hindi 5 eh.
"Nay! Nay! Gusto po ni Cane ng Cookies at nauuhaw na din po."
Pagsasabi ko sa nanay ko na busy sa kusina .
"Ganun ba. Sige dalhin mo na itong cookies at ako na ang magdadala ng maiinom nyo doon. Wag masyadong malikot ok?"
Tumatango tangong inabot ko yung lagayan na may cookies. Palabas ako ng kusina ng saktong may ateng maganda na pumasok ng bahay. Nakangiting lumapit ito sa akin
"Hi Baby Ash, Where's Mommy Flame?"
Napakurap ako ng ilang beses dahil parang pamilyar sya sakin.
"Chloe!? Sabi ko na nga ba ikaw yan!"
Biglang sigaw ni Nay Flame mula sa taas.
"Wife don't run!"
Third Person's POV
"Wife don't run!"
Nag aalalang saway ni Zeus sa asawa nya ng tumakbo ito pababa. Naramdaman nila ang pagpasok ng kung sinong bampira kaya sila napalabas.
Ramdam din yun ng nga anak nilang lalaki na ilang sandali lang ay pababa narin ng hagdan.
Napuno ng pagngungulila ang mga mata ni Zack ng makita ang babaeng limang taon na nawala sa tabi nya."Chloe, napaaga ata ang uwi nyo?"
Pagtatanong ni Flame habang kumakalas sa yakapan nila.
"Kuya Can't wait to see."
Natatawang sabi nito na dalagang dalaga na ang tindig ngayon. At sya namang pagpasok ng seryosong si Sebastian na binigyan ng masamang tingin ang kapatid nya. Sunod na lumapit si Chloe kay Zepro at nagyakapan din.
Samantalang sa isang tabi ay hindi maunawaan ni Ashley kung bakit parang naiinis siya. Yung pakirandam nya na kaaway nya si Chloe kahit wala naman itong ginagawa sa kanya.
Huling nilapitan nito si Zack na mahigpit na yakap agad ang sinalubong sa kanya. Paulit ulit din nitong hinalikan ang kanyang buhok.
"I miss you."
Malambing sa bulong ni Chloe kay Zack habang patuloy lang ito sa paghalik sa ulo nya.
"I miss you too. So much!"
Tila ng gigigil na sagot nito at mashumigpit ang yakap kay Chloe.
Samantalang nakayukong dumaan sa isang tabi si Ashley upang balikan na si Cane sa garden. Hindi naman nawalay sa mata ni Zepro ang malungkot na mukha ni Ashley.Patuloy lang na lumabas si Ashley at bumalik kung nasaan si Cane na ngayon ay nakaupo na sa damo at may kung anong binubulong sa hawak nitong bulaklak.
Walang lakas na naupo sya sa swing na kasya dalwang tao tahimik na pinanuod nalang nya si Cane na hindi nya mawari kung ano ano bang sinasabi.
Hanggang sa..."KYAAAAHHH!"
Sabay nilang sigaw na dalwa. Sigaw si Ash dahil sa gulat samantalang napasigaw si Cane dahil sa tuwa.
Samantalang sa loob ng kanilang bahay."What the f*ck! is that Hurri/Ashley!?"
Sabay na napatayo at napamura din si Sebastian at Zepro at nauna ng tumakbo papunta sa garden kung saan nandoon ang dalwang mga bata.
Naabutan nilang tulala si Ashley na nakatayo at medyo nakaawang pa ang mga labi nito.
Habang si Cane naman ay nakacross arms at pabalik balik na lumalakad sa harap ng rose na halos kasing laki na nya. Sa porma nito ay tila ng iisip ito."D*mn that cuteness."
Mahinang mura ni Sebastian na parang si Cane lang ang nakikita.
"Ash, baby are you ok?"
Agad na lapit si Zepro kay Ash dahil parang alam nya na kung anong nangyari na kinagulat nito.
"Ho-Honey, yu-yung bulalak po Lu-lumaki bigla"
Agad na napatingin si Zepro sa kanyang ama na tinanguan agad sya. Kaya dali nyang kinarga si Ashley at pinasok sa loob ng bahay.
"What happened princess?"
Pagtatanong ni Zeus sa bunsong anak na agad napatigil sa ginagawa nitong pagbabalik balik maglakad.
"Daddy, Nakalimutan ko po kase agad yung mga sinabi ko para lumaki yung bulaklak eh. But look dad! Ang galing ko diba po?"
Nang una ay nakanguso itong nag susumbong sa daddy nya pero ng huli ay puno ng pagmamalaki. Tinangka pa nitong buhatin ang malaking bulaklak pero napanguso din ng hindi magtagumpay.
"Oo naman baby! Ang galing mo. Halika dito may papakilala ako sayo."
Excited na inakay ni Flame ang anak palapit sa tulala at ngayon ay kinakabahang si Sebastian.
"Baby ko sya si Sebastian. Anak ni tita Mandy and ito Sage mo."
Bahagyang tumagilid ang ulo ni Cane para mas pagmasdan si Sebastian. Pero kalaunan ay napakunot din ang noo dahil matangkad ang kaharap nya.
Tinaas ng bata ang dalwang kamay na wari'y nagpapabuhat.Nais man syang buhatin agad ni Sebastian pero sinalubong nya muna ang may bantang tingin ni Zeus. Pero kalaunan ay tumango ito sapagkat alam nyang wala din syang bagagawa kung sila ang nakatadhana.
Puno ng pagmamahal na binuhat nya sa bisig nya si Cane at pinakatitigan ang mukha nito. Lalong nagpakaba sa kanya ng hawakan ng maliliit nitong kamay ang magkabila niyang pisngi.
"I like your Eyes po."
Nakangiting sabi nito na lalong nagpawala sa sistema ni Sebastian. Ngayon lang nangyari sa kanya na mailang sa titig ng babae. At ang nakakatawa pang tingnan ay isang bata ito.
Matagal syang tinitigan ng bata habang nakahawak sa pisngi nya pero hindi nya masalubong ang mga mata nito. Muli nya lang tiningnan ito ng naramdaman nyang dahan dahan nang naaalis ang kamay nito sa pisngi nya.
Seryoso na ngayon ang mukha ng batang si Cane kumawag kawag din ito sa bisig ni Sebastian kaya walang nagawa ang binata kundi ibaba ito kahit na gusto pa nya itong yakapin.
Maluha luhang lumapit si Cane at nagpakarga sa kanyang ama. Napuno naman ng pagtataka si Sebastian."Bakit baby ko?"
Malambing na tanong ni Flame sa anak na nakasubsub sa leeg ng ama habang kalong kalong nito.
"I hate him mom! May iba po kausap sya babae. I saw it mom!"
Nagwawalang sabi nito na tuloy na din sa pagluha ang mga mata. Halos malaglag naman ang panga ng lahat sa sinabi nito. Hindi sila nagtataka kung paano nito nalaman dahil pure witch ito ng isilang ang kinabigla nila ay ang pagiging possessive din nito na nananalaytay sa dugong Grey.
---
Sorry kung ngayon lang.
Nagkabagyong Ambo kase tapos tatlong araw na walang kuryente dito saminSalamat pala sa 1k+ reads!
Pavote na din.Enjoy Reading!
BINABASA MO ANG
Mr.Grey's Progenies
VampireHow does it feel to be one of the Greys Property? (Second Gen.) Date Started: May 9 2020