Chapter 8

5.6K 164 5
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

"Ash, come on try this one."

Excited na tinutulak ako ni Ate Chloe papasok ng banyo dito sa kwarto nya sa bahay nila Nay Flame. May mga binili kase syang dress para sakin kahit ayoko ng mga dress napipilitan akong suotin. Parang summer dress sya na may mga flowers ng design kase plano nila na magbeach sabi ko nga di ako sasama pero magtatampo si Nay Flame.

"Wow! You look so dalaga na talaga Ash. Magugustohan yan ni Zepro"

Napakunot naman ang noo ko dahil lage nyang nababanggit sakin ang pangalan ni Zepro.

"Ah... eh.. Tingin mo ate gusto ni Hone-Kuya Zepro yung nakaganito?"

Nahihiyang tanong ko dito na agad napa angat ng tingin mula sa mga damit na pinamili nya. Napayoko ang ng may mapanukso itong ngiti sa labi nya.

"Yiiiieee. How old are you again?"

Nanunuksong tanong nito sakin at tinanggal pa ang pusod ng aking buhok.

"15 na po"

Tugon ko dito habang tinutulak nya na ako papunta sa harapan ng salamin.

"You look so dalaga na talaga. You should wear dress more often."

Sabi nito mula sa likod ko habang inaayus ayus or ginulo nya ata yung buhok ko. Meron kasing ilalagay nya sa harap pan ko or sa likod lang. Tapos medyo ginugulo na iwan.

"Oh my! The boys are here na."

Napakunot ang noo ko dahil mula sa salamin kita ko kung paano sya natigilan na tila ba maynarinig. Samantalang ako wala? Ganun kalakas pandinig nya para malamang andyan na sila.

"Let's go. I'm so excited to go."

Halata ang excitement dahil hinatak nya nalang ako palabas.

"Ate.. kase.."

Di ko na masabi na hindi pa ako nakakapagbihis. Yug dress suot ko parin, hatak hatak nya na ako pababa ng hagdan.

"What the hell Chloe! Be careful."

Parang maykumirot sa puso ng mababakas ang pag-aalala sa boses ni Zepro ng makita nya kami ni Ate Chloe.

"Sorry Zepro. Mate!"

Pagkababang pagkababa namin ng hagdan ay agad nadinamba ni Chloe si Kuya Zack. Pero ang mga mata ko ay nakasunod parin kay Ate Chloe. Maganda sya kaya hindi nakakapagtaka na gusto sya ni Kuya Zack. At sawari ko ay gusto din sya ni Kuya Zepro.

Saglit kong pinadaanan ng tingin si kuya Zepro at labis na kina kirot ng aking dibdib ng malitang sa magkayakapan na si kuya Zack at Chloe din sya nakatingin. Bakas ang selos sa mga mata nya, alam ko ang ganoong tingin dahil yung din ang nararamdaman ko.

Alam kong bata pa ako pero sa edad kong ito naman normal na yung magkagusto. Sad to say lang na yung gusto ko may iba ng gusto.

"Hey, You look nice on that dress A. But you don't need to wear that just to impress him."

Nanigas ako sa kinatatayoan ko ng malamig na sabi nya ito bigla sa akin habang dumadaan sa tabi ko. Rinig ko ang bakas ng pag-akyat nya sa hagdan pero hindi ko na sya sinulyapan pa.

"Ashley let's go na. Kunin mo na mga gamit mo aalis na tayo."

Nakangiting pag-aaya sakin ni kuya Zack kaya nakuha ako nito mula sa malalim na pag-iisip. Tipid na ngiti nalang ang sagot ko at walang lakas na nagpunta sa kwarto kung saan ako natutulog.

Nagpaalam na din ako kay Mama. Kunti lang naman ang dala ko kaya sa isang backpack ko lang nilagay. Dahil tatlong araw at isang gabi lang naman daw kami doon. Tulalang palabas parin ako ng mansyon papuntang sasakyan ng may umaagaw sakin ng backpack ko.

Seryosong mukha ni Zepro ang nag aalis nito sa likod ko. Wala syang kahit akong emosyon at hindi manlang sinasalubong ang mga mata ko. Matapos nitong makuha ang bag ay masnauna na itong lumabas sa akin tangay ang bag ko.

"Ash sa likod ka daw."

Sabi sakin ni Kuyang driver dahil ako nalang pala ang wala pa sa sasakyan. Natigilan pa nga ako saglit ng pagpasok ko sa sasakyan ay si Zepro pala ang makakatabi ko. Pero tulad kanina ay hindi manlang sya nag abalang tapunan ako ng tingin. Masakit pero hinayaan ko nalang din at tahimik na umupo sa tabi nya.

Tahimik ang buong byahe kaya medyo nakakaantok sya. Napatuwid ako ng upo ng wala sa oras ng maramdaman ko ang ulo ni Zepro sa balikat ko.

"Can I?"

Inaantok na boses na paalam nito. Dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ay di ko na alam kung nakita nya ba ang pagtango ko.
Pasimple ko din sinulyapan ang space sa tabi nya kung saan nandoon din ang bintana. Nakita kong nandoon ang bag nya at ang sakin.

Lihim akong napangiti pero ayokong mag assume na ginawa nya yun para makalapit sakin. Dahil pwede naman na sa pinakang likod ang gamit namin at sa bintana sya sumandal.
Ialng sandali pa ay napaawang ng bahagya ang aking bibig na pumulupot na din ang dalwang braso nito sa bewang ko. At ang mukha nito ay sumubsob na sa leeg ko.

"I'm tired hon..."

Mahinang bulong nito sakin kaya napakagat ako sa aking ibabang labi.
Hon!? Hon daw!? Ashley wag ka malandi bata bata mo pa.
Pero kase ang sarap sa tenga nung pagkakabigkas nya.

Buong byahe ay ganun ang pwesto namin. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng ngalay. Namalayan ko na ngalang na nakatulog din pala ako. Pero nakasandal ang ulo ko sa may bintana ng sasakyan pero may unan doon. Habang si Zepro ganun parin ang pagkakayakap sakin.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun ng hindi ako nagigising. Pero di ko na rin masyado inisip ang nasa inisp ko nalang sa byahe palang sulit na.
Mas nauna panga akong magising sa kanya at hindi ko alam kung paano sya gigisingin. Dahil kami nalang dalwa dito sa sasakyan. Kaya mahagyan ko nalang tinapik ang balikat nito.

"Hmmm."

Ungot nito at imbes na kumalas ay lalong humigpit ay yakap sakin. Kainis Ashley gisingin mo! Enjoy na Enjoy ka girl!
Kase naman...
Isang beses ko pa ulit na tinapik ang balikat nya.

"Hon pls.."

Pigil na pigil ako sa pagtili dahil tila ba nagsasabi ito na wag muna akong umalis.

"Pe-Pero andito na po tayo, Ho-Honey"

Ang bango ni Kuya!
Ilang saglit na wala syang tugon pero kalaunan ay bahagya itong nag angat ng ulo.

"I slept well, Thank you A"

Muntik na akong mapasimangot ng A na ulit ang tawag nito sakin. Asan na yun Hon? Paasa!
Pilit na ngiti lang ang tugon ko dito na hindi narin siguro nito napansin dahil agad nya kinuha ang mga gamit namin. Pero still gentlema sya at inantay ako sa labas ng sasakyan para sabay kami sa pagpasok sa bahay na tutuloyan namin.

----
A/N: Sorry sa mga typos at wrong grammars. Di ko na kase binabasa, saka sorry sa late updates

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon