Chapter 31

2.3K 81 13
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Matapos mag-almusal hindi na pumayag pa si Hurri na magpababa kami ng kinain. Dahil nga bunsong kapatid hindi na din maka hindi ang mga kuya nya kase nag-aalburoto na sya. Dalwang tao sa bawat sa saksakyan at puro lalaki ang driver dahil syempre boyfriends sila eh. Yung kambal naman na si Brix at Brent ay sa pyer na kikitain ganun na din si Kuya Max.

Naexcite pa akong magbyahe ng lahat ng kotse yung natitiklop ang bubong. Gustong gusto ko talaga makasakay sa ganun parang exciting kase. Mararamdaman mo yung hangin. Kyaaahh!

"I have few words for you, Baby"

Biglang sabi ni Zepro habang kinakabit ang seat belt ko at ang istrikto ng boses nito. Kaya naman nag-abang nalang ako ng susunod na sasabihin nito. Umayos muna ito ng pwesto at humawak sa manibela.

"I know that you've been watching kdramas and cheesy love stories but don't.you.dare.stand while I'm driving. Wag mong gagayahin mga napapanuod mo sa mga roadtrips sa movies. I'm warning you Ashley I know you. pare-pareho kayo ng iniisip nila Hurri at Chloe."

Halos mapanganga ako sa mga sinabi nito. PAANO NYA NALAMAN ANG INIISIP KO!? Nakasimangot na tumango nalang ako kase I'm sure naman sila Hurri di din pinayag. Hahaha iba talaga pag over protective ang boyfriend.

Matapos yun nagsimula na ang byahe ang unang plano talaga isang sasakyan lang gagamitin pero ewan ko ba. Baka nagyabangan na naman sila ng mga bagong sasakyan.
Sa may gilid ko lang ako nakatingin kase dinadama ko yung hangin.

"A, wear this"

Napabaling ako kay Zepro may suot na itong itim sa sunglass at inaabotan din ako nito ng isa pa. Sinuot ko na din kase medyo may buhangin ngang tumatama. Ang cute naman namin parang ang astig tingnan. Napatingin ako sa gilid namin ng may nag busina doon. Kumaway sakin si Ate Chloe nakasunglass din sila kaya kumaway na lang ako pabalik.

"Ang galing naman. Para parin tayong yung mga nasa movies"

Wala sa nariling nabulalas ko nalang na siguradong narinig ni Zepro dahil ng bumalik ang tingin ko dito ay nakangiting umiiling ito kahit nasa daan ang tingin.
Pero masmalawak pa siguro ang naging ngiti ko ng hawakan nito ang isang kamay ko at isang kamay lang ang gamit pagdadrive.

Isang oras at kalahati lang ata ang naging byahe at nakarating agad kami sa pyer kung saan ang daming naggagandahang mga yate. Wow nalang ang tanging nasambit ko pagkababa ko di ko na nga namalayang  nakakulong na pala ulit ako sa bisig ni Zepro pagkababa hawak sa bewang ko. Clingy but I like it

Nadaanan namin si Kuya Seb at Hurri sinusuklay ni Kuya Seb ang buhok ni Hurri gamit ang kamay nya. Ang sweet talaga pero di na ako inggit this time may sweet na boyfriend na din ako eh. Masungit lang minsan.

Lumapit si Zepro sa nga taohan na parang nag-aantay samin. Limang kalalakihan ito na medyo may edad na magkakapareho ng suot uniform siguro. Dahil nga hawak ako sa bewang ni Zepro kasama nya ako humarap dito.

"Good afternoon po Sir"

Sabay sabay na bati ng mga ito at ang boyfriend ko balik seryoso na naman ang mukha.

"Maayos na po ang lahat pwede nyo na po sakyan. Marami na din pong stock na pagkain."

Nakangiting sabi ng parang pinakang katiwala pero ang masungit kong boyfriend tumango lang dito.

"Salamat po mga Kuya"

Nakangiting pasalamat ko sa mga ito ng mapansin kong wala atang balak magsalita si Zepro at tumitingin tingin lang sa paligid. Ngumiti naman sakin sila manong yumuko muna silang lahat bago umalis.

"Hoy ikaw! Sungit mo kila manong."

Bahagya ko pang siniko si Zepro sa tagiliran para maagaw ang atensyon nito.

"What? Wala naman akong sasabihin sa kanila"

Masungit din na sagot nito sakin. Aba! Pati ako sinusungitan din.  Inirapan ko nalang sya mauuna na sana ako maglakad palapit kila Hurri pero mas humigpit ang hawak nito sa bewang ko. Kaya ayun baliwala ang pagwalk out ko sana sya parin nasusunod.

Lumapit kami kila Hurri na nakatayo sa may bubong naman na place. Wala pa kase ang kambal kaya nakasimangot na naman si Hurri.

"Psstt. LQ?"

Mahinang bulong sakin ni Ate Tammy na nasa kabilang tabi ko. Alam ko naman na narinig din yun ni Zepro dahil nakahawak parin sya sa bewang ko.
Pilit at tipid na ngiti nalang ang sagot ko kay Ate Tammy. Di naman ako galit or nagtatampo kase sanay ako sa ugali nyang yun. Trip ko lang talagang mawala sa mood. Ganun naman talaga mga gf base na rin na sakikita ko kila Ate Chloe. Mga babae bigla na wawala sa mood now I know the feeling.

Nag-usap usap lang lahat sila ako nakikinig lang sa mga kwento ni Hurri about sa naiimagine nyang magaganap na activities namin sa Yate. Ang cute naman nya pagmasdan parang nakakahawa yung excitement na meron sya.
Hindi ko na nga namalayan na hindi nalang pala basta nakahawak si Zepro sa bewang ko kundi nakayakap na sya sakin mula sa likod ko.

"You ok?"

Bulong nito sakin ramdam ko pa ang init ng hininga nitong tumama sa leeg ko. Tumango lang ako at patuloy na nagmamasid kay Hurri habang si Kuya Seb napapangiti nalang ding pinapanuod ito.

"Are you mad at me?"

Doon na tuloyang naagaw ni Zepro ang atensyon ko. Bumuntong hininga muna ako bago humarap sa kanya. Sya naman ay umayos ng tayo at nag-antay ng sasabihin ko.

"Ewan ko ba. Basta nawala nalang ako sa mood. Nahawa siguro ako sa pagsusungit mo"

Seryosong sabi ko dito kase hindi talaga ako nagbibiro. Napailing naman ito sa sinabi ko saka kinuha ang dalwa kong kamay at sya mismo ang nagsabit nito sa batok nya saka ako niyakap sa bewang.
Akala ko naman may sasabihin sya pero pinaglapat nya lang ang noo namin at dahil matangos ilong nito ay parang nalilibang syang ipagkiskisan ang ilong naming dalwa. Like his action is saying sorry. Wala na! Tunaw na naman ako

"Kuya Brix ang tagal nyo!"

Rinig kong reklamo ni Hurri kaya ako na ang bumitaw sa yakapan namin ni Zepro at humarap sa mga ito. Hinalikan ng kambal ni Hurri sa noo saka nagsorry. Ang sweet talaga ng boys ang swerte namin
Pero may napansin pa akong pamilyar na mukha ng lalaki sa likod ng kambal.

"Ate Tam sino yung lalaki?"

Pagtatanong ko kay Ate Tammy na doon din nakatingin pero parang di naman sya nagulat or nanibago na may ibang kasama ang kambal.

"Oh him. Brix's boyfriend"

Si Kuya Zymon ang sumagot na parang kinatigil ng pag-ikot ng mundo at paligid ko. Parang paulit ulit na nag echo sa tainga ko. Ano daw? Boyfriend ni Brix?
Humarap ako sa boyfriend ko para maitago ang reaction ko. At ang loko loko seryoso ang mukha pero yung mata nya parang naaaliw sa nakikita which is ako na naguguluhan kung bakit may boyfriend si Brix.

"Ho-Honey..."

Nagkakanda utal utal na pati ako sa subrang di makapaniwala. Tumaas ang sulok ng labi ni Zepro na papunta na sa pagngiti pero di ko na yun pinansin dahil nalilito ako.

"Si... si Brix is he.... is he ga-gay?"

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon