Chapter 30

2.4K 76 8
                                    

UNEDITED

Ashley's POV

Matapos kung mag-ayos napangiti ako sa itsura ko sa salamin ang cute naman ng white dress na ito. Hanggang sakong ang haba nya para kahit malakas ang hangin hindi masyadong dadala ng hangin. May parang belt or garte sa may bewang para fit sa taas na part ng dress hangang bewang yung fit kaya kita ang shape tapos half-shoulder lang sya. (a/n: di ko alam tawag dun pero basta yung isang balikat lang merong ganun)

Nagsuklay lang ako ng buhok pero di ko na tinali kase masmagandang tingnan pagnakalugay lang. Nagpasya na din akong lumabas medyo napasinghap lang ako ng paglabas ko ng pinto nakasadal si Zepro sa wall sa tapat ng pinto namin at busy sa cellphone nya.

Nag-angat ito ng tingin sakin medyo nahiya ako ng hinagod ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Napaiwas ako ng tingin dito dahil siguradong namumula na ako dahil na rin sa mas gwapong tingnan ito ngayon. Ang swerte ko pala talaga.

"Hi"

Napakagat ako sa ibabang labi ko ng marinig ko ang super manly na boses nito. Ang sarap naman. I mean ang sarap sa tainga parang nakakakiliti sa tiyan. Lumapit ito sakin agad na pumalibot ang isang braso nito sa bewang ko. Ang isang kamay naman nito ay malumanay at may pag-iingat hinaplos ang pisngi ko upang ibaling ako sa kanyan dahil hindi ko parin magawang tumingin sa kanya.

"Ganda ng girlfriend ko"

Sabi nito habang nakatingin sa mata ko kinagat ko nalang sa loob ng bibig ko ang pisngi ko. Hinalikan nito ang noo ko hindi pa ako nakakarecover ng bigla naman nitong kantalan ng halik ang leeg ko na syang kinasinghap ko.

"Ang bango pa"

Bahagyang natawa ito ng makita ang nanlalaki kong mata sa gulat.

"Ze-Zerpo ano ba! Makita tayo ni mama."

Mahinang suway ko dito nagtaka lang din ako ng biglang sumeryoso ang mukha nito. Saglit na walang umiimik saming dalwa magkatitigan lang. Pero sa paraan ng tingin nya parang may gusto syang sabihin eh.

"May... may problema ba?"

Walang pagbabago ang reaction ng mukha nitong lumayo ng bahagya sakin saka sinuklay ng kamay nya ang sariling buhok.

"You're not planning to hide our relationship, right? I mean it's ok if you're still not ready to introduce me as your boyfriend kay Nanay but..."

Natatawa ako bahagya sa cute ng itsura nya na parang batang pinagbibintangang nangupit ng nanay nya. Agad akong lumapit dito at kahit sa may katangkaran ito ay kinulong ko ang magkabilang pisngi nito sa mga palad ko.

"Ano ba yang iniisip mo. Matanda na ako no! Kaya normal na papunta ako sa pagkakaroon ng boyfriend ayaw naman siguro ni mama na tumanda akong dalaga. Saka gusto ko sana sabihin agad natin kay Mama"

Tila napanatag naman ito at hinawakan ang isang palad kong nasa pisngi nya at kinikiskis lalo doon ang pisngi nya. Ang amo amo nya tingnan di halatang masungit.

"Sabihin sakin na ano?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa gilid si mama na kunot na kunot ang noo. Biglang umahon ang kaba sa dibdib na parang gusto kong tumakbo pero ng mapabaling tingin ko kay Zepro na seryosong nakatingin sakin na parang inaantay ang gagawin at sasabihin ko.

Kaya naman lakas loob kong kinuha ang isang kamay nito at pinagsalikop ang mga daliri namin saka humarap kay Mama.

"Ma, kase... ano.. si-si Zepro po boyfriend ko na."

Lakas loob na pag-amin ko dito napapikit pa ako ng mata matapos kong magsalita sa pangambang makita nag magiging reaction ni mama. Pero maraming segundo na ang nakalilipas hindi parin nagsasalita si mama kaya naman nag mulat na ako ng mata. Agad kong napuna na tila nagpipigil ng tawa si mama. Bakit natatawa? Akala nya ba nagbibiro ako? Hawak ko na nga kamay ni Zepro eh.

"Ma? Totoo nga kase bakit ka nagtatawa?"

Pamagktol na sabi ko dito saka bumaling kay Zepro at pabalibag kong binitawan ang kamay nito ng makita kong nagpipigil din ito ng tawa.

"Naniniwala naman ako anak. Di ko lang maintindihan kung bakit kailangan mo pang pumukit."

At yun nga tuloyan ng tumawa ang mama ko.

"Ma!"

Hindi ako sumisigaw pero yung tono na parang sinasaway ko sya. Parang nahiya tuloy ako sa pagpikit na ginawa ko.

"Nako! Kayo talaga. Alam ko naman na dyan din punta nyong dalwa. Aba ay bata ka palang nagsasabi na sakin itong si Zepro. Wala kayong malilihim saking dalwa andito ako mula ng mga bata pa kayo at masaya ako para sa inyo. Zepro anak alam kong di mo pababayaan si Ashley pero gusto ko parang sabihin ito bilang magulang nya. Wag mong sasaktan ang anak ko"

Awwss... ang sweet naman ng mama ko pero medyo nagulat lang akong nalamang bata palang ako nagsasabi na sya kay mama na maygusto sya sakin. Di masyadong halata kase masungit sya pero yun lang pala way nya. Torpe kase. Agad din kaming tinaboy ni mama para mag-almusal na at naiinip na daw si Hurri.

Nauuna akong maglakad kay Zepro habang papuntang kusina. Bigla nitong hinuli ang isang kamay ko upang hawakan habang naglalakad kami pero agad ko ring binawi at masbinilisan ang lakad.

"Wag kang makahawak hawak ng kamay ko. Pinagtawanan mo ako kanina"

Pagalit sa ani ko dito at masbinilisan ang lakad para makakain na dahil nagutom ata ako dahil dun sa pagsasabi kay mama ng about samin tapos pinagtawanan lang ako nung dalwa. Pagpasok ko sa kusina nagsisimula na silang kumain binati lang ako at inayang kumain.

Nakaupo na ako ng pumasok na din sa kusina si Zepro di ko sya tinitingnan pero rinig ko ang yabag nya dahil sya nalang naman ang wala at di pa nakakaupo. Hindi kami iniintindi ng iba dahil may kanya kanya silang mundo. Naupo sa tabi ko si Zepro pero hindi ko parin sya tinatapunan ng tingin at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.

Nagulat lang ako at di mapigilang maglaki ang mga mata ng binuhat nito ang bangko maspalapit sa kanya. Wala sa oras na napabaling ako dito. Siguradong sigurado ako hindi ko man sinilip kung umangat ang paa ng bangko ko pero ramdam kong bahagyang umangat ako. I mean paano nya yun nagawa ng nakaupo?! At sa edge ng saldalan at upoan lang ang hawak nya.

Pero nawala sa isipin ko ang mga tanong na yan ng makita ko ang tila ba nagmamakaawang mukha nito. Nabitiwan ko din ng wala sa oras ang kutsarang may fried rice na kinukuha ko. Ang cute kase yung parang cute na emoji sa messenger na nagmamakaawa "🥺"

"I'm sorry na ang cute mo lang kase"

Mas lalo akong natulala sa kanya ng ang lambing ng boses nya tapos yung parang baby talk na lalaki version. Paano ko hindi mapapatawad agad ang lalaking ito kung ganito kalambing.

"O-Oo na. Oo na mag-almusal na tayo. Ikaw kase..."

Paglihis ko dahil baka makagat ko pisngi nya sa gigil ko. Gwapo na cute pa! I'm so blessed thank you Lord the best ka talaga.
Sinimulan ko na din maglagay ng pagkain sa plato nya. Medyo na ilang lang ako nung una kase habang inaasikaso ko sya paulit ulit nyang binibigyan ng maliliit na halik ang malaya kong balikat. Pero ng makita kong parang wala lang yun sa iba hinayaan ko na din sya. Para na din makakain kami ng mapayapa.

Mr.Grey's ProgeniesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon