XII - I love you

81 0 0
                                    

Maagang bumangon si Sofia para pumasok sa opisina. Ayaw pa niya kasing makita si Alexis. Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan upang hindi ito magising ngunit laking gulat niya nang makita niya itong nakaharang sa pintuan. Gulo gulo ang buhok, nakasando at nakaboxer shorts lang pero sobrang gwapo pa din nito. Nananabik na si Sofia dito pero hindi pa din mawala sa isip niya ang babaeng kinakababaliwan at marahil ay patuloy na kinababaliwan nito.

"Papasok na ako. Excuse me."

"No." Hindi siya nito pinadaan.

"Ano ba? Malelate na 'ko!"

"Bakit sobrang aga mo naman ata pumasok? Iniiwasan mo ba ko?"

"It's none of your business. Please let me go!"

"No! I want to know kung bakit ka biglang nagkaganyan. Ano bang nagawa ko? Ano bang dapat kong gawin?"

"Wala!"

"Then why are you acting like I'm not existing?"

"I said wala kang pakialam! Bakit mo ba ako pinakikialamanan? Ano ba ko sa'yo? Diba wala naman? Pamparausan mo lang! Para kapag nakita mo na yung babaeng matagal mo nang hinahanap iiwanan mo na lang ako basta basta!"

"What are you talking about?"

"Don't deny it. Alam ko na ang lahat. Kaya ka nagbakasyon dito ay para hanapin ang babaeng nang-iwan sa'yo. Ganun ba siya kagaling sa kama kaya hindi mo siya makalimutan?"

"Please Sofia let me explain."

"You don't have to explain anything. Sanay na akong niloloko. Pare-pareho lang naman kayo e!"

Tinulak niya ito at mabilis na lumabas ng bahay. Pinagsusuntok na lamang ni Alexis ang pader. Dumugo ang mga kamao niya ngunit hindi niya ito ininda. Kumuha siya ng beer at nilagok iyon. Halos maubos na niya ang lahat ng beer sa ref.

Alas singko na nakauwi si Sofia galing sa opisina. Madilim sa buong bahay kaya't binuksan niya ang switch ng ilaw sa sala. Nakita niyang tulog na tulog sa sofa si Alexis at madaming lata ng beer sa lamesa. Lasing na lasing marahil ito sa dami ng beer na nainom. Hindi din ito marahil nagbreakfast at naglunch. Nakaramdam ng awa si Sofia. Mas lalo siyang naawa nang makita niya ang duguang kamao nito.

What are you doing to yourself?

"Sofia....! Don't leave me!"

Nananaginip ka pa. Hmmmp.. Lalasing lasing kasi e..

Nilutuan niya ito ng sabaw upang kapag nagising e makahigop ito ng mainit. Maya maya pa'y nagising na ito.

"Hey you're here. I'm sorry. Uminom lang ako ng konti."

"Konti? E naubos mo lahat ng beer sa ref."

"Sorry. Papalitan ko na lang. But please can we talk? I just want to explain everything."

Awang awang si Sofia sa hitsura Alexis. Sincere na sincere ang pagtitig nito sa kanya. Kitang kita sa mga mata nito ang kabiguan.

"Okay. Pero gagamutin ko muna yang kamay mo at kainin mo yung niluto ko."

Umaliwalas ang mukha nito.

"Thank you so much Sofia!"

Ginamot ni Sofia ang mga kamay nito at pinahigop ng niluto niyang sabaw.

"So, what are you going to say?"

"Sofia..Four years ago ay may nakilala akong isang babae sa isang beach resort namin. Tuwing gabi ay nagkikita kami sa dalampasigan. And to be honest ay may nangyari saming dalawa. Ang akala ko magiging okay kami pero bigla na lang siyang nawala. Nakakatawa dahil hindi ko man lang nakita ang tunay na hitsura niya. Ni hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Kung saan siya nakatira. Wala rin siyang record sa resort. Kaya't halos mabaliw ako kakahanap sa kanya. Hindi na siya mawala sa isipan ko. Ilang years ko din siyang hinanap. At tama ka nga, umuwi ako upang hanapin sulit siya. But when I met you, everything has changed. Biglang nagkaroon ako ng bagong pag-asa. Nagkaroon ako ng mga pangarap para sating dalawa. I forgot that girl, because of you, because I love you.

Unti-unting tumulo ang luha ni Sofia. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Saang resort ang tinutukoy mo? Batangas ba?"

Nagtatakang sumagot si Alexis.
"Yes.."

"Natapakan mo yung paa ng babae na yun, right?"

Nakakunot ang noong sumagot muli ito. "Yes.."

"At nagpasama siya sa'yong umihi sa likod ng malaking bato?"

"Yes, but how did you-----". Naputol ang sasabihin sana ni Alexis. Biglang nanlaki ang mga mata nito.

"And you made love dun din sa likod ng bato na 'yon." Hindi na napigilan ni Sofia ang paghagulgol.

"Sofia...... It's you? Ikaw yung babae na matagal ko nang hinahanap? Ang umalis nang wala mang lang paalam? Why Sofia?"

"I don't have any idea na ikaw yung lalaki na yun. Yung lalaking nangloko sakin." Umatras palayo si Sofia.

"Hey, No. Bakit mo sinasabing niloko kita?"

"My two eyes saw it. I followed you papuntang room 15 and nakita kitang may kayakap na magandang babae. You called her Honey. It's really obvious na niloko mo ko. How dare you na hanapin mo ko? Para paglaruan ulit?" Pinagsusuntok niya ang dibdib nito.

Hinawakan nito ang mga kamay ni Sofia.

"Stop Sofia. Listen please! Hindi ko siya girlfriend! She was my stepsister. Anak siya ng mother ko sa bago niyang asawa!"

Nabigla si Sofia.

"What? But you called her Honey!"

"Her name is Honey. And I can call her if you want."

Nakaramdam si Sofia ng panlalambot ng katawan. All those years akala niya ay niloko siya nito.

"I-- do---n't have any idea na sister mo siya."

"It's okay Sofia. Everyone makes mistakes. Ang pangalawang pagkakamali mo lang ay ang takbuhan mo yung mistake na yun. Bakit hindi mo man lang ako kinausap? Bakit hindi ka man lang nagtanong kung sino yung babaeng kayakap ko?"

Hindi pa din mapigilan ni Sofia ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata.

"I won't do that. Parang naghahabol na ako sa'yo kapag ganun. At paano kung girlfriend mo nga yun edi lalo lang akong masasaktan."

"Shhhhh stop crying Sofia. Stop crying babe. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya sa nalaman ko. I won't let you go again. I will never ever leave you. I think I am the luckiest guy in the world dahil sa'yo. I love you so much. Mahal na mahal kita. Mabaliw ako kapag nawala ka sa buhay ko."

Mas lalong naiyak si Sofia sa sinabi ni Alexis

"How dare you. Mas lalo mo akong pinaiyak!"

Natawa na lamang ito at siniil siya ng matamis na halik. Halik na punong puno ng pagmamahal.

"I love you Sofia. I love you so much...."

"I love you too Alexis. Hindi na kita iiwan...hindi na ako lalayo sa'yo"

You and I collideWhere stories live. Discover now