"I'm so excited mga bes!" Tili ni Eunice na kanina pa maingay kaya't pinagalitan siya ni Sofia.
"Pwede ka bang umahimik kahit sandali lang? Hindi ako makatulog sayo e. Please naman oh." Inis na sabi nya dito.
"Hmmp. Kanina pang umaga mainit ulo mo ah. Meron ka ba ngayon? Pang-aasar ni Eunice. Kaya nagtawanan sila Gracel al Glaiza.
"Ewan ko sa inyo. Di naman talaga sana ako sasama e. Pinilit nyo lang ako noh. Makatulog na nga lang." Sinuot ang head at saka niyakap nang mahigpit ang unan.
"Sige tulog ka lang muna. Baka mamaya malamig na ulo mo." At nagtawanan ulit silang tatlo. Hindi na magawa pa ni Sofia na barahin ang kaibigan dahil antok na antok talaga siya. Hindi nya alam kung bakit tamad na tamad siya ngayong araw na ito.
After 4 hours na biyahe.
"Finally we're here! Ang sarap langhapin ng sariwang hangin. Nakakarelax." Excited na saad ni Gracel.
"Para tayong nasa paraiso. Ang ganda ganda dito. Let's swim na agad mga bes." Yaya naman ni Glaiza.
"Sure why not? Ipasok lang natin tong mga gamit natin sa room natin. Tapos gora na tayo!" Sabi ni Eunice at tinitigan ang 2 kaibigan.
"Naiisip nyo ba ang naiisip ko mga bes?" Tanong niya sa mga ito.
"Oo naman!" Sabay na sagot ni Gracel at Glaiza.
"It's boys hunting time!!!!" Sabay sabay silang tatlo. Tiningnan naman nila si Sofia na hanggang ngayon ay nakapikit pa din kahit nakatayo.
"Hoy girl. We're here na. Para kang mag-issleep over sa awra mo. Hindi ka ba nagagandahan sa resort na to?" Tanong ni Eunice.
"Maganda naman siya. Pero wala pa kasi talaga ako sa mood e. Ewan ko ba bakit ang tamad ng pakiramdam ko. Where's our room na ba para makatulog ulit ako?" Tamad na sabi ni Eunice.
"Ok fine. Follow me girls." Pagyaya ni Eunice.
Pagdating nila sa kanilang kwarto ay agad na nahiga si Sofia hanggang sa makatulog ito. Lumabas naman ang tatlo nitong mga kaibigan na hindi na nagawang magpaalam kay Sofia dahil napakahimbing ng tulog niya.
Nakipagkilala sila sa mga lalaking nasa isang mini bar sa loob ng resort. Hanggang sa nagkaroon sila ng iba't ibang kapareha at kung saang parte ng resort napunta.
Nagising si Sofia pasado alas otso na ng gabi. Napansin nyang wala ang mga kaibigan kaya't inayos niya muna ang mahabang buhok saka sinipat ang sarili sa salamin. Naka walking shorts at v-neck white t-shirt na medyo hapit sa katawan ang kanyang suot. Simple pero kitang kitang pa din ang kanyang mala-diyosang kagandahan.
Lumabas siya upang hanapin ang mga kaibigan. Bawat makasalubong niya ay napapalingon sa kanyang angking ganda. Natatawa na lamang siya sa mga ito. Meron pa ngang nasampal ng kasamang girlfriend dahil grabe makatitig sa kanya.
Oops. Sakit nun ahhh... but it's not my fault... Di ko naman kasalanan na sobrang ganda ko e.
Kung saan saan niya hinanap ang mga kaibigan ngunit hindi niya mahanap ang mga ito hanggang sa mapagod na lamang siya. Kahit mga cellphone ng mga ito ay hindi na macontact.
Umupo na lamang siya sa may dalampasigan. Ang lamig ng hangin na dumadampi sa kanyang katawan. Kanina ay nanlalata ang katawanan nya pero ngayon at tila nabuhayan siya sa sarap ng hangin.
Gandang ganda si Sofia sa tanawin nang biglang may sumulpot sa harapan niya.
Istorbo naman tong mokong na 'to. Hinarangan yung view ko. Asar na sabi nya sa isip.
Wala siyang nagawa kundi ang titigan na lang ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Matangkad ito. Nasa 6 feet ang height. At halatang alaga sa gym ang matipunong katawan. Okay lang naman palang harangan ang view niya kasi magandang view din naman ang kapalit. Natawa siya sa pilyang niyang pag-iisip.
Ano ba naman tong pumapok sa isip ko.
Maya maya'y umatras ang lalaki at di sinasadyang natapakan ang kanyang paa.
"Ouch!" Napasigaw siya sa sakit ng pagkakatapak ng lalaki sa paa niya.
"Oops, I'm really sorry miss". Hindi ko napansin na may tao pala sa likod ko." Nagsorry agad ang lalaki sa kanya.
He has a very masculine voice. Her heart beats fast. Parang pamilyar ang boses nya.
Parang narinig ko na ang boses mo dati pa. Have we met before? Ano bang name mo? Where do you live? Do you have girlfriend or wife?
Mga katanungang gusto niyang itanong dito ngunit iba ang lumabas sa kanyang bibig.
"Hi---ndi mo napansin na may nakaupo dito sa likod mo? Ka---nina pa nga ako dito actually. Mas nauna pa ko sayo. Alam mo bang ang ganda ganda ng view na tinitingnan ko pero bigla kang hu--marang?" Kandautal-ut al na sabi niya sa lalaki.
Pero ang totoo ay mas gusto niya talagang titigan ang lalaking ito kaysa tingnan ang dagat. Hindi pa din nawala ang malakas na tibok ng kanyang puso.
What's happening ba sa'yo heart? Please behave naman.
"Sorry talaga miss. It's not my intention to hurt you." Pagsosorry ulit nito.
"O---k fine. Next time please be careful. I'll leave na lang. Nawalan na ko ng ganang magsenti."
Tumalikod sya sa lalaki at mabilis na umalis. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman nya. First time niyang mabulol sa isang lalaki lalo't hindi pa naman niya nakikita kung anong hitsura nito. Ni hindi na din siya nag aksayang pakatitigan ang mukha nito dahil madilim.
Ano bang pake ko kung anong hitsura niya? Ang sakit kaya ng ginawa niya sa paa ko. Mukha naman siguro syang unggoy e. Natawa na lang siya sa naisip.
Habang naglalakad upang patuloy na hanapin ang mga kaibigan ay napahawak siya sa kanyang tenga. Mannerism na niyang humawak dito para icheck ang hikaw niyang suot. Ngaunit napansin niyang nawawala ang isang hikaw niya.
Ano ba yan. Nahulog ko pa yung isa kong hikaw. Hikaw ko na yun mula nung 5 years old pa ko. Hindi ko pwede mawala yun dahil birthday gift yun sakin ni daddy. Mawala na lahat ng materyal na bagay sakin huwag na huwag lang ang hikaw ko, please.
Hinanap nya ito sa lahat ng lugar na pinanggalingan niya ngunit hindi niya ito makita. Nanlulumong napaupo siya habang naglalakad. Napapagod na siya pero hindi niya pwedeng ipagpabukas ang paghahanap niya dahil baka may makapulot nang iba.
Naisip niyang baka nasa dalampasigan ito dahil matagal din siyang nagstay dun. Ngunit nang bumalik siya ay wala siyang nakitang hikaw at kahit ang lalaking humarang sa harapan niya at tumapak sa paa niya ay hindi na niya makita pa.
YOU ARE READING
You and I collide
Romance#SPG (bawal sa inosente) Para kay Sofia lahat ng lalaki ay kaya niyang mapaikot sa kanyang mga kamay. Sa sobrang ganda niya, halos lahat ng lalaking makakita sa kanya ay nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Ngunit napaibig siya ng isang lalaking estr...