"Good morning bes. I already have the info you need." Bati sa kaniya ni Eunice.
"Oh really? That's great. You are so talented talaga when it comes to stalking someone." Excited na sabi niya dito."
"No I did not stalk him. Meron lang talaga akong magaling na source."
"After our class. Please discuss everything about him."
"Sure. And you will be shocked later."
Natawa lang siya sa kaibigan. Ang totoo naman kasi ay wala naman talaga siyang plano na maghiganti sa lalaking namahiya sa kanya. Ewan ba nya pero parang naging curious siya dito. Ngayon lang kasi siya nakatagpo ng lalaking tulad niya.
Sana matapos na agad itong 3 hrs class namin.
Gusto na niyang hilahin papuntang 12 ang kamay ng orasan na nasa 9 pa lang.
"Okay goodbye class. See you next week".
Umalis na ang kanilang professor kaya nagmamadaling inayos ni Sofia ang mga gamit at pumunta sa kinaroroon ng kaibigan.
"Let's go bes. Where are Gracel and Glaiza?" Tanong ni Sofia kay Eunice
"Nagpasama lang si Gracel kay Glaiza. May lalakarin lang daw. So tayong dalawa lang muna ang sabay na maglalaunch. Para naman maidiscuss ko na din yung assignment na pinagagawa mo sakin" Pagbibiro nito.
"Sure. Let's go. Sa canteen tayo. Baka nandun na naman yung antipatiko na yun!". Kunwaring naaasar na sabi nya.
Pumunta sila sa canteen pero sa dami ng tao ay wala man lamang doon ang lalaki na gusto sana niyang makita ulit.
Umupo muna sila at hindi muna umorder.
"So eto na nga. His name is Alexis Galvez. Anak lang naman ng isa sa may-ari ng school na ito. Graduated from Harvard University. Ang natapos nyang course ay about sa business at kasalukuyang nagmamasteral. Nagbakasyon lang siya saglit dito sa Pinas para makapiling ang lolo niya na malapit nang magtsugi. Kaya siya pumunta dito nung araw na iyon ay dahil pinatawag siya ng kanyang daddy at para makita ang bestfriend nya na si sir Alpon." Paliwanag ni Eunice
"What? Sir Alpon? Yung nerd na prof natin na may crush sakin at palagi nating pinagtatawanan?" Gulat na tanong nya dito.
"Oh yes dear. Siya nga mismo. Bestfriend nya ito mula elementary pa lang."
Nakatulala na lang sa hangin si Sofia. Hindi nya malaman ang gagawin. Marahil ay kaya sobrang nagalit ito ay dahil narinig nito na pinagtatawanan nila ang bestfriend nya.
"Don't worry bes. Nakabalik na ito sa States. So hindi ka na niya magagantihan pa. Just relax. Parang namutla ka kasi bigla e. Are you okay?"
"Yes I'm fine. Nabigla lang ako sa mga info mo about him. Mabuti naman at umalis na siya dito dahil wala nang dadanak na dugo sa school na 'to." Pagbibiro nya.
Pero ang totoo ay nanghinayang siya dahil hindi na niya ulit makikita ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya nang ganun kabilis. Ayaw man niyang aminin sa sarili nya pero nalungkot siya at parang nawala ang excitement na nararamdaman niya.
"Let's order na. May next class pa tayo". Yaya nya sa kaibigan.
2 years later
"Happy graduation day anak!" Salubong kay Sofia ng kanyang ina.
"Thank you so much mommy. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo sakin. Para makapagtapos ako ng pag-aaral. Kahit wala na si daddy hindi mo ako pinabayaan. Para sa'yo mommy ang diploma ko. I love you so much mommy!"
Naiiyak na niyakap niya ang kanyang ina. Sobrang mahal na mahal niya ito dahil siya na lang ang tanging kayamanan niya mula nang mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso.
"I love you too anak. Ikaw lang ang pinakamahalaga sa buhay ko. Wala nang iba".
"Mommy, I think it's time na sarili mo naman ang isipin mo."
"What do you mean anak?"
"Puro ako at negosyo na lang kasi ang araw araw na inaatupag mo. Bakit naman hindi ang sariling kaligayahan mo naman ang unahin mo simula ngayon?"
"Sorry anak, hindi ko gets?"
"What I mean is, marry someone again."
"What? Ano bang pinagsasabi mo anak? Ang tanda ko na. Hindi na bagay pakinggan ang ganyang mga bagay!" Namumulang saad nito.
"You are only 45 mommy. Diba nga sabi nila life begins at 40? Kailangan mo pa din ng taong magmamahal sayo tulad ng pagmamahal sayo ni daddy. Hindi ka man lang ba nalulungkot na wala kang kayakap kapag malamig ang gabi?" Pagbibiro ni Sofia sa kanyang ina.
"Ano ka ba anak? Bakit naiisip mo ang ganyang mga bagay." Napapailing na lang ito sa kakulitan ng anak.
"Pero I'm serious mommy. If ever na matagpuan mo na ang magpapatibok ulit ng puso mo kahit sino pa yan. Go for the gold na! Gustong gusto ko na mas lalo ka pang sumaya ulit mommy. Kaya please, do some actions para mahanap mo na si Mr. Right mo."
"Ok sige anak. Kung yan ang magpapatigil sa pangungulit mo sakin. Be ready na. Aalis na tayo baka hindi tayo umabot sa martsa."
"Yehey, sana magkababy ka ulit para may kapatid na ko".
Akmang kukurutin siya ng kanyang ina sa tagiliran ngunit nakaiwas siya at biglang pumasok sa banyo para maligo.
Sofia's mom
Lokong bata talaga ito.
Natatawang umalis siya sa kwarto ng anak.
Tama nga siguro ang anak ko. Ilang taon na ding puro business lang ang pinagkakaabalahan ko mula nang mamatay si Julian. Gusto ko lang kasing palaging maging abala para makalimutan ko siya dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa din ang asawa ko. Siguro ay kailangan ko na talagang tanggapin ang katotohanan na wala na talaga siya. Bubuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong magpapatibok nito.
"Saang beach resort ba kasi tayo pupunta ha?" Pupungas pungas habang nakaupo sa kama niya si Sofia. Maaga kasi siyang tinawagan ni Eunice para sabihin na magimpake dahil pupunta sila sa isang beach resort at mananatili doon ng 5 araw. Ayaw sana nyang sumama dahil wala siya sa mood at gustong matulog lang ng buong araw. Ngunit mapilit ang kaibigan.
"Sa Batangas. Bilisan mo nang mag-impake. Kailangan nating umalis ng maaga para di tayo abutan ng traffic."
"Ok fine. Magbibihis na ako at magaayos." Inis na sabi nya sa kaibigan.
"Siguraduhin mo lang ah. Kapag ikaw ay hindi sumama susugudin ka namin diyan sa bahay nyo!" Pagbibiro nito.
"As if naman na natatakot ako. Okay bye na. Para makapaghanda na ko." At binaba na ni Sofia ang kanyang cellphone.
"Ok bes. Love you!" Pang-aasar ni Eunice.
YOU ARE READING
You and I collide
Romance#SPG (bawal sa inosente) Para kay Sofia lahat ng lalaki ay kaya niyang mapaikot sa kanyang mga kamay. Sa sobrang ganda niya, halos lahat ng lalaking makakita sa kanya ay nahuhumaling sa kanyang kagandahan. Ngunit napaibig siya ng isang lalaking estr...