Part V - Heart...please stop

58 0 0
                                    

Pagkatapos nilang magbreakfast ay nag-aya naman si Glaiza na magswimming.

"Tara swimming na tayo mga bes. Ilabas na ang mga two piece na binili natin!" Excited na pagyayaya nito.

"Tara na. Magpalit na tayo." Sabi naman ni Eunice.

Nang nakapagpalit na sila ay rumampa na sila sa dalampasigan. Pinagtitinginan sila ng mga kalalakihan maging mga kababaihan. Pero ang dahilan nito ay dahil sa angking ganda at kaseksihan ni Sofia.

"Look mga bes. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Para tayog mga artista!" Patiling sabi ni Gracel.

"Asyumera ka naman bes. E si Sofia lang naman ang pinagtitinginan nila!" Pataray na sabi ni Eunice.

"Kaya nga e. Para kasing diyosa tong babae na to kaya pati tayo nahahawa." Pagsasangayon ni Glaiza.

"Tumigil na nga kayo. Tara nat magswimming na tayo." Sabi ni Sofia na nakasuot ng black 2piece nas mas lalong nagpalitaw sa angking kaputian at kakinisan. Napakaseksing tingnan dahil ang katawan nito'y 32 24 34. Almost perfect na ang katawan nya kaya napapatingin ang lahat sa kanya.

Pagkatapos magswimming ay patuloy na hinanap ni Sofia ang nawawalang kapares ng hikaw niya. Tumulong na din ang mga kaibigan niya ngunit nabigo pa din sila. Hindi napigilang matulog ni Sofia sa pagod kakahanap dito.

Nagising siya pasado alas siete ng gabi. At dahil gabi na nga ay isa isang nagsipaalam ang mga kaibigan niya.

"As usual, mag-isa na naman ako dahil may mga lakad kayo" Tila nagtatampong sabi niya kay Eunice.

"Don't worry bes. Lumabas labas ka lang para makahanap ka na din ng loverboy tulad namin." Biro nito sa kanya.

"Tse. Lumayas ka na nga. Baka malate ka pa e. But please use contraceptives." Pagpapaalala nya.

"Of course naman. Ang dami ni Vince nun bes. Hihingi ako sa kanya para bigyan kita."

"No need bes. I don't need it."

"Ok bes. Bye bye. See you tomorrow morning." Excited na paalam nito sa kanya.

No choice sya kundi ang lumabas. Nawawalan na siya ng pagasa na makita pa ang hikaw niya.

Bakit ko pa kasi sinuot yun? Dapat tinago ko na lang e. Dapat hindi na ko naghikaw.

Pagsisisi niya sa kanyang sarili.

Sa lalim ng iniisip niya habang naglalakad ay hindi niya napansin na nasa dalampasigan na naman ulit siya. Tulad kagabi ay ang ganda pa din ng tanawin kahit na tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw. Napaupo ulit siya sa buhanginan at ipinikit ang mga mata upang mas maramdaman ang lamig ng hanging dumadampi sa kanya.

"Ang sarap tumambay dito noh."

Napakunot ang noo ni Sofia sa pamilyar na boses. Unti unti niyang binuksan ang mga mata. Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso niya nang makita kung sinu ang nasa harapan niya ngayon.

Yung lalaking tumapak sa paa ko kagabi.

"Hello, it's nice to see you again kahit na madilim." Bati nito sa kanya.

"H--i" bati din niya dito na nauutal na naman.

Ano ba? Bakit ba ko kinakabahan. I'm Sofia Villaramos. Never pa kong naging ganito sa mga lalaking nakikilala ko.

"Can I seat beside you? Don't worry hindi na ko mantatapak ng paa." Pagbibiro nito sa kanya.

"Su--re. Hindi naman sakin tong resort kaya hindi ko naman pwdeng ipagbawal na umupo ka." Sagot nya dito na halatang kinakabahan pa din.

You and I collideWhere stories live. Discover now