Riley's POV:Naisipan namin na imbis sa bahay kaming lahat mag bagong taon, dito nalang namin i ce- celebrate ito sa resort. Mamayang gabi susunduin na nila Chai sila mama at lola. Naging mahimbing ang tulog ni Stefan kagabi dahil sa pain reliever na ininom niya. May napansin akong gym dito sa resort kahapon, maluwag ito at may malalaking salamin din sa paligid. Naisip kong mag-punta doon para subukang mag ensayo. Bago ako nagpunta ng Bataan, naging sunod sunod ang pag bisita ko sa studio ni Dane, may napag usapan kami na gusto naming gawin pareho. Bilang events planner na kami ni Chai, at nahihilig naman ako sa pag sasayaw, naisip kong perfect opportunity yun para matulungan ko si Dane. Sobrang ganda ng vision niya para sa D&D studio- kung makakapag put up kami ng isang charity show para sa mga potential investors, volunteers or kahit makalikom man lang ng donations para mas palakihin pa ang non profited organization ni Dane na *One Dream, One Beat Movement*- mas marami pa itong matutulungang mga kabataan. Alam kong labis niyang ikatutuwa iyon.
Muli kong sinilip si Stefan, tulog parin ito, naghanda na ako para magpunta sa gym, nag-dala pa ako ng tubig kung sakaling mapasarap ako ng pag eensayo. Palabas na sanang muli ako nung bigla kong maisip muling tignan si Stefan. Madalas siyang mabahala kapag nagigising siya ng wala ako, baka mataranta nanaman ito ng pag-hahanap- ngumiti ako ng bahagya at naupo nalang muna sa may biranda ng hotel room namin. Nakita kong nag kukulitan si Chai at Zoraida sa baba, nakakatawa silang panoorin na parang aso't pusa parin. Tagapag tanggol ko talaga si Chai kahit nung mga bata pa kami, actually- tagapag tanggol namin ang isat isa. Si Molly naman at Tristan maagang nag island hopping, hindi talaga kami isinama. Ang payapa ngayong umaga. Narinig kong may kumilos na sa loob, pag pasok ko, patayo narin sana siya ng kama, napangiti ito nung makita ako.
Riley: "Good morning-"
Stefan: "Good morning-"
Riley: "How are you feeling? Any pain?"
Stefan: "It's tolerable pain, I'm feeling a lot better too. Did you sleep okay?"
Riley: "I did- should we go for breakfast? Brunch actually-"
Stefan: "We should. Are you hungry? You waited for me?"
Riley: "Hindi pa naman din ako gaanong gutom kanina, but I could eat now-"
Stefan: "Let's go then, I'll treat you some avocado ice cream after-"
Habang naglalakad kami papunta sa kakainan namin bigla kong naisip na mag eensayo nga pala ako.
Riley: "Actually- can we just eat ice cream after ko mag work out? Balak ko mag exercise after natin kumain."
Stefan: "Can-"
Riley: "No- hindi ka pa okay ang lalaki ng pasa mo sa katawan. Magpahinga ka after nating kumain, okay? Babalik na sila Molly for sure-"
Oliver: "Teacher? Teacher Riley!"
Napalingon ako at nakita kong tumatakbo papalapit saakin si Oliver. Isa ito sa mga pinaka paborito kong estudyante. Kasunod nito ang mga magulang niya.
Thea: "Ms. Benson! Nandito rin pala kayo!"
Riley: "Ilang araw na po, kelan pa kayo nandito? Ngayon lang tayo nagkasalubong-"
Ben: "Kaninang umaga lang kami dumating."
Riley: "Ahhh kaya pala-"
Oliver: "Oh your husband is here too-"
Pailalim niyang tinignan si Stefan na parang naiinis- tinignan ko naman ang reaction ni Stefan sa likuran ko, iniwas nito ang tingin niya na tila ba guilty parin sa pag sisinungaling niya-
BINABASA MO ANG
Maybe? Probably..
ChickLit(Story Spinoff W7D) Stefan Van Hauten's (From Within 7 Days) side of the story. Falling in love with his bestfriend's girlfriend is probably one of the worst things that he ever had to deal with. Moving on from it was almost impossible, but one thin...