(Story Spinoff W7D) Stefan Van Hauten's (From Within 7 Days) side of the story.
Falling in love with his bestfriend's girlfriend is probably one of the worst things that he ever had to deal with. Moving on from it was almost impossible, but one thin...
Nagulat ako sa sinabi ni Grae, ganun din naman si Stefan. Bahagyang ikinuwento nito ang nangyari, pero mailap sila sa detalye.
Grae: "We don't want to take your moment, tonight is your night."
Sabby: "Ganito nalang, we should plan something, something that we could do as a group, tapos dun namin i dedetalye ng buo kung anong nangyari."
Stefan: "Deal. But thanks again guys, for coming-"
Grae: "Are you crazy? I wouldn't miss this for the world!"
Molly: "I know right-"
Nagulat ako na biglang sumulpot si Molly sa may likuran namin at nag abot ito ng inumin. Diretso narin kasi na dito ginanap ang reception.
Molly: "Who would have thought na mabubuhayan ka ulit- diba? Cheers-"
Nag toast naman sila ni Grae, nakakatuwa na okay na okay sila pati na rin si Sabby kahit pa meron silang nakaraan.
Stefan: "Nothing could affect me right now, I am the happiest man alive, right at this moment."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakangiti naman ako nitong kinuha sa tabi niya. May mga kumuha ng litrato namin dahil pumayag kaming ma feature sa MFM ang kasal namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong magiging reaction nila lolo at lola, o ng mga magulang nila Stefan dahil wala sakanila ang naimbita ngayong gabi. Pero alam ko naman kung bakit, imposibleng maging intimate ang kasal namin kung dumalo ang mga ito ngayong gabi, panigradong sang katutak na press at clients ang dala dala nila, magiging circus lang ang lahat, kaya sobrang na appreciate ko na mas pinili ni Stefan na ganito ang gawin.
MC: "May we call on the bride, and her dad for the traditional father and daughter dance?"
Nagulat kaming napatingin sa MC, sisitahin na dapat siya ni Stefan pero napansin naming lumapit si mama dito, bago ibaling ang atensyon niya saakin.
MC: "Oh let me correct myself, I'm so sorry, may we have the bride and her mom, for a mother and daughter dance?"
Kinuha ni Stefan ang kamay ko at inalalayan akong palapit kay mama. Yumakap siya dito bago siya bumalik sa puwesto namin kanina. Nakangiti naman akong inabot ni mama, hindi ko naman mapigil ang mga luha ko sa pag patak.
Marie: "Masayang masaya ako para saiyo anak. Kung nandirito ang papa mo, masayang masaya rin yun ngayon."
Riley: "Tingin mo ma, proud kaya saakin si papa? Was I the daughter he always wanted? Was I able to save our last name?"
Marie: "Anak, the moment na malaman namin na ipinagbubuntis kita, proud na agad ang papa mo. Nung araw na ipinanganak kita, naku mas siya pa ang hindi mapakali. Nung makalabas ka, mas nauna pa siyang maiyak kesa saakin. Ganun siya ka proud na meron na kaming Riley. Sa lahat ng naging achievements mo nung nag aaral ka, nagmamadali yun parating mauna sa pag akyat ng stage. Sa lahat din ng, naging pag subok mo noon, siya rin yung hindi nakakatulog agad, kakaisip kung papaano ka matutulungan. Sabi nila mahirap kapag unang beses mong magiging ina, pero ako noon? Sobrang dali- kasi all throughout bago siya mawala, nasa tabi ko siya. Masaya siyang ibigay saakin yung tulog niya, kasi masaya siyang alagaan ka kahit pa gabi gabi siyang puyat. He was never not proud of you, not a single time that you made him disappointed. You made it very easy for us to be your parents anak. Kahit pa anong nangyari, kahit nawala lahat ng naipundar namin noon, tuwing tinitignan kita, parati talaga akong napapabulong sa papa mo na, we did everything right mahal, at alam ko- kung nandirito siya, kung naririnig niya ako, sasabihin niyang tama ako."