Riley's POV:
Lumabas ako ng gabing yun kasama sila Chai at Dane. Hindi ko sinabi sa kanila yung nangyari o yung nakita ko. Pero tila ba alam nilang mabigat ang iniisip ko.
Dane: "If you can't tell us what's bothering you, sabihin mo nalang if meron ba kaming maitutulong at least, o magagawa to make you feel a little better-"
Riley: "Hmmm hindi ko rin alam eh. Basta ngayon mahalaga na hindi ako mag isa- na nandito kayong dalawa."
Chai: "Bes- congratulations sa- presentation mo. Sorry if hindi ako makapag all out ng saya para saiyo ha, kasi- ramdam na ramdam ko yung lungkot mo eh."
Riley: "Well at least that's out of the way- alam ninyo tara uwi na tayo. Kasi maaga pa yung gym training ko bukas- ayoko ng magmukmok, nakakapagod."
Dane: "Why don't you take a day off?"
Riley: "Para ano? Mas okay yung puno ako ng ginagawa, mas umiiksi yung oras kong mag isip at masaktan."
Chai: "Gusto mo samahan muna kita sa hotel?"
Riley: "Bes, okay lang ako. Pag hindi ko na kaya kahit hindi ka mag offer talagang ki-kidnapin kita-"
Matapos nun ay inihatid ko muna si Chai sa apartment bago ako dumiretso sa hotel ko. Napahinto ako nung makita ko si Stefan na nakatayo sa gilid ng Hotel kung saan ako tumutuloy. Lumakad akong pabalik at muling sumakay sa kotse ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang pinanonood niya yung ibang mga taong naglalabas pasok sa hotel.
Riley: "And we're back to this- watching each other from afar. Ang pagkakaiba lang- sa pagkakataong ito hindi ako nagmamadaling tumakbo palapit saiyo, naguguluhan ako, kasi desisyon ko naman to pero, ang hirap hirap- ang sakit sakit. Mahal kita pero hindi ko alam kung sapat pa yun- para maayos tayo."
Umiyak nalang ako ng umiyak sa loob ng sasakyan ko. Nung medyo mahimasmasan ako, nilakasan ko na ang loob kong bumaba ng sasakyan ko. Masyado naring pagabi- alam kong hindi siya aalis hanggat hindi niya ako makitang pumasok sa loob. Nagpanggap nalang akong hindi ko siya nakita- pero sinigurado kong makita niya na nakapasok na ako. Nung nasa loob na ako- sumilip ako sa labas kung nakaalis na ba siya, naka bukas na ang sasakyan nito at nakatayo na siya sa may pintuan nun. Pero sandali niya pang pinagmasdan ang Entrance ng hotel bago siya tuluyang nagmaneho paalis.
Maaga akong nagising nung sumunod na araw dahil meron akong gym appointment. Wala akong kalakas lakas na gawin tong mga bagay na ito ngayon, actually never ko namang na enjoy to- wala lang akong choice.
Instructor: "Riley! Tulog ka pa yata! Galaw galaw- come on do the second set!"
Riley: "I'm tired-"
Instructor: "Mind over matter Riley! Choose fitness! Choose a healthy lifestyle! You always have a choice- choose to be better- mind over matter-"
Riley:" Oh my god shhhh! Mas pipiliin ko pang makinig dun sa mga nagtitinda ng kutsilyo sa mall eh, but tama ka naman, I always have a choice, so I quit!"
Tinapon ko sa sahig yung hawak kong weights, kinuha ko na ang bag ko at dire-diretso akong naglakad palabas ng gym. I dropped all of my remaining classes too. Honestly, mas marami pa akong natutunan kay Trish at Stefan kesa sa mga classes na pinagpasukan niya saakin. Kanina pa ako nagmamaneho ng paikot ikot- naisip ko nalang na mag tanghalian sa One Heart.
Dane: "Ohhh she finally showed up!"
Riley: "One Heart special please- at yung pinaka matapang na kape na meron ka- yung kukuryentihin pabalik yung energy ko."
Dane: "Coming up-"
Sandali itong pumasok sa kusina- pag balik nito dala niya na ang order ko. Napangiti naman ako ng bahagya, nakaka miss din kumain dito. Napapikit ako sa unang subo ko, sobrang sarap talaga nito.
BINABASA MO ANG
Maybe? Probably..
RomanceFrom Within 7 Days comes the untold story of Stefan Van Hauten. Stefan has spent his life running from the world he was born into-wealth, power, and the suffocating rules that came with it. Determined to prove himself, he built his own empire far fr...
