Riley's POV:
Dumaan yung isang buong linggo na para akong nasa matinding training talaga. Akalain mo na pati pag e-exercise kasama? Kung saan saang workshop niya ako na enroll. Personality development, Gym, some business related classes at kung ano ano pa. Driving pa! Ay shit! Napabangon akong agad nung maalala ko na may driving school ako ngayon! Marami rami na siyang naipamiling mga damit para sakin, pero ang babaduy! Actually sabi niya ako yung baduy- pero alangan namang mas paniwalaan ko siya kesa sa sarili kong taste. Ginagamit ko naman yung mga pinamili niya pero- pinapatungan ko parin ng kung ano ano. Life is too short for anything boring no!
Nagmadali na akong mag ayos, at tumakbo palabas ng apartment ko. Nakakuha narin ako ng sarili kong apartment, siya rin ang naghanap nito. Mamaya isasama niya ako sa isang event uli. Madalas niya akong isama sa mga malalaking events para matuto akong maki salamuha, makiapag usap. Pero hate na hate ko naman yun, kasi napapanis lang laway ko pag na busy na siya sa pakikipag usap sa ibang mga potential clients nila, naiiwan na ako.
Riley: "Good morning Scotty! Tara na ma le-late na tayo! Masisigawan nanaman tayo ng wala sa oras!"
Dahil nagkanda ligaw ligaw nanaman ako, hindi ako umabot sa driving schedule ko. Maya maya pa nag ri-ring na nga ang telepono ko, at pangalan na nga ito ni *MultoMonyo*. Pag sagot ko nito- tinakpan ko na ang isang tenga ko-
Stefan: *Your teacher called! He said you didn't attend your driving class again today! I thought you wanted help?! Didn't we talk about this? I'm very busy Riley-*
Riley: *I got lost-*
Stefan: *learn how to use the gps on your phone!*
Riley: *Nakakalito nga! Paiba iba kaya yung mga pasikot sikot!*
Stefan: *Pasikot what?*
Riley: *Puta-*
Stefan: *I got that-*
Riley: *Uhhhghhh I'm going to the office now okay? Because there are things that I wasn't able to finish yesterday.*
Stefan: *Fine- I'll see you at 7pm tonight. Don't be late.*
Hindi na ako nag ba-bye, basta ko nalang binaba yung call. Umay na umay na ako sa mga utos nitong MultoMonyong to. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa opisina. At sobrang daming itinuro sakin ng assistant niyang si Trish. Nalimutan ko ngang kumain sa totoo lang. Tapos umuwi na ako para mag bihis at magkikita kami ng 7pm. Anniversary yata ng company ng bestfriend niya. Ang guwapo nun actually- nakita ko na siya sa isang event na pinagsamahan sakin ni Stefan, kaya lang may jowa! Lahat nalang ng yummy sa mundo may jowa, maliban kay Stefan, well diyos ko mas magugulat pa ako pag nagka jowa yun, sino ba namang matutuwa jowain yung 3am palang yata gising na, pala sigaw- parang pinaglihi sa sama ng loob. Meron siyang pinadalang dress dito sa apartment ko na gagamitin ko for tonight, pero masyadong simple- kaya bilang ako to, nilagyan ko sya ng mga accessories sa ibabaw.
Riley: "Ready!"
Pag dating ko dun, nakita ko na agad si Stefan, paano bang hindi e lumulutang siya sa kaputian. Sumenyas lang ito na umikot ako, at makihalubilo. Grabe hindi man lang ako alalayan, wala naman akong kilala dito. Na busy siya agad sa pakikipag usap. Hanggang sa nagsimula na yung program. Nakaka inip, panis na panis na yung laway ko, tapos yung pagkain pa dito punyeta parang pang ibon ang liliit. Gutom na gutom pa naman ako- napansin kong kausap ni Stefan yung kapatid niyang si Molly at ewan ko kung sino yung isa- mukhang kontrabida sa kapal ng makeup eh.
Riley: "Uupo na nga lang ako dito sa gilid- nakakalunod talaga tong mga mayayaman na to. Na miss ko tuloy si Chai, kung nandito yun may kasama sana akong mang judge sa mga tao dito- tawagan ko nga."
BINABASA MO ANG
Maybe? Probably..
RomansaFrom Within 7 Days comes the untold story of Stefan Van Hauten. Stefan has spent his life running from the world he was born into-wealth, power, and the suffocating rules that came with it. Determined to prove himself, he built his own empire far fr...
