Riley's POV:Nandun na silang lahat nung bumalik kami ni Stefan. Nauna ng umalis sila Oliver, marahil ay gusto naman nilang mag celebrate din bilang pamilya.
Riley: "Okay, so- Molly, Tristan Ned and Stefan- meron kaming yearly tradition sa pamilya na, ginagawa namin tuwing bagong taon. It's similar to the usual New Years Resolution na ginagawa ng mga tao tuwing papasok na yung bagong taon. Pero kami, medyo kakaiba, we call it our *New Year's grateful goodbye*, magbibigay lang kayo ng isang bagay na- maaring nakasakit sainyo, or mabigat na pinag daanan ninyo na ipinagpapasalamat ninyo paring nangyari, at maluwag sa loob ninyo ng iiwan sa paalis na taon."
Molly: "Who came up with this concept? It's pretty nice-"
Marie: "Si Riley- the New Year after her father's death- sinimulan niya itong tradition na ito-"
Molly: "Oh I'm sorry Riley-"
Bahagya akong ngumiti at iniiling ang ulo ko.
Riley: "Okay lang. Pero tama yun, sinimulan ko to nung unang bagong taon namin na wala si papa. I was literally dead too, months after papa's passing. Hindi ako lumalabas, nag leave ako from work, hindi ako kumakain- as in wala. Hanggang sa napanaginipan ko si papa, ni re-remind niya ako dun sa life mantra niya- *It's waking up every morning and counting all the Good things in your life.* Sabi niya, ikaw ang may hawak kung papaano sisimulan yung umaga mo, kung mas marami yung ikinalulungkot mo, ikinababahala mo kesa sa mga ikinasasaya at kinasasabikan mo, then lilipas yung buong araw na mabigat lang ang loob mo. So just look at your worries as part of the good things, you're facing them today anyway because you were still given a chance to, you were given another day. Naalala ko si mama, si lola, si Chai- yung mga students ko. Sila yung mabubuting bagay sa buhay ko, at kahit na masakit at nakakalungkot na wala na si papa, he was still and will always be one of the good things na meron at nagkaroon ako. So sabi ko noon, ang hirap gumawa ng New Years resolution, hindi ka naman sigurado dun eh, ang daming mga pagkakataon na- hindi mo kuntrolado yung mangyayari. Naisip ko, mas okay siguro na- isipin mo nalang kung ano yung ipinagpapasalamat mong hindi mo na kailangan pang dalhin sa panibagong taon."
Tristan: "Really powerful way to start the year-"
Molly: "I agree-"
Eva: "Ako na ang mag sisimula- nagpapasalamat ako na nahanap na ng lolo at lola sa side ng papa niya si Riley. Sa totoo lang hindi ko nagawang tanggapin agad yung pag alis mo apo- malungkot eh, tayo nalang tatlo ang natitira. Pero naisip ko rin na, balang araw, ikaw nalang ang maiiwan namin ni mama mo, kaya masaya dapat ako na ngayon mas marami ka ng matututunan, ngayon mas marami ka ng lugar na masusubukan mong puntahan. Apo- mas makikita mo na ang mundo ngayon na, hindi ka na takot lumabas dito sa safe zone mo, kaya ngayon- masaya na akong iwan yung pangamba na wala ka na dito, kasi alam kong mas makakabuti iyon saiyo. Mahal kita apo ko-"
Hindi ko maiwasang hindi maluha sa mga narinig ko. Tumayo ako para yakapin ang lola ko-
Riley: "I love you lola-"
Marie: "Sige ako na ang susunod-"
Tumingin ito saakin at ngumiti.
Marie: "Ako masaya akong iwan na yung pag-aalala kong maiiwan kita anak-"
Riley: "Ma-"Tuloy tuloy talaga ang pag tulo ng mga luha ko-
Marie: "Hindi na ako mag aalala para mas maging masaya pa yung natitira nating panahon na magkasama. Lalo pa ngayon na, alam kong tunay na may mag aalaga na saiyo, hindi ka pababayaan. Kaya thank you Stefan, kasi pinatunayan mo saamin na pwede ka naming maasahan na hindi mo pababayaan yung anak ko-"
Riley: "Mama-"
Yumakap na ako dito- nung bumitiw ako dito, siya namang pag tayo niya para puntahan si Stefan, sinalubong naman siya nito. Halos mapa hikbi ako nung yakapin nila ang isat isa-
BINABASA MO ANG
Maybe? Probably..
ChickLit(Story Spinoff W7D) Stefan Van Hauten's (From Within 7 Days) side of the story. Falling in love with his bestfriend's girlfriend is probably one of the worst things that he ever had to deal with. Moving on from it was almost impossible, but one thin...