Chapter 3

97 8 34
                                    

Chapter 3

Dumagundong 'yung malakas na tugtog mula sa kabilang unit. Sa sobrang lakas umabot na 'yung ingay sa kwarto ko.

Wala bang ibang magagalit doon? Napansin kong minsan wala 'yung nasa kasunod na unit niya pero hindi 'yon sapat na dahilan para mag-ingay siya ng ganito kaaga!

Pabalikwas na bumangon ako. Tatadyakan ko na sana 'yung pader pero hindi naman niya ako maririnig kaya kinalma ko na lang 'yung sarili ko. Wala na bang mas ikakapal pa 'yung pader dito?

Naiinis na tinignan ko 'yung clock ko sa may bedside table. Six AM pa lang tapos gano'n na siya kaingay?! Ano siya alarm clock?! Wow naman, hindi ako na-inform na may built-in alarm clock 'tong condo na 'to.

Napakusot-kusot ako ng mata. Medyo humina na rin naman 'yung music sa kabilang unit. Buti naman.

Mabilis ang kilos na naligo ako. May pasok nga pala, matutulog pa sana ulit ako.

May class kami sa CME auditorium, I forgot kung anong lecture ang gagawin doon ngayon or kung lecture nga ba 'yon.

Kulang pa talaga ako sa tulog. Nag-aral ako magdamag kahapon. Hindi lang kasi nagpa-pop quiz sa Biochem, nagpa-recit pa tapos swerte ko talaga at natawag ako. Sabaw na sabaw pa ako nung panahon na 'yon kaya lahat ng na-advance read ko tinangay lang ng hangin. Tigalgal ako sa prof ko.

Bakit ba kasi ako nag-med? Hindi naman ako na inform na grabe mang warshock 'yung mga Prof dito sa St. Gabriel. Kung alam ko lang talaga.

Nakapagbihis na rin naman ako ng full uniform ko. The typical med school uniform, white blouse, white pencil skirt. Sa St. Luke's pati babae naka white slacks at mas comfortable 'yon. Pero 'yung skirt naman ng St. Gab ay lagpas tuhod naman.

I took my phone na naka-charge sa bedside table. I texted Fiona kung nandoon na ba siya sa school, maaga kasi pumasok 'yung babaeng 'yon.

She replied yes naman kaagad.

Lumabas na ako ng kwarto ko bitbit na 'yung bag ko.

To Fiona:
Where?

From Fiona:
bitch, wdym where?

To Fiona:
Gaga, saan ka rn?

From Fiona:
gazebo

I frowned. Maka-bitch 'to, ah.

Sinuot ko na 'yung shoes ko. Saktong pagkasuot ko tumunog naman 'yung doorbell ko.

Sino naman ang concerned citizen ang mag-d-doorbell sa unit ko?

Binuksan ko na 'yon. Hindi ko ine-expect na siya ang bubungad at unang taong makikita ko ngayong araw.

Koen's face welcomed my eyes. As usual, his hair was a mess, ang kapal ng hair sing kapal ng mukha niya. Hindi maayos ang pagkakabutones ng damit niya dahil siguro sa pagmamadali. Tumuon ang mga mata ko sa dibdib niyang medyo exposed.

Napatikhim siya. Napakurap-kurap ako. I looked up at him with my forehead knitted.

He beamed a warm smile. "Sabay na tayo?"

His smile, I find it heartwarming and annoying sometimes. I shrugged. "Okay..." Tag-tipid ako, so, why not?

Ang weird lang, kahit anong pagsusungit ko sa kaniya ang bait niya pa rin sa akin. Napansin ko rin naman na mabait siya sa halos lahat so baka natural lang 'to.

***
I don't know, basta ang alam ko bawal kumain dito sa loob ng CME pero eto si Fiona. Inaalok pa ako ng chichirya niya. I was tempted to get some pero baka may magsabi.

"Grabe, you're so matakaw, hanggang dito ba naman?" I uttered.

She just shrugged and took a handful of chips from her side. Nakaupo pa talaga kami sa dulo para hindi kita 'tong kalokohan niya.

Taking The Risk (Risk Series #1) (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon